part 37: Silent Killer

10.7K 313 10
                                    

Hindi ko alam kung saan nila ako dinala. Pero alam kong liblib ang lugar dahil tahimik. Talagang hindi pa din ako makapaniwala na magagawa niya ito. Bakit?

"Nasaan ba tayo? Sabi ko naman sa inyo na wala kayong mapapala sa akin." Pilit pa din akong kumakawala. Ngumiwi pa nga ako ng hatakin ang buhok ko. Talaga naman! Sino ba sila para ganituhin ako?

"Wag ka ngang madaldal!"halos masubsob ako ng ibalibag ako bigla. Nanginginig ako ngaun, may piring pa din kasi ang mata ko kaya nakaramdam ako ng kaba.

"Tanggalin niyo na ang piring niya." Halos tumayo ang balihibo ko ng magsalita ulit siya. How come? Hindi ko ineexpect na magagawa niya ito sa akin. We were bestfriends. Ano ang kasalanan ko sa kanya?

Nang matanggal ang piring ko ay unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Pumikit pa nga ako dahil malabo pa ang paningin ko dala ng pagkakapiring.

"Hi there, Julia.." galit ang mga mata niya at sarkastikong tumawa. Parang hindi siya ang kaibigan ko na matagal kong nakilala.

"Bakit, Trixie?" Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya ito ginawa. Ala naman akong matandaan na ginawa ko sa kanya ah? Nakatawa lang siya. Imbes na matakot ako ay nalungkot ako.

"Bakit? Huh, Julia?" Puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumalungko siya para magpantay ang aming paningin. Nakipagtitigan ako sa kanya. I'm so dissapointed.

Nakatingin lang ako sa kanya. I don't want to talk dahil gusto kong maintindihan siya.

"Inagaw mo ang lahat sa akin, Julia." Panimula niya. Kumunot ang noo ko. Inagaw? Ano ang inagaw ko sa kanya? She has everything. Bakit ganyan siya magsalita?

"Bakit mo ba ito ginagawa, Trixie? Bakit kasama mo sila Jd?" Yan kasi ang bumabagabag sa akin ngaun. Tumayo si Trixie at humagalpak ng tawa.

"Para sa matalino ikaw ang pinakatanga, Julia.." walang abog na sabi niya kaya nalaglag ang panga ko.

"You wanna know the truth?" Umupo ulit siya sa upuan nakaharap sa akin. Tahimik lang ako at pinoprocess sa ulo ko ang nangyayari. May kutob ako na iba kay Trixie noon pero pinag walangbahala ko dahil kilala ko siya. I guess I was wrong. Hindi ko pala siya talaga kilala.

"You took away the spotlight on me.. I gave my everything para mapanitili ko ang pangalan ko sa school. At ikaw? Without a sweat naging kilala ka sa school." Nalaglag ang panga ko. Yun lang? Yun lang ang dahilan?

"Alam mo na nakukuha ko ang gusto ko diba?" Gumuhit ulit ang galit sa mga mata niya. Poker face lang ako sa harap niya. I can't believe Trixie can be this low. " Si Klaus.. matagal ko nang gusto si Klaus pero inagaw mo siya sa akin. Hindi ko siya makuha kasi ikaw ang gusto niya. And I hated you for that.." literal akong napanganga. Ako? gusto ni Klaus? Natawa ako ng malakas kaya natigilan sila. Lalong nalukot ang mukha ni Trixie dahil doon.

"What'a funny ?" Inis na inis na sabi ni Trixie. Ano daw ang funny? Siya kaya ang funny.

"Teka lang ah--- " sagot ko. Hindi ko kasi mapigilan na hindi humagalpak ng tawa.

"Damn. Ginagalit mo ako talaga ako, Julia!" Lumapit si Trixie sa akin at tsaka ako sinampal ng malakas. Halos mayanig ang buong pagkatao ko sa sobrang lakas.

Sumeryoso ako."Hindi ko alam na baliw ka pala Trixie. I don't know kung ano ang ibig mong sabihin kay Klaus. Magkaibigan lang kami." Malamig na usal ko.

"Maybe kaibigan ang tingin mo sa kanya. Pero mahal ka niya." Galit na galit siya.

"Hindi ko na problema yon, Trixie. Dapat si Klaus ang tinangay mo dito." Pamimilosopo ko kaya lalong nag alab ang galit niya.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now