part12: I am now your Slave

13.2K 401 8
                                    


"O.M.G.!!!! I saw your name sa bulletin board, Julia. Candidate ka pala nang Mr/Mrs. LSU?" sabi ni Athena while she's giggling. Nandito ako sa shop. Wala akong pasok ngaun pero may rehearsal mamaya. Nag,text pa nga si Glen na susunduin niya ako pero may kailangan lang siyang asikasuhin. Well, ewan ko ba. Nasasanay na ako sa mga pinag gagawa niya. Hinahayaan ko nalang though, hindi ko alam if he really mean what he's doing. Alam niyo naman medyo adik iyon! at ayoko lang talaga mag assume. Pero good thing naman hindi na siya masyado bossy saken yung tipong utos dito utos duon. Ewan ko nga din kung anong nangyari. Sa bilis nang pangyayari pati ako naguguluhan.

"Yeah.." walang ganang sabi ko. Agad naman ako hinila ni Athena. Mabuti nalang at sarado pa ang shop kaya marami pa kaming panahon mag chikahan. "Ay.. Baket naman hindi ka excited?" Sabi niya tapos hinila ako paupo sa dulo nang mga table. Hinintay kase namen si Sir Dom para mag start nang operation.

"Gastos lang iyon Athena, tsaka ano naman panama ko sa mga kasali doon.."  Ako naman ay abala sa pag pupusod nang mahaba kung buhok.

"Duh! what's wrong with you? you're pretty smart, talented and-"pinutol ko na siya doon.

"Poorita." sagot ko. Bahagya siyang napailing dahil. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa sagot ko.

"So? dahil sa gastos? don't worry tutulungan kita. I'll give you some of my clothes na hindi na nagagamet. Ako mag aayos seyo. Tuturuan kita sa talent mo! ano pa kailangan mo?" seryosong seryoso si Athena kaya medyo nakaramdam ako nang lungkot. Ganitong ganito si Trixie sa akin. She's always there for me. Hindi ko man maintindihan kung baket naging ganoon siya sa akin ay pilit ko pa din siyang iniintindi. We've been together for decades and she is almost a sister to me. Nakakalungkot lang dahil bigla nalang niya akong iniwasan.

"Hey!" napasinghap ako nang magsalita ulet si Athena. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit kakakilala pa lang namen ay sobrang baet na niya sa akin.  Marahan akong tumango.

"Wala na. Thankyou."

Dumating na si Dom. Agad siyang lumapit kay Athena na malake ang ngiti at hinalikan sa noo. Agad akong napaiwas nang tingin sa scenario. Ano kaya ang pakiramdam nang may boyfriend? at Baket ba si Glen ang naisip ko? Oh jusko! malala na ang utak ko. Binati niya ako at ganoon din ako. Maayos naman ang naging takbo nang shop. Nang magtatanghali na ay  nagsimula na akong ayusin ang sarili para pumasok. Mabuti nalang mabaet si Dom at sinasabay ang sched ko sa pasok ko sa shop. Malapit na din kase ang foundation day nang school at doon na din gaganapin ang pageant. Actually, kaya nga ako papasok dahil sa rehearsal sa contest. Gusto ko na nga umatras pero nagagalet si Athena. Sayang din ang premyo. Sige, bigyan mo nang pag asa ang sarili mo Julia! Napag alaman ko din kanina na sumali na si Athena sa competisyon. Grabe! ganoon ba ako ka busy sa buhay para hindi malaman ang mga nangyayari sa skwelahan ko mismo? Dati naman tahimik lang at simple ang buhay ko. Pero nang dumating si Glen hindi lang buhay ko ang nabago. Meron din sa nararamdaman ko na hindi ko mapagtanto kung ano ito.

Nag paalam ako sa kanila para pumunta na sa LSU. Wala daw pasok ngaun si Athena kaya sa shop muna siya. Nag good luck pa nga sila saken eh. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pag vibrate nang cellphone ko. Oo! I've learned my lesson, lagi nang nakasilent ito. Tsaka, proud ako ilabas ito (paminsan minsan). Mahihiya nga ang magtatangkang magnakaw nito eh.

Mr.Demons.

-Hey. Kumaen kana? school kana?

Ayan na naman ng puso ko ang bilis nang pag tibok. Baket ba sa simpleng text niya naghuhurementado ako? Hindi naman ako ganito dati eh. Pero a part of me namimiss na ang pagausungit at pagbabarumbado niya sa akin. Ang praning ko noh? Agad akong nagtipa na di namamalayan na nakangiti na pala ako.

The Perfect Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon