part 23: Sanctuary

12.2K 392 1
                                    

Parang may kung anong elemento ang bumalot sa loob ng kwarto ni Glen dahil sa sobrang tahimik. Hindi na siya nagsalita simula ng umalis sila Simon. At maloloka talaga ako sa rebelasyon nila.

"Can you please leave me alone, Julia?" Malumay na sabi ni Glen. Bakit  parang basag yung boses niya? Tapos hindi pa siya makatingin sa akin ng diretso? Nag iwas siya ng tingin. Huminga ako ng malalim at lumabas ng silid. Ang dami ding tanong na tumatakbo sa utak ko ngaun. How come that his ex becomes his brothers wife?

Ayoko naman tanungin si Glen. Mali naman yata na tanungin ko siya diba? Masyado nang personal iyon. Pero may bahagi sa akin na nalungkot para sa kanya. Masakit iyon. Lalo na kung ang nakakuha pa ng mahal niya ay mismong kapatid niya.

Mahal paba niya si Maggie? Kasi kung titignan mo siya ngaun ang lungkot lungkot niya. At bakit parang ako ang nasaktan para sa kanya? Hindi na ako magsisinungaling. Nahuhulog na ako kay Glen. Pakiramdam ko nga ay mahal ko na siya. He maybe bad at times, walang modo, walang galang, pero kung kikilalanin mo siya. Hindi siya madamot. Mapagbigay siya lalo na sa taong mahal niya.

Naisip ko nga kung bakit niya ako nagustuhan. Kung titignan mo si Maggie at ako, walang wala ako sa kanya. Sa isang mayaman na katulad ni Glen. Si Maggie ang para sa kanya. And why am I feeling this? Naiinsecure ako!

Pinindot ko ang down arrow ng lift. Pupunta muna ako sa coffee shop sa malapit. Tutal, nasa akin naman yung credit card ni Glen. Besides, ngaun ko lang naman to gagamitin noh.
"Ay putek!" Sabay kaming napatalon ni Athena ng magkasalubong ang mukha namin pag bukas ng lift.

"Ano kaba naman, Julia!" Hawak pa din ni Athena ang dibdib niya. Si Dom naman ay nakangiti lang sa gilid niya.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya. Hindi na ako sumagot. Hinila ko nalang ulit sila papasok ng lift. Tsaka, Glen's wants to be alone. Naiintindihan ko naman siya. Kaya siguro ang cold niya at warfreak. Minsan kasi naniniwala ako na lahat ng kinikilos ng tao ay may dahilan. He's been hurt. Hindi mo akalain na isang tulad niya meron palang pinagdadaanan noh?

Sumunod lang sila sa akin papasok sa pinakamalapit na coffee shop. Umupo ako habang magkatabi si Dom at si Athena. Si Dom ang umorder para sa amin.

"Bakit lumabas ka? Hindi kaba hahanapin ni, Glen?" Tanong sa akin ni Athena. Hindi ko nga alam pero nawala bigla ang saya ko. Naiisip ko kasi yung reaksyon ni Glen kanina. Ngaun lalong gumulo ang utak ko. Never pa akong nakaramdam ng ganito para sa isang lalaki. Baguhan ako sa nararamdaman ko. Kaya wala akong masyadong alam. Ang tanging tumatak sa isip ko ay yung sakit sa mga mata niya. Ngaun, napapatanong ako sa sarili ko kung mahal ba niya talaga ako? Hindi ko kasi kaya kung ginagamit niya lang ako.

"Hui, Julia!" Nag snapped si Athena sa harap ko kaya nawala ako sa mga bagay na bumabagabag sa akin. Si Dom naman ay umiimom na ng kape habang nakatingin sa akin at nakataas ang kilay.

"Alam niyo bang asawa ni Simon si Maggie?"malungkot na sabi ko."yung ex ni Glen?"

Napaubo ng bahagya si Dom. Tapos napatingin ako kay Athena. Kumunot ang noo ko kasi naging seryoso sila.

"Wala akong masyadong alam sa buhay nila,Juls. Pero si Dom talaga ang kaibigan ni Glen eh.." Seryosong sabi ni Athena. Sabay tuloy kaming napatingin kay Dom.

"Don't look at me like that girls." Nag iwas siya ng tingin. Yumuko ako at nagbuntong hininga. Bakit ba kasi nasasaktan ako?

"Wag ka ngang maarte, Dom. Si Julia yan! She deserves to know.." Sagot ni Athena sa kanya.

"I know, pero ayokong sa akin manggaling." Sagot naman ni Dom. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila. Halata kasi kay Dom na ayaw niya naman magslita. Si Athena naman nagsisimula nang mainis ang itsura.

The Perfect Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon