part 15: His ex

13K 368 4
                                    

"Ate, Julia! gising na!" Napabalikwas ako nang bangon nang gisingin ako ni Kimmy. Damang dama ko ang kaonting kirot sa ulo ko. Agad kong hinilot ang sentido ko. Medyo masakit pa nga ang kalamnan ko. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. After namen mag usap ni Glen nawala nalang siya bigla kaya sila Athena nalang ang naghatid sa akin.

"Baket ba, Kimmy? gusto ko pa matulog." Marahan akong tumayo habang hawak pa din ang sentido ko.

"Ano kaba ate, alas dies na nang umaga tsaka, may bisita ka." sagot ni Kimmy kaya biglaan akong nagkaroon nang ulirat. Sino naman ang bibisita sa akin nang ganitong oras?

"Sino daw?" tanong ko habang inaayos ang buhok at mukha ko sa maliit na salamin.

"Athena, daw ate eh.."agaran napakunot ang noo ko sa pagtataka. Haayss.. baket parang nadissapoint ako? Bakit, Julia? sino ba ang inaasahan mo? Napailing ako at lumabas nang kwarto. Nababaliw na yata ako.

"Julia..." masayang bati ni Athena. Nanlaki pa nga ang mata ko nang makita ko siya na dala lahat ang paper bag na iniwan ko sa shop.

Tumabi ako sa kanya. Aalukin ko sana siya nang mirienda pero meron na pala. Marahil ay si Kimmy ang may gawa.

"Baket mo dinala yan dito?" Pabulong na sabi ko. Kaya medyo natawa siya. "At baket ka nandito? sino tao sa shop?"

"Pwede ba isa isa lang, Julia? may tao dun kaya wag ka mag alala."sabay lagok niya nang juice.

"Tsaka, sabi ko kay nanay mo bigay lahat ito nang boyfriend mo." Mabilis ko siyang tinignan ng masama. Sunod sunod ang pag ubo ko sa sinabi ni Athena. Pakiramdam ko nga ay pumasok sa ilong ko lahat nang juice na iniinom ko.

"Joke! syempre sabi ko pinahiram kita para sa contest. You know.." sabi niya habang nakataas isang kilay. "Alam mo, ang baet pala nang nanay at kapatid mo." pag kasabi niya nuon ay nag iwas agad siya nang tingin. Sandali kaming natahimik dahil medyo masakit pa din ang ulo ko.

"Anu nga pala ginagawa mu dito?" Tanong ko sa kanya. She smiled. A wicked smile kaya parang kinabahan ako. Witty kase si Athena at medyo maharot kaya pag ganyan ang ngiti niya asahan mo nakakatakot.

"Duh! diba bukas na ang contest? edi mag papamake over tayo! ipapamper kita, body scrub, facial etc.."

Baket kailangan pa nang ganun?eh ayos naman ako? Though, maganda talaga ang mga kalaban ko. Ni minsan hindi ako naconcious sa sarili ko kung para lang sa kanila.

"Wala akong pambayad, Athena. tsaka okay naman ako." sagot ko. Agad siyang napa irap tas tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Gaga! syempre sagot ko na. Bilis na, Juls. Gumayak kana!"

So ayun wala ako nagawa alam ko naman kase na di niya ako titigilan. Knowing Athena? besides sagot daw niya tsaka wala naman din akong gagawin dahil contest na nga bukas.

Nag taxi kami papunta sa mall. Simpleng shirt at pants lang ako. Medyo lumalayo nga ako kay Athena baka kase mapagkamalan akong katulong. Dress to kill naman kase si Athena palagi.

"Tara pa hot oil muna tayo."so ayun sumunod lang ako kay Athena. Para nga akong robot. Na oo lang nang oo pero nag eenjoy naman ako.

Habang busy si Athena sa pagbabasa nang magazine. Tumunog naman yung cellphone ko.

From Glen

- How are you?

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Ewan ko ba. Basta palagi nalang akong ganito .

Me

- Kasama ko si Athena. Ikaw?

Umayos ako nang upo dahil medyo mainit yun steamer na nasa ulo ko. Si Athena ay nakatuon pa din sa binabasa niya. Plano ko nga sana mag basa sa Wattpad kaso nagtext ulit si Glen. Pakiramdam ko nga nasasanay nako sa ganito. Yung parang ok kame. Hindi ko din alam kung baket ganito saken si Glen. Pero sobrang napapalapit na ang luob ko sa kanya. Hindi ako sanay sa ganito. Kung anu man yung ginagawa niya sana wag naman niya ako lituhin. Ayoko din kasing mag assume. Malayo ang agwat namen kaya ayoko din maniwala sa kung anu man ang pinapakita niya.

From Glen

-mall. You?

Me

-Salon. Sino kasama mo?

Ayokong sabihin nasa mall ako baka mamaya eh bigla nalang siyang sumulpot. Hindi talaga ako nag aasume nang lagay na yan. Haha!At baket ba tinanong ko pa kung sino kasama niya?

From Glen

-A friend. I can't wait for tomorrow master. I know you will win. Sige na manunuod lang kami movie. I'll call you later. Ingat!

Hindi na ako nagreply. Parang may bahagi sa puso ko na nalungkot. Tsaka sino yung friend niya?wala naman kase akong nakikitang kaibigan niya aside kay Dom. Nagkibit balikat nalang ako. Kung saan saan kami nagpunta ni Athena. Nawala nga sa isip ko si Glen eh. Ang saya pala. Ang swerte nila kase anak mayaman sila. Pwede nilang bilin ang luho nila nang hindi sila naghihirap. Ako kase lahat nang gusto ko nakukuha ko sa mahirap na paraan,minsan nga hindi ko pa nakukuha. Pero blessed ako kase kahit mahirap ako meron akong mapagmahal na nanay at kapatid. Isama muna ang mga kaibigan ko kagaya ni Athena. Kaya ipinangako ko na mag sisikap ako para sa kanila.

"Nakakapagod mag lakad. Kain tayo, Juls." Hinila ako ni Athena sa isang fast food. Ayoko kase sa mamahaling restaurant kahit dun niya gusto. Sayang kase ang pera tsaka hindi naman ako sanay kumain duon. Piritong manok at kanin lang ok nako. Abo't ang kwentuhan namen nang biglang nag ring cellphone ko.

Glen's calling.........

"Nasaan na kayo?" Bungad saken ni Glen. Napairap agad ako. Kahit kelan apaka bossy niya.

"Kumakain lang, tas pauwi na. Ikaw?" Sagot ko.

"Umh kakain lang din, then uuwi na."

"Okay.." Wala naman ako masabi. Tsaka ano ba dapat sabihin ko? ni hindi ko nga alam baket ako tinatawagan nang lalake nato.

"Oh! my! god!" Natigil ako sandali nang nagsalita si Athena. Nabitawan nga niya yun hawak niyang kutsara habang nakatingin sa labas.

"Wait lang ah.." sagot ko kay Glen.

"What happened? are you ok?"sagot niya pero di ko pinansin. Tinakpan ko ang mouth piece nang cp ko.

"Ano nangyari, Athena?" Napatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin niya or hindi pero gulat na gulat siya. Tumingin siya ulet sa labas kaya sinundan ko nang tingin ang tinitignan niya. Nagulat ako, oo! ala naman kame pero baket ganito nararamdaman ko?

Nakita ko si Glen na may ka akbay na babae. At hindi basta babae. Magandang babae. Sopistikada ang itsura. Papasok sila sa isang reastaurant habang tumatawa. May bahagyang kumirot sa pakiramdam ko. Seeing him laughing like that?ngaun lang nangyari yun. Ngaun ko lang nakita yun.

"Okay ka lang ba, Juls?" Kita ko ang  pag aalala sa mukha ni Athena. Ngumiti ako kahit hindi iyon ang nadadama ko.

"Nye.. oo naman, Athena. Ano kaba?" Pinilit kung ngumiti. Kung may girlfriend siya baket iba pinapakita niya saken? nilalaro lang ba niya ako?natatakot ako sa pakiramdam ko.

"I know that girl. "Sagot niya sabay taas nang kilay.

"Ala naman saken yun. Hindi naman kame." Sagot ko. Pero may bahagi saken na gusto itanong kung sino iyon. Hindi pa man ako nagtanong ay nasagot na niya.

"She's Maggie. His ex."

Hindi ako kumibo. May nagalab na galit sa sarili ko. Pa master master pa siya tapos babalikan pala niya ex niya?  At baket ba nagagalit ako? yun pa ang kinaiinisan ko. Halos malimutan ko na nasa kabilang linya pa pala siya. Binalik ko sa aking tainga ang cellphone ko. Humigpit ang hawak ko dito na kulang nalang ay madurog.

"What took you-" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay sinagot ko na.

"Enjoy ka sa pagkain mabilaukan ka sana!" Sigaw ko sa kanya.

Napahagalpak ng tawa si Athena at ako naman at marahas binaba ang cellphone na hawak ko. Ugggh!Mamatay na player!

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now