part20: Kahinaan

11K 339 3
                                    


"Glen.."nanlulumo ako. Galit na galit ang mata niya habang nakatingin sa kanila. Yung kulot naman na lalaki ay itinayo nang mga kasama niya. Iginalaw niya ang panga niya at ngumisi.

"Look who's here.." nakangising sabi ni JD. Tapos yung isang kasama niya naman humigpit yung hawak sa akin.

"Let her go.." Matigas na sabi niya sa kasamahan ni Jd. Ako naman nag tutuluan na ang luha.

"At baket ko naman gagawin yun, Silverio? huh?" Matapang na sagot naman nang boy kulot (Jd). Nakita ko ang pag-igting nang panga ni Glen at pag,kuyom nang kamao. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa dami ng emosyon nadadama ko. Ang nangingibabaw lang ngaun ay  natatakot ako. Yung isang kasama niya kase ay may hawak na tubo na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

"Because I said so, let her go or-" hindi niya pa natatapos ang sasabihin  niya nang putulin nung isang kasama ni boy kulot. May katangkaran ito at medyo singkit ang mata. Ang nakakabahala pa ay nasa dulo kami naka park kaya hindi matao.

"Or else what? wala ka sa school Silverio, if you ruled the LSU, you don't here." Tapos yung kulot lumapit bigla sa akin tas inamoy ang leeg ko. Kadiring kulot to!

"No please..." sagot ko. Lahat sila ay natawa sa sinabi ko. Halos mag makaawa ako. Besides nakakadiri siya. Jusko! ayoko naman siya maging first kiss ko.

"Son of a bitch!" Narinig ko nalang sigaw ni GLen. Tapos nagulat nalang ako nang sinugod niya yung kulot. Bigla nalang niya itong sinuntok. Tapos nung unang attempt ni Jd yung kulot na suntikin si Glen ay hindi naman niya tinamaan. Ayun sinipa siya ni Glen sa sikmura. Kahit kinakabahan ako pinagdadasal ko nalang na sana may makakita samen.

"Tangina!ano tinatanga tanga niyo jan? tulungan niyo ako!" Sigaw ni Jd sa mga kasama niya kaya ayun sumugod nang sabay yung dalawa. Malakas si Glen. Nakakailag siya. Para ngang wala lang sa kanya.

"Is that all?" nakangisi si Glen. Napa irap ako dahil doon. Ang yabang talaga! Kinabahan ako bigla ng lumapit si akin si Jd.

"Aray!"  napasigaw ako nung hilahin niya yung buhok ko. Ang sakit!

"Ano, Silverio? Kapag ba binutasan ko leeg nang syota mo lalaban kapa?" Maangas na sabi ni Jd. Mau kung nao siyang dinukot sa bulsa niya. Kanina medyo ok pa ang pakiramdam ko pero ngaun literal na takot na ako. Ikaw ba naman ang tutukan ng cutter sa leeg.

"Leave her alone.." Mas nakakatakot na ngaun si Glen. Nakita kong natigilan siya at biglang namutla. Ako din ay natigilan ng bahagyang sundutin ni Jd ng cutter ang leeg ko. Nagsimulang tumulo ang dugo. Kahit maliit iyon ay dama ko ang dugo na tumutulo sa leeg ko. Doon na ako nag simulang umiyak .

"You motherfucker!" Hindi ko na makita reaksyon ni Glen dahil iyak na ako nang iyak. Masakit yung pagkakatusok saken kahit mababaw lang naman. At sywmpre! Natatakot ako.

"Sige lapit na!" Sagot nung kasama niya na hawak ako. Mag pumiglas man ako wala akong magawa dahil mahigpit ang hawak sa akin. Tapos yung cutter nakatutok pa din sa leeg ko.

"No, Glen." hindi ko alam kung saan ko pa nakuha yung lakas nang loob ko magsalita. Masaket na kase ang leeg ko dahil hila pa din nung lalake yung buhok ko.

Lumuwag yung hawak niya sa buhok ko kaya naman nakita ko si Glen na pasugod na. His eyes! Yun yung mata niya na kinakatakutan nang lahat . Even me. Tapos yung isang kasama niya sumugod na tapos yung may hawak sa akin. Kaya ang nakahawak sa akin ngaun ay si Jd.
   

Walang salitang nangyari pinag susuntok sila ni Glen. Agad ako napasinghap nang tinamaan nung isa si Glen sa likod. Tatlo sila, isa lang si Glen. Tapos may tubo pa yung isa.

"Please, maawa ka.." sabi ko kay Jd. Tapos napatingin sa akin si Glen. Hiniwaan na naman niya ako sa braso ko .

"Gago kang kulot ka! Tigilan mo si Julia, mapapatay kita." galit na galit si Glen.

"Hanggat lumalaban ka, masasaktan si, Julia. " madiin sabi ni Jd. Kaya medyo natigilan si Glen. Tapos papalapit na ulet yung tatlong kasama niya pero si Glen hindi pa din gumagalaw.

"Glen! wag kang tanga! ako lang 'to, kaya ko 'to, lumaban ka!!" Sumigaw na ako. Tapos yung si Jd hiniwaan na naman ako. Patuloy na pag-agos nang luha ko .Si Glen nakatayo pa din. Yung isang may tubo bigla siyang hinampas sa tiyan  kaya naman halos mapa upo si Glen.

"Tulong!!!!" Sumigaw ako nang sobrang lakas kahit hirap na hirap na ako sa pag iyak. Pinag sususuntok na nila si Glen. Halos magkulay mansanas na ang mukha niya ang daming dugo .

"Tumahik ka Julia, or si Glen ang sasaksakin ko. " humagulgol lang ako nang humagulgol. Napatingin ako kay Glen na nakatingin din sa akin. Halos mawarak ang puso ko sa itsura niya. Nakatingin siya sa akin habang pinagsisipa siya.

"Glen....." halos walang lumabas sa bibig ko.

"Itigil niyo yan." bigla akong binitawan ni Jd tapos nagtatakbo sila kasama yung tatlong kasama niya. Nagdatingan kase yung mga security nang theme park. Wala akong ibang inisip ngaun kundi si Glen. Hawak ko ang leeg ko habang palapit sa kanya.

Patuloy na ang agos nang luha ko at lumuhod sa harap ni Glen. Halos di ko siya makilala sa dami nang dugo at pasa niya. Iniangat ko yung ulo niya para ilagay sa hita ko.

"Ma-" pipigilan sana ako nang isang security.

"Tumawag po kayo nang ambulansya.. Sige na po.." itinuloy ko pag angat sa ulo ni Glen at pinatong sa lap ko . Pikit na yung isang mata niya. Hinimas ko ang pisngi niya kaya naman napadilat siya at bahagyang ngumiti. Seryoso?nakakangiti pa siya?

"Julia, O-ok kaba?" Halos wala nang lumabas sa bibig niya kaya naman lalo ako napaiyak. Siya na nga ang nasaktan ako pa din ang inalala niya. Kahit panay ang pag iyak ko ay tumango ako. Bahagya kong kinalma ang sarili ko kailangan ako ni Glen! Bakit ba kasi di siya lumaban?

"Baket hindi ka lumaban? Kaya mo sila, alam kong kaya mo! baket nag pabugbog ka?" ayan na naman  yung luha ko. Hindi ko kase maatim na makita siyang mahina. The Glen I know is strong.

Naramdaman ko na gusto tumayo ni Glen pero hindi niya kaya. Talagang nasalanta ang katawan niya.

"Wag kana tumayo. Tumawag na sila nang ambulansya." Hindi ko mapigilan himasin yung mukha niya. Medyo napapikit pa nga siya. Kahit ayoko nang lumuha hindi ko mapigilan. Seeing him like this because of me? Nakakaiyak talaga! Kaya pala niyang maging selfless. Bigla nalang akong nakaramdam nang paghanga sa kanya. No!,hindi lang paghanga. Minahal ko siya bigla..

"Baket? Glen.." tapos humagulgol lang ulet ako. Hindi kasi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya. He's strong. Anong nangyari?

Dumilat siya ng bahagya. Yung mga mata niya na kahit ayaw na dumilat ay pinilit niya pa din, tinitigan niya ako mata sa mata. I can't see him na malinaw dahil sa dami nang luha sa mata ko. Ang bilis pa nang tibok nang puso ko.

"Shh.. Okay lang ako, Julia, malakas lang ako sa paningin mo, pero ikaw ang kahinaan ko." Tapos pumikit na siya ulit.

The Perfect Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon