part 34: Makakaya ko din

10.7K 322 9
                                    

Last day na ng klase ngaun. Hindi pa din ako makapaniwala na nakasurvive ako sa loob ng isang linggo. Tahimik ang issue. Ala nang bumatikos sa akin. Bigla nalang nawala.

Plano kong magfull time sa shop ni Dom. Para makaipon na din ako para sa enrolment sa next sem. Kahit naman kasi scholar ako ay may iba pa din akong pinag kakagastusan.

Sa araw araw ng ginawa ng diyos, araw araw akong gumagawa ng paraan para maayos kami. But still, alang nabago sa kanya. Hindi ko na din alam ang gagawin ko.

"Julia, sabay na tayo sa school?" Bungad sa akin ni Athena. It's kinda weird na normal na ulit ang trato niya sa akin. Well, ayos din naman iyon. Mas nasasaktan kasi ako kapag may awa silang nadadama para sa akin.

Niligpit ko ang mga cups at hinubad ang cap na suot ko. "Sige.."

Pumasok ako sa locker at nagpalit ng damit. Pwede naman kasi mag civilian ngaun dahil last day na. Tsaka inaya ako ni Athena sa Boolshoi Booze mamaya. Pumayag ako. Para naman makalimot ako kahit ilang oras lang.

"Ano plano mo sa sembreak?" Pilit akong kinakausap ni Athena habang naglalakad kami papunta sa university. I shrugged. Ala naman talaga akong plano eh. "Baka mag fulltime ako sa shop." Sagot ko.

Nang makarating kami sa university ay naghiwalay kami ng landas. Sa kabilang building kasi ang kila Athena.

Pagpasok ko sa room ay maingay. Sa likod na nga ako dumaan para hindi ko makita sila Kristele. Tahimik akong naupo sa likod.

"Heard may holloween party sa Bulshoi ah? Si Glen daw ang nag organized." Nakuha ni Trixie ang atensyon ng magsalita siya. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siya na nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. Mabilis siyang nag iwas ng tingin.

Mamaya kami pupunta sa Bulshoi ah? Alam ba ito ni Athena?

"Sarap talaga kapag ka age lang natin ang president, he knows what we want." Masayang sabi ni Kristele at pumapalakpak pa.

"Excited na kami.." Sabay sabay na sabi ng alipores ni Kristele. Huminga nalang ako ng malalim ay nagfocus sa nirereview ko. Kailangan ko matapos at maipasa ito.

Ganyun pa man, hindi maalis ang isip ko sa sinasabi nilang holloween party. Bakit hindi ko alam yon?

"Julia, pupunta ka mamaya?" Napatingin ako kay Klaus ng bigla itong nagsalita. Oryt, hindi ko manlang napansin na siya pala ang katabi ko. "I'm not sure.." Pagsisinungaling ko. Pupunta ako. Nandun si Glen eh. At tsaka talagang pupunta naman kami ni Athena.

"Ganon? Sayang.." Dismayadong sabi ni Klaus kaya napatingin ako sa kanya. In the end wala nang nagsalita sa amin hanggang dumating na yung prof namin. Mabilis kong nasagutan ang exam. Mabuti nalang talaga at nagreview ako.

Naglakad ako sa hallway ng mag isa. Panay pa nga ang huntahan ng mga studyante about the party.

Pupunta na ulit ako sa shop ni Dom. Ala naman kasi akong gagawin dahil may isa pang subject si Athena. The usual, dumaan ulit ako sa main building kung nasaan ang office. Wala doon ang Vios ni Glen. Maybe his busy with the party.

Ang tanga ko ba? Ako kasi ang habol ng habol sa kanya. Minsan nga gusto ko nang mapagod. Pero hindi eh. Hindi ko maramdaman ang pagod. Mas nangingibabaw pa din sa akin na mahal ko siya.

"Julia, are you coming tonight?" Bungad sa akin ni Dom. Ok na ulit si Dom. Hindi na mainit ang ulo niya. Dati kasi palaging mainit ang ulo niya sa akin. Akala ko pa nga tatangalin niya ako sa trabaho. Naiintindihan ko naman siya. He's Glen's friend after all.

"Not sure.." Tipid na sagot ko. Umupo muna ako saglit dahil sa hingal at init. "You already have a holloween dress, so you have no choice." Napatingin ako sa kanya at nanliit ang mata. Alam nila talaga? So ako lang ang hindi alam tungkol sa party na yan.

The Perfect Badboy (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ