part 19: First date

12.5K 297 8
                                    

"Nagseselos ak, Julia. Alam kong walang tayo, pero sana naman wag mong iparamdam sakin na wala lang ako seyo."

Natigilan agad ako nang sinabi niya yan. Pakiramdam ko kase may mali akong nagawa sa kanya. Ay! takte ka Silverio! Nagseselos? hindi ko kase alam kung baket siya ganyan. Nililigawan daw niya ko?pero kase ngaun ko lang din naranasan ang mga ganyang bagay kaya ako mismo walang alam.

"Tatanga ka nalang jan?" Nabalik ako sa katinuan nang nagsalita siya. Gustong gusto ko magsalita pero wala akong mahanap na tamang salita.

Tapos nakatapat siya sa driver seat ako naman sa passenger. Nauna siyang pumasok sa loob nang sasakyan.

"Hindi bubukas yan mag-isa.." binuksan niya yung window para sabihin yan? eh malay ko ba na isasama pala niya ko? Umirap lang ako tsaka binukasan yung front seat sa tabi niya. Agad niyang binuhay yung makina. Leche nato!

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pero di ako tumingin sa kanya. Paano napaka ungentleman. Nanliligaw pa siya nang lagay na yan ah.

"Basta!" Sagot niya.

"Teka, may klase pa tayo diba?"

Hindi na siya sumagot tas pinaandar na niya yung sasakyan. Gustuhin ko man mag protesta ay wala na akong magawa. Alangan naman lumundag ako sa sasakyan niya. At baket ba sumama ako?

"Are you hungry?" Matigas na ingles na sabi niya. Pag ganyan si Glen pakiramdam ko ang baet baet at talino niya. Pag naman tagalog yan magsalita, hala, sablay na. Gulo na ang sunod na mangyayari.

"Hindi nama-" hindi ko na natapos kase biglang tumunog yung tiyan ko. Bigla akong napatingin ako sa kanya. Bahagya pa nga siyang natawa. Pero ang kinagulat ko yung tawa niya. Iyon yung ang nakita kong tawa niya nang si Maggie ang kasama niya sa mall. Genuine. Napairap ako sa sariling naiisip ko. Baket ba nasali yung Maggie savor na  yun dito? Tsaka totoo na naiirita ako. Hindi ako nagseselos ah. Pero ewan ko pag may ibang dumidikit kay Glen naiirita ko.

Talagang walang selos. Promise.

"Your stomach is telling the opposite." Bigla siyang lumiko sa isang fast food chain. Pumunta siya sa drive thru tsaka pumili ng pagkain. Dapat pala palaging nag-eenglish si Glen kase ang baet niya pag ganyan.

Dudukot sana ako sa bag nang pera kaso naiwan ko nga pala sa room yung bag ko. Kainis! bigla nalang kase ko kinaladkad diba? Anu naman ngaun pambabayad ko? wala pa naman sa budget ko gumastos dito.

Nagsimula nang umorder si Glen ang dami dami niya ngang inorder eh. Magkakasya ba lahat nang ito sa bituka niya? Mukhang pang sampung katao na eh..

"Ah-- eh.."sagot ko.

"What?" Nangingiting sagot niya. Hala, ang puso ko! Ayan na naman. Ang bilis nang tibok.

"Ano kase.. naiwan ko yung bag ko!wala akong pera na dala." Medyo nahiya pa ako kaya nag-iwas ako nang tingin.

"Tsk.. Tingin mo ba pagbabayarin kita?"

Nakakunot na naman noo niya. Nagtagalog siya! Jusmio! Napakamainitin nang ulo. Eh malay ko ba diba?

Tuluyan na niyang pinaandar yung sasakyan niya. Ako naman hindi ko alam yung gagawin ko kung kakain ba ako or ano. Kase naman, pinatong niya sa lap ko lahat eh. Paano nalang kung magtauban to?

"Eat." Kahit yan lang sinabi niya puno nang authority kaya yung kamay ko bigla nalang gumalaw at kumuha nang fries. Napapalingon pa nga ako sa kanya. Alam ko naman nagugutom siya kaya nga nag order siya nang food diba? Eh nagdadrive siya kaya naman di ko alam kung aalukin ko siya or susubuan ko nalang. Wait! Susubuan? ramdam ko ang paginit nang pisngi ko. Umayos ka Julia!

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now