chapter 27: Karapatan

12.3K 360 6
                                    

Ngaun na ang araw ng retreat. Naalala ko pa yung nangyari sa bahay nung isang araw. About Simon. Diba mga usapan namin ni Glen na walang sikreto? Sa dalawang araw na di kami nagkita. Hindi ko masabi sa kanya. Eh kasi naman gusto ko ng personal. Baka kasi pag text ay mamisinterprete lang niya. Eh medyo high blood pa naman kausap yun. 

Napalundag ako ng bumusina ang sasakyan ni Dom sa likod ko. Naglalakad kasi ako papunta ng university. May ginagawa kasing daan kaya hindi nakatuloy ang jeep.

"Hop in." Sigaw ni Dominic. Ang conyo! Hop in daw. Syempre dahil nagmagandang loob siya sumakay nalang ako.

"Nasan si Athena?" Tanong ko agad pagkasakay ko. Tinignan ko pa nga yung cellphone ko para makita kung anong oras na eh. Mag aalas singko na pala. "Nasa school na. Hinatid ng daddy niya." Tipid na salita ni Dom. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang tamad na nagmamaneho.

(Where are you?) Nanibago naman ako kay Glen ng sinagot ko ang tawag niya. Ang lamig kasi ng boses niya at hindi sumisigaw.

[ Nasa likod mo.] Natatawang sabi ko. Nauna kasi kami ni Dom at Athena. Pa Vip naman kasi to. Alam niyo bang  alas sais na ng umaga? Hindi makaalis ang bus dahil sa tagal niyang dumating. Tinaasan niya ako ng kilay.

(Good morning, baby..) Natatawang sabi niya habang nasa tainga pa din niya ang cellphone niya. Natulala ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi. Waahh! Nambibigla siya. Natawa naman si Dom at Athena. Nagkibit balikat nalang ako. Maganda kasi ang mood ni Glen. Ayoko lang masira.

Hinawakan niya ang kamay ko. Nawala nga bigla ang ginaw na nadadama ko dahil sa init ng kamay ni Glen.

"Teka, bakit sa sasakyan mo tayo sasakay?" Takang tanong ko. Nandun na kasi sa bus ang mga gamit ko.

"Dito tayo sasakay." Sagot niya sabay sakay ng sasakyan.

"Oh, ano pa iniintay mo jan?" Takang tanong niya kaya abot abot ang irap ko. Badboy na, hindi pa gentleman. Ngumuso nalang ako at binuksan ang pinto sa front seat. "Teka nga pala, yung gamit ko nasa bus."

"Pasok na, binili na kita ng gamit mo." Nalaglag ang panga ko. Halos hatakin niya na ako para makaupo sa tabi niya. Tumingin ako sa backseat at ang dami ngang paper bag.

"Sino naman may sabi sayo na ibili mo ako?ha? Tsaka mahal ko yung mga damit ko noh." Padabog kong sinara yung pinto. Ngumiwi si Glen na tila ba naasar sa pagdaldal ko.

"Alam ko naman kasi baduy yung dadalin mo, ginawan kita ng pabor. Pwede bang mag thank you ka nalang?" Binuksan niya ang ignition at nagsimula ng magdrive. Yung apat na bus naman ay nauna nang lumabas ng school. Si Athena at Dom naman ay naka convoy naman sa amin.

Talagang maaga akong maatake sa puso sa lalaki na ito! Palagi nalang ako nagkaka altapresyon.

"Hoi, makabaduy ka! Eh iyon ang gusto ko isuot eh, tsaka pake mo ba? Yun pa din ang isusuot ko! Ipamigay mo yan binili mo." Iritableng sagot ko.

"Kakaiba ka talaga. Yung ibang babae nagpapakamatay ipag shopping, ikaw naman isusuot mo nalang ang dami mo pang sinasabi." Natatawang sabi niya.

"Well, ibahin mo ako! Hindi ako sila!" Masungit na sagot ko.

"I know, kaya nga mahal kita." Nagkatinginan kami. Umiwas ako ng tingin kasi alam kong namula na naman ang pisngi ko. Urrgh! Ang unfair niya! Dinadaan niya ako sa pagiging gwapo niya.

"Like it or not, ala na yung mga damit mo, ipinatapon ko na." Pahabol pa niya. Nanlaki ang mga mata. Seryoso siya? Tinignan ko siya ng sobrang sama pero hindi niya iyon pinansin. Tatawa tawa lang siya habang nagmamaneho.

"Alam mo, ang sama mo talaga.." Nanghihinang sabi ko. Ala naman point makipag away pa ako. Ala na yung mga damit ko. Hindi ba niya alam na highschool palang ako damit ko na yon? Huhu, may sentimental value yun eh.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now