part 31: Pathetic

9.8K 279 9
                                    


Hindi na ako pumunta sa birthday ni Glen. What's the point? I'm not even invited. About his post? I can't understand him. Kung may mali akong nagawa, sana naman sabihin nalang niya. Hindi naman ako manghuhula. Tsaka, alam ko naman na ala akong ginawa. Problema niya?

"Nay, alis na po ako." Nagmano ako kay nanay at dumiretso palabas. May shift ako ngaun sa shop ni Dom. Mamaya pa kasi ang klase ko. Pinipilit kong alisin si Glen sa sistema ko. Mahirap, pero nakakaya ko.

Nang makarating ako sa shop ay nakita ko si Athena mula sa labas. Unlike nung mga nakaraan araw ay mukhang ok na siya ngaun. Nung papasok na ako ay napaiwas pa ako ng tingin ng halikan ni Dom si Athena sa noo.

"Hello," alanganin bati ko. Mali yata ang timing ko.

"Oh, aga mo, Julia." Nanibago ako kay Dom. Ang seryoso kasi niya. Hindi naman siya ganyan. "Ala naman kasi akong klase kaya pumasok nalang ako." Umiwas ako ng tingin at nagdiretso sa locker.

"Okay, kana ba?" Hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin si Athena.

Ngumiti ako ng tipid at pinusod ang buhok ko. "Not really, kailangan, e."

"Maayos din yan, Julia." Tinapik niya ang balikat ko. Lumabas nalang ako ng locker room ng walang tinitignan. Everybody seems weird.

Nang pumwesto ako sa counter ay nag log in ako ng name ko sa computer. Nang okay na ang lahat ay pumangalumbaba ako. Paminsan minsan ay sinisilip ko din ang cellphone ko. Oo, nag babakasakali pa din ako. 

Nabuhay ang katawan lupa ko ng namataan ko ang grupo nila Kristele na papasok. Napaayos ako agad ng tayo. Kapag sinuswerte ka nga naman!

"Hindi pa din ako makarecover ng isayaw ako ni Glen.." Salita ni Kristele.  Inaasar ba nila ako? Bingi ba sila? Kailan malakas talaga ang pagkakasabi? Wag nila akong sagarin  ngaun, please.. I'm on a bitch mode right now.

Tsaka isang linggo na simula ng birthday ni Glen, hindi pa din siya makarecover? Grabe talaga!

"Julia, nandito ka pala?" Ngumisi si Kristele at lumapit pa sa akin. Ang sarap sakalin! Talaga bang isinayaw siya ni Glen? Uuurggggh! Bakit kailangan ko pa yun malaman? Nasasaktan na nga ako ngaun lalo pang pinapasakit..

"Hindi Kristele, doppelganger lang ako ni, Julia." Sarkastikong sabi ko. "Pppffff--" halatang halata sa mga alipores niya ang pagpipigil ng tawa.

Umirap si Kristele."Whatever! I don't want to ruin my mood.." Tinitigan niya ako. "Bakit ala ka nung party ni, Glen? Oohh.. Buti naman alam mo kung saan mo ilulugar ang sarili mo. You already realized that you're not belong to him noh?" Diretsomg sabi ni Kristele kaya napakuyom ang kamao ko.

"Oh-- well, alam ko naman na hindi ka talaga seseryosohin ni Glen eh." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're so cheap.." Ngumiwi siya. Huminga ako ng malalim. Konti nalang! Isa pa..

"Tsa-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Kristele ng bigla siyang sinampal ni Athena. Pulang pula ang pisngi niya. Nalaglag ang panga ko. Galit na galit kasi ang itsura ni Athena.

"How dare you talk to her that way? Purong puro kana sakin babae ka! Masyado kang magsalita!" Dinuro duro ni Athena si Kristele na ngaun ay nag aalab na sa galit.

"Athena, tama na.." Bulong ko. Nakakuha na kasi kami ng atensyon mula sa mga costumer. At natatakot ako na baka lumabas si Dom mula sa office niya.

Lumapit si Kristele at halatang susugod kay Athena nang humarang ako. Mabilis na lumapat sa akin ang palad ni Kristele kaya napamura ako. Tangina! Ang sakit.

"Walanghiya ka talaga!!!" Sumugod ako sa kanya at sinampal siya pabalik. Hinila niya ang buhok ko kaya ganon din ang ginawa ko. Nagkakagulo na kami. Pati mga alipores ni Kristele ay nakisali na. Hindi naman ako pinabayaan ni Athena. Pero dahil madami sila ay halos madaganan na kami ni Athena.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now