part 38: Bangungot

10.4K 285 11
                                    

"Julia, tara na.." napabaling ako sa kanya. Malaki ang ngiti niya habang nakapwesto sa diving board. Umiling ako agad sa kanya. Pinipilit niya kasi akong tumalon sa diving board ng mag isa. 

"Hindi ko kaya , Glen. Natatakot ako.." hindi ako makalapit sa kanya kahit inaabot niya ang kamay ko. Nawala ang ngiti niya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang matipunong naglalakad pabalik sa akin. Ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko. He maybe a badboy but he's the perfect badboy for me.

"Bakit ka natatakot? Alam mo naman na nandito ako diba? Kailan ba kita pinabayaan , Julia?" May kung anong tumusok sa puso ko sa sobrang sincere ng pagkakasabi niya. Napanguso ako sa kanya.

"Alam ko naman na hindi mo ako papabayaan eh. Kaso, natatakot ako.." nakaupo ako sa isang bato dito sa gilid. Tanaw na tanaw ko ang dagat ang papalubog na araw.

"You have to conquer your fears, baby.. hindi ako palaging nandito para pagaanin ang loob mo. Hindi ako palaging nandito para makasama mo labanan ang fears mo. You have to fight alone." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kumalabog bigla ang puso ko.

"Hindi mo naman ako iiwan diba?" Kabadong sabi ko. Napatawa siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko. Napatingin pa nga kami sa papalubog na araw. Pumikit pa nga ako para namnamin ang ihip ng hangin.

"Diba, Glen? Hindi mo ako iiwan?" Natatakot ako. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ngumiti siya ng tipid at hinawakan ang kamay ko. Sa ginawa niya nakaramdam ako ng kapayapaan. Pakiramdam ko at ligtas ako at walang pwedeng manakit sa akin.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito ako, Julia. Gusto kong malabanan mo yung mga bagay na kinakatakutan mo. Pero kung ako ang tatanungin mo, hinding hindi ako aalis sa tabi mo." Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako.

"Lahat ng takot mawawala kapag nilabanan mo. Kung pwede nga lang akuin ko ang lahat para seyo, alam mo naman na gagawin ko diba?pero hindi, e. We have our own demons that we need to fight, and you have to fight your own demons, Julia."

Humarap ako sa kanya. Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit natatakot pa din ako?

Malamlam ang mata niya habang nakatingin sa akin. Unti unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko kaya napapikit ako. He kissed me passionately na parang ito na ang huli. Dahan dahan siyang kumawala sa akin.

"Do you trust me?" Lunod na lunod ako sa mapupungay niya na mata. Instantly, tumango ako sa kanya kaya napangisi siya.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nagdadalawang isip pa nga ako kung tatanggapin ko ito.

"C'mon baby. I wont let anything happen to you." Ngumiti siya. Yung ngiti niya na matutunaw ang puso mo.

Huminga ako ng malalim at iniabot sa kanya ang kamay ko.

Naglakad kami papalapit sa dulo ng diving board. He hugged me at the back kaya napanatag ako. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Masaya ako at lalabanan mo na ang takot, Julia.. I'm always here.. no matter what, nandito lang ako. I wont let you feel alone, baby..  I love you.." kumawala siya sa pagkakayakap kaya mabilis akong tumalon sa diving board. Paglubog ko sa tubig ay nataranta na naman ako. Hindi ako makaangat. Kinakain na naman ako ng takot.

You have to fight your own demons, Julia..

Pumikit ako at sinara ang bibig ko na bahagyang nakabuka. Kinalma ko ang sarili ko tsaka ako lumangoy paitaas.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now