part9: Hired

13.8K 400 3
                                    


Pagkatapos nang klase ko ay diretso na ako umuwi nang bahay. Kakausapin ko sana si Trixie pero kasama na naman niya ang grupo nila Kristele kaya umiwas nalang ako. I don't know what's wrong with me or may nagawa ba ako sa kanya kung baket bigla nalang siyang naging ganoon. Umiling nalang ako with the thought. Masyado na akong madaming iniisip at iniintindi para  isipin pa ang pag iinarte niya. Atleast I did my part to reach out. Kung ayaw niya, edi wag! tapos.

Mga alas singko na nang hapon nang nakarating ako sa amin. Panigurado naman ay nandito na ang nanay at si Kimmy. Medyo nakaramdam nga ako nang kaonting pagod at gutom dahil hindi pa ako kumakaen maliban sa candy na binili ko kanina. Pagpasok ko sa pinto ay medyo nagulat pa ako. Lumabas nga ulet ako para tignan kung bahay nga namen ang napasukan ko. Baket may kuryente na?

Nagtataka man ako ay pumasok nalang ako. Nagmasid ulet ako saglit at napagtantong may kuryente nga kame. Natagpuan ko si nanay at si Kimmy sa mumunting silid namen na nakahiga at prenteng natutulog. Tumalikod nalang ulet ako at nagpunta  sa kusina para sana magluto. Bahagya pa nga akong natigilan nang makita na maraming pagkaen at prutas sa lamesa. Nanalo ba sa jueteng si nanay?

Agad akong kumuha nang plato at nagsimulang kumuha nang pansit at piritong manok na nakahain.

"Ate?" napalingon ako kay Kimmy na ngaun ay pupungas pungas  na papalapit sa akin.

"Kimmy, paano tayo nag kakuryente?at baket madaming pagkaen?"

Kumuha siya nang plato at umupo sa tabi ko. Malake ang ngiti niya habang sumasandok nang pansit.

"Nako ate, natatandaan mo ba yung gwapong lalake na tumulong sa amin ni nanay? siya ang nag bayad nang kuryente para daw guminhawa si nanay. Tapos nagdala siya nang maraming pagkaen." Sabay subo nang pansit. Napakunot ang noo ko dahil doon. Nahihiwagaan talaga ako kung sino ang lalake na tumutulong sa amin.

"Talaga? ano ba ang pangalan niya, Kimmy? at baket sobrang baet naman niya?" nagtataka kong tanong. Ano ba ang rason niya para tulungan niya kami nang ganito?

"Mr. A, lang ang sabi ate eh. Pero bata pa siya at mukhang mayaman. Sayang, kakaalis lang niya nung dumating ka."

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanap nang part time job. Medyo napa himbing nga ang tulog nila nanay dahil may electricfan na kame. Nahihiwagaan pa din ako kay Mr. A at kung baket niya tinutulungan ang nanay ko. Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako. Mabilis akong nakarating sa coffee shop malapit sa LSU. Ang alam ko kasi ay naghahanap  sila nang cashier ngaun. Tutal, fit ako sa qualification at malapet sa school ay ito na ang pinaka magandang pasukan.

Pagdating ko sa shop ay taas noo akong pumasok. Natigilan lang ako nang bahagya nang namataan ko sila Trixie, blanko ang expression niya habang nakatingin sa akin at ganoon din ang mga kasama niya. Huminga ako nang malalim at nag iwas nang tingin. Lumapit ako sa isang waiter.

"May I take your order, ma'am." nakangiting sabi nito. Ngumiti lang din ako at umiling.

"Mag aapply sana ako." Nakangiting sabi ko. Ngumiti ang waiter at lumakad papunta sa gilid kung saan may pinto at kwartong maliit. Marahil ay dito ang opisina nang may ari.

Bagsak balikat akong lumabas nang hindi ako tinanggap. I don't know what's wrong pero alam kung qualified naman ako for the job. Nakakainis! Lalo pa akong nagpuyos sa galit nang makita na kausap ni Kristele ang may ari sabay tingin sa akin at ngumiti nang nakakaloko. What the fuck! ngaun napagtanto ko kung baket hindi ako natanggap. Si Trixie naman ay nakatingin sa akin kaya agad akong nag iwas. They're giving me hard time. Ang hirap talaga maging mahirap. Huminga ako nang malalim at nag simulang mag martsa palabas. Maghahanap nalang ako nang bakanteng trabaho sa iba.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now