part 25: No more secrets

12.2K 375 4
                                    

Umaga na naman. Next week na ang retreat namin sa Zambales. Medyo na excite naman ako dahil sumama si Dom at Athena. Kung paano nila ginawa iyon? Hindi ko din alam. Kahapon nga nung magbabayad ako sa retreat hindi tinanggap ng school dahil bayad na daw ako.

Sino paba ang nagbayad? Walanghiya talagang Mr. Demons na yun. Sabi ko naman sa kanya ayoko ng ginagastusan niya ako. Kaya ko naman magbayad para sa sarili ko. Ayoko kasing isipin niya na kaya ko siya sinagot ay dahil sa pera niya. Independent ako. Sanay ako sa hirap at kaya kong pagtrabahuhan ang gusto ko. Bonus nalang nang nagkaboyfriend akong mayaman.

Pagpasok ko sa university ay dumiretso ako sa gym. Nandun kasi si Glen para sa praktis ng basketball. After kasi ng sembreak, simula na nang foundation. At maglalaban ang mga school department.

"Juls, nandito ka din?" Nakangiting sabi ni Athena. Lumapit ako sa kanya.

"Yup! Nandito si Glen, e." Ayan na naman si Athena na parang nangingisay sa kilig. Muntik pa ngang malalglag yun sketch pad niya dahil sa kagaslawan. When I met Athena. I never knew na mas isip bata pa pala siya sa akin.

Pagpasok namin sa loob ay puro tilian lang ang maririnig mo.

"Padaan lang.." Nakipagsiksikan kami ni Athena sa mga nagkakalat sa daan. Seryoso? Puno ang bleacher at ang daan ay barado sa dami ng tao.

"Julia, don tayo." Napatingin ako sa tinuturo ni Athena. Nandun din si Dom? Nagaaral pa pala siya?

"Nag aaral paba si, Dom?" Hindi ko maiwasan itanong kay Athena. Paano naman ang alam ko ay graduate na siya. "Hindi, nakikigulo lang yan. Just like Glen." Kinindatan niya ako kaya naman lalo akong nalito. Just like Glen?

Nang makarating kami sa bleacher ay hindi ko maiwasan maging tahimik. Nagugulo kasi ako sa mga sinasabi ni Athena. Napatingin pa ako sa referee ng pumito ito hudyat ng umpisa na ng laro. Hindi ko pinansin ang laro. Kahit nga nahuli kong pinapanuod ako ni Mr. Demon ay hindi ko siya binigyan atensyon. Mas nahumaling ako magtanong sa sinabi ni Athena.

"Anong sabi mo kay Glen?nangugulo? Diba student din siya?" Seryosong tanong ko. Hindi nga kami masyado magkadinigan ni Athena dahil sa mga punyetang tilian ng mga babae sa paligid. Ngaun lang ba sila nakakita ng nagbabasketball?

Humalakhak si Athena. "Graduate na sila ni Dom. Last year lang.." Sagot ni Athena kaya nalaglag ang panga ko. How come? Bakit pumapasok si Glen sa klase ko? Ang gulo.

"Are you joking? Bakit pumapasok si Glen sa klase ko? Classmate kami? Hindi kita maintindihan." Pinipilit ko pa din magtanong. Halata naman kasi kay Athena na wala na sa akin ang utak niya. Eh sino ba naman kasi ang makakapagfocus sa akin eh mga hot guys lang naman ng LSU ang naglalaro.

"Jusko naman, Julia!" Iritableng humarap sa akin si Athena. " to make it simple. Matanda na si Glen. He's twenty one na. Kaya siya nasa school para pag aralan imanage ito. And being there sa klase mo. I really don't know the reason. Well, I guess because he was hitting on you before. Perks of being the owner." Kinindatan niya ako. "Okay na?" Bumalik ang mata ni Athena sa naglalaro. Ako naman ay natulala.

Naisip ko lang. Hindi pa pala kami masyadong magkakilala ni Glen. Ilang buwan palang kami magkakilala and for pete sake! We didn't even started as friends, and we're not in good terms either. Tapos ngaun kami na. Hindi ba masyadong mabilis para sa amin dalawa? Kaya pala nakakapasok siya kung kailan niya lang gusto. Ang daya talaga ng Silverio na yan! How come na hindi manlang niya sinabi sa akin? Nevertheless, hindi nagbago yung feelings ko. Nawindang man ako sa katotohonan mahal ko pa din siya.

Napasinghap ako sabay hawak sa ulo ko ng tamaan ako ng bola. Nabuhay bigla ang katawang lupa ko at biglang bamalik sa realidad."Aray.." Hawak hawak ko ang ulo ko. Ang sakit!

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now