part 30: Bygones be Bygones

10.9K 287 17
                                    


"Ate, okay ka lang ba?" Natauhan ako ng kalabitin ako ni Kimmy. Dalawang linggo nalang at tapos na ang sem ko na ito. Bakit bigla nalang ako nakaramdam na nawalan ako ng gana sa mundo? Today is his birhday. Nagsend na ako ng pagbati sa kanya thru text, facebook, IG at kung saan pa siya pwede batiin. Lalong bumigat ang pakiramdam ko ng wala akong natanggap sa kanya na kahit ano.

"Oo naman, Kimmy.." Ngumiti ako ng tipid sa kapatid ko. Wala na si nanay dahil nasa palengke na. Inilibot ko ang paningin ko sa maliit namin bahay.

"Sigurado ka ah?" Tumango ako kay Kimmy." Sige pasok na ako, ate." Tipid akong ngumiti kay Kimmy at tumango. Kahit alam kong hindi siya naniniwala sa akin ay pinag walang bahala ko nalang.

Nang tumuntong ako sa La Soledad, ang tanging pangarap ko ay makatapos at maiahon sa hirap si nanay at Kimmy. Pangarap ko na mailipat sila sa kumportable at malaking bahay. Bakit parang wala na sa akin ang pakiramdam na yun? All I can think now is Glen. Is this love can make people? Aminado ako. Super distracted at bothered ako ngaun. Hindi nga ako sigurado kung naipasa ko ang ilan exams ko.

Nang makarating ako sa LSU ay busy na ang mga tao sa sembreak. They all looked excited. Pero ako? Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Pumasok ako sa room. Tamad akong naglalakad papunta sa dulong chair kung saan usually umuupo si Glen.

"It's Glen's party tonight.." Masayang sabi ni Kristele. Napatingin ako sa kanila. Nakalibot sila sa dulo kasama ang mga alipores niya at si Trixie na seryoso lang.

"Yeah right. I am so excited. Nagpagawa pa ako ng gown para lang dito." Sabi ng isang alipores ni Kristele. My eyes became widder and my hands suddenly tremble. Bakit alam nila ang tungkol sa party ni Glen? Bakit invited sila? Diba girlfriend niya ako? Bakit ako hindi niya inimbitahan? It's because mahirap ako? Ano ba talaga? Patong patong na ang naiisip ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ano ba yung samin ni Glen?

"Trixie, are you ready to meet the inlaws?" Nakangising sabi ni Kristele sabay tingin sa akin. Nag iwas ako agad ng tingin.

Ready to meet the inlaws?

What does they mean?

Nang matapos ang klase namen ay lutang na lutang pa din ako. Ala akong ibang gusto kundi makausap si Glen. Pero paano? Nararamdaman ko talaga na nilalayuan niya ako. Pero bakit?

"Julia, I'm sure invited ka sa birthday ni Glen, right?" Tinaasan ako ng kilay ni Kristele. I don't want fights now. Parang sampal sa mukha ko ng lapitan niya ako. Ano sasabihin ko? Na invited ako? Kahit ang totoo ay hindi naman.

Matabang akong humarap sa kanila. Si Trixie ay malamig lang na nakatingin sa akin. "Of course, girlfriend kaya siya. Kayo nga invited, siya pa kaya?" Napakunot ang noo ko ng biglang nag salita si Athena na bigla nalang sumulpot. Somehow, I feel relief. Kasi, kahit ako mismo ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Thank you for saving me.." Tipid akong ngumiti kay Athena. Nagsimula akong maglakad sa hallway. Si Athena naman ay tahimik lang nakasunod sa akin. Kagaya kahapon pareho lang ang mood namin ni Athena ngaun.

Nang makarating kami sa building kung nasaan ang office ng university ay natigilan ako. Nakita ko kasi ang Vios ni Glen na nakaparada malapit lang sa office. Bigla akong nakaramdam ng kaba at may kung anong bumaligtad sa sikmura ko.

I was about to walk near the building nang biglang hilahin ni Athena ang braso ko. "What are you doing, Julia?" Seryosong sabi niya kaya nakaramdam ako ng bahagyang iritasyon. Ilang araw ko na gustong makaharap si Glen. Tapos pipigilan niya ako?

"Kakausapin ko siya.." Malamig na sabi ko. Huminga ng malalim si Athena. " You already did your part last night, Julia. Hayaan mo siya ang gumawa ng way para mag kausap kayo."

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now