part 36: Absurd

10.9K 284 11
                                    

Umagang umaga ay sibangot ang mukha ko. Ang aga aga kasi ni Mr. Demons mangdemonyo sa bahay namin. Oo, dinala ko na siya sa bahay namin. Kulang na nga lang ay dito na siya tumira. Nanay's fond of Glen. I can't believe na pati nanay ko ay nauto niya. Well, I can't blame nanay. Sa akin lang talaga siguro siya masama.

Sa kabilang banda. Nakakatuwa, kasi tinutulungan niya si Nanay sa pagtitinda minsan. Ang daya nga kasi mabilis nauubos ni nanay ang paninda niya kapag si Glen ang kasama niya.

Kung sana noon ko pa siya pinakilala kay nanay hindi kami nagkagulo pa. Siguro kung hindi kami naayos pa ay puno pa din ng what if's ang buhay ko. Tama nga ang kasabihan na love is sweeter the second time around. Bumawi si Glen sa akin. Tinuring niya ulit akong prinsesa.

"Pinagnanasahan mo ako noh?" Pinitik ni Glen ang noo ko kaya napalundag ako. Pinagnanasahan?

"Assuming mo!" Iniisip ko lang kasi kung bakit binalikan kita.."natatawang sabi ko kaya tinignan ako ni Glen ng masama. Akala ba niya makukuha niya pa ako sa ganyang tingin niya?

Tinignan ko din siya ng masama. "Titingin kapa?" Tumayo ako para pumunta sa kusina. Sayang lang ang oras ko sa kanya.

"Halimaw ka talaga." Asik niya sa akin. "Mahal mo naman.." Sagot ko sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin. Grabe! Nagbablush pala ang badboy?

"Hoi, kuya Glen! Wag mo nga akong dayain! Babangasan kita!" Iritableng sabi ni Kimmy. Natawa naman ako bigla. Naglalaro kasi sila ng pusoy. Dalawa nalang silang naglalayo ay nagkadayaan pa. Naiiling nalang ako.

"Kimmy, tigilan mo nga yan pagtataray mo." Iritableng sabi ni Glen." Huwag munang manahin yung pagka-halimaw ng ate mo.." Pahabol niya. Aba't talagang Silverio na to.

Natahimik bigla si Kimmy at Glen ng lumabas ako sa sala. Nakakatawa nga kasi hindi kasya si Glen sa maliit na sopa. Ang tangkad naman niya kasi. Tapos ang liit pa ng bahay. I wonder bakit gustong gusto niya dito?

"Glen, hindi kapa ba uuwi?" Kumunot ang noo niya. "Pinapauwi mo na ako?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo, magtatanghalian na kami, e. Uwi na. Tsaka mukha ba akong nagbibiro?" Pagtaboy ko sa kanya na ikinalaglag ng panga niya. Si Kimmy naman ay tumayo habang natatawa.

"Sorry kuya, nagmahal ka ng halimaw eh.." Napailing si Glen at apura ang tawa ni Kimmy.  Talagang magkasundo sila?

"Are you fucking serious?" Hindi makapaniwalang sagot niya. Lumakad ako sa kanya tsaka ko tinuktukan ng mahina ang ulo niya. Nagulat pa nga ako kasi napaatras si Glen at naging seryoso.

"Not my head, Julia." Malamig na usal niya kaya nagtaka ako. Nangyari don? Natulala lang ako ng biglang tumayo si Glen. Akala ko nga aalis na ang loko. Ayun nauna pa sa akin sa lamesa at kumakain na siya.

Everything went normal. Pupunta ako sa school after lunch para mag enrol sa second sem. I just wish maging okay na ang lahat. Ang sabi nga din sa akin ni Glen ay ipapakilala niya ako sa mommy at daddy niya kapag dumating ang mga ito sa bansa.

As if naman na sasama ako sa kanya.

"Julia, kain na." Napasinghap ako ng magsalita si Glen. Mukhang enjoy na enjoy siya sa pagkain, eh pakbet lang naman ang ulam namin.

"Kung kumain ka parang ang sarap sarap, no?" Naiiling akong umupo sa tabi niya. Natutuwa ako kasi kaya palang sumabay ni Glen sa kung anong buhay meron ako. Siguro nga na judge ko lang siya noon at masyado akong naging insecure. Pero sa nakikita ko? Hindi siya yung badboy at hambog na nakilala ko. Mukha lang siyang simpleng tao.

"Honestly? Mas gusto ko ang pagkain niyo kesa sa mga nakakain ko, Julia."

"Nako, kuya Glen, wag mo nga masyadong utuin si ate. Uto- uto pa naman yan.." Walang abog na sabi ni Kimmy.  Tumawa ng malakas si Glen kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit tumatawa ka?" Napanguso ako. Nakakainis kasi ang gwapo gwapo niya. Palagi kasi siyang nakatawa ngaun. Para tuloy mas gusto kong seryoso at badboy lang siya.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now