part14: Warfreak

12.9K 411 11
                                    

"You are doing great, Ms. Trinidad. " sabi nang choreo sa akin pag katapos kung umikot. Huling araw na nang praktis ngaun at sa susunod na araw na ang contest kaya makahinga ako nang maluwag. Maluwag nga ba? Sa huling dalawang linggo naman kase ay nakasanayan ko na ang pagsusuot nang heels kaya ok na ko.

" Ikaw naman, Mr.Silverio okay ka naman eh. PERO ARAW ARAW KO NALANG NAPAPANSIN ANG PANINITIG MO KAY MS. TRINIDAD!FOCUS! JUSMIO, ANG GWAPO MO PERO SI MS. TRINIDAD ANG INAATUPAG MO!"

Napasinghap kaming lahat dahil sa sigaw nang choreo. Agad akong napayuko. Hindi ko alam kung napihaya ako or ano pero damang dama ko ang kaba sa dibdib ko. Pag baling ko kay Glen nahuli ko na nakatitig siya sa akin. Agad nag igting ang kanyang panga. Marahas siyang tumayo kaya lahat kami ay natahimik.

Lumapit siya sa choreo at agarang sinuntok ito sa mukha. Dion na ako napatayo, nagkagulo na dahil panay ang talak nang choreo at ako naman ay marahas na hinawi si Glen at hinila palabas nang auditorium. Pero ang tigas niya, ni hindi ko siya magawang mahila.

"Sa susunod pipiliin mo ang sasabihin mo. Wag mo lang babastusin si Julia. And one thing, kaya lang ako nandito dahil sa kanya. Kaya umayos ka or else, mawawalan ka nang trabaho."

Hindi na nakapagsalita ang choreo namen bakla. Hawak hawak niya ang panga ako naman ay walang makapang salita kaya agaran kong hinila si Glen. Mabuti naman at sumunod siya.

"Ikaw talaga may kasalanan nito Julia!" pahabol ni Kristele pero hindi ko na pinasin. Babalik pa sana si Glen pero pinigilan ko na.

"Ano bang problema mo?" mahinahon ngunit may diing sabi ko. Tinignan niya ang kamay ko na nakahawak pa din pala sa palapulsuhan niya. Agad akong napabitiw at ramdam ko na pinamulahan ako nang mukha.

"Wala akong problema, Julia. Sila ang may problema." Sagot niya at nagdiretso nang lakad. Kita ko pa ang pamumula nang kamay niya at ang galit sa mukha niya. Pasalamat na din at lalake pa din ang choreo na yun. Dahil kung hindi ay wasak na ang mukha niya. Patola pa naman itong badboy-warfreak na lalake na ito. Medyo nagiguilty ako hindi ko alam kung baket pero ganun ang nararamdaman ko.

Mabilis ang lakad niya habang ako naman ay nakasunod sa kanya. Binilisan ko din ang lakad ko. Medyo napahinto pa nga ako dahil may nakabungo si Glen na grupo nang mga kalalakihan. I saw how their faces turns into pale. Kaya agaran akong lumapit kay Glen. Ewan ko ba bakit kinakabahan ako. Napaka warfreak naman kasi nito pag mainit ang ulo. Hinila ko siya paupo sa mga bench sa field.

Walang salita ang nangyari sa amin. Seryoso pa din ang mukha niya. Kumuha ako nang panyo at alcohol sa bag ko. Inaangat ko ang kamay niya na namumula at marahan dinampian. Ramdam ko ang pagkagulat at paninigas niya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung paano pumungay ang mata niya habang nakaktitig sa akin.

Nagkatitigan kami. Yung mata niya. I saw pain in his eyes na hindi ko mapaliwanag. Naestatwa ako lalo nang bahagya siyang gumalaw palapit sa akin. Teka?hahalikan niya ba ako? Hindi pa din ako makagalaw dahil hawak ko pa din ang kamay niya. Palapit nang palapit. Hanggang. Nagring yung cp ko. Syempre ginamet ko na yung bigay ni Glen. Bukod sa sayang eh pinagbantaan niya akong itatapon niya yun lahat. Tsaka chuvaness na sinasabi para matahimik siya tinaggap ko nalang.

"Damn that call." Sabi ni Glen at mabilis kaming umayos nang upo.

"Hello?"

"Julia!!" Masayang sabi ni Athena. Naging kaibigan ko si Athena. Parang siya ang pumalit sa pwesto ni Trixie. But Trixie is different she will always be my number one.

"Oh Athena baket ka napatawag?" Sagot ko.

"Julia is Aviel with you?" Agad napakunot ang noo ko. Pero walang kaba dahil kalmado lang siya. Napatingin ako kay Glen na nahuli kong nakatingin sa akin kaya nag-iwas ako agad.Damn that eyes. Errr!

The Perfect Badboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon