part 17:I fall first

12.7K 378 8
                                    

"Haba nang hair.. nag rejoice kaba girl?"

"Haba nang hair..nag rejoice kaba girl?"

Hindi matapos ang pangangantyaw ni Athena sa akin. Paano kinwento ko sa kanya ang sinabi ni Glen. Kaya ayan mas kinikilig pa sa akin. Hindi ako nananalo sa contest. First runner up lang ako. Pero may cash pa din na premyo. Si Kristele ang nag title kaya ayun apura ang irap sa akin. Si Niklaus naman sa lalake. Hindi ko na pinapatulan si Kristele dahil wala naman akong mapapala. Binati din ako ni Trixie nung gabi na yun kaso sandali lang. Parang takot siya na lumapit sa akin. I don't know why.

"Tumigil ka na nga, Athena! Para kang baliw." Natatawang sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagpupunas nang mga table sa shop.

"Alien ka talaga, Julia. Glen Silverio yun, e. He's not just nobody." Pairap na sagot niya. Nagkibit balikat nalang ako. Alam ko naman kase na hindi ako mananalo sa kanya. Sinubukan ko ngang isoli yung mga binigay ni Glen that night. Ang sagot ba naman sa akin. "Okay, kukunin ko sa inyo.." waahh! natatawa pa siya nung sinabi niya yun kaya medyo nag panic ako. Hindi pwede!

Biglang bumukas yung pinto sa shop kaya napabaling ako duon. Halos magmura ako nang sabay sabay nagpasukan ang grupo nila Kristele. Sobrang proud si Kristele at kulang nalang ay isuot ang korona niya all the time. Geez!

"Excuse me lang, Julia. Uupo na ang Ms. La Soledad." Matapang na sabi niya. Naghagikgikan ang mga kasama niya. Bahagya akong umusad para maka upo sila.

"Isang linggo na nakalipas di kapa nakaka move on, Kristele? first time mo?" Sagot naman ni Athena kaya napangiti ako. Nawala ang ngiti sa mukha ni Kristele. Tapos yung mga kasamahan niya nakangisi lang. Ako naman ay hinila si Athena para hindi na magkagulo.

"Wag kang feeling, Athena. Magsasawa din si Dom seyo.." Sagot ni Kristele. Susugod dapat si Athena pero pinigilan ko nalang.

"Wag mo nang patulan, Athena. Alam mo naman ugali niyan." sabi ko sa kanya habang pinapakalma ko siya.

"Naku, Julia! hindi eh, kaya ganyan yan dahil di pa nakakahanap nang katapat. Pasalamat talaga siya at pinsan siya, Dom." Damang dama ko ang pangigigil ni Athena. Sabagay ako din naman nangigigil kay Kristele. Pero may punto naman kase siya, Masyadong mean si Kristele kaya nakakasora talaga.

Pag labas namen sa cr ay nagulat ako nang nakaupo na si Glen malapit sa may counter. Tumingin siya sa akin tas binalik niya yung paningin niya sa cellphone niya. Huminga ako nang malalalim. Ganun ba talaga ang nanliligaw? Hindi naman ako sumagot sa kanya pero palagi niya ako hinahatid pauwi. Syempre hindi ko pinapatapat sa bahay namen . Mahirap na, baka dun siya magsabog nang lagim.

"Hi, Aviel.." malanding sabi ni Kristele.

Ako ay bumalik sa counter at tinatanaw lang sila. Pero ang totoo naiinis ako. Hindi ko naman pag aari si Glen neither my boyfriend pero naiinis talaga ako.

"Tsss." sagot ni Glen nang hindi manlang tinitignan si Kristele. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Kristele kitang kita ko ang pagkainis niya. 

"Tignan mo, Julia! apaka landi talaga!nandito ka, pero nilalandi si Glen, bastusan ba?" Bulong ni Athena sa akin.

"Hayaan muna, Athena. Tignan mo nalang sila para maaliw ka.." medyo nangingiti ako kase napaka suplado ni Glen kay Kristele na parang  wala lang ito sa kanya.

Tumayo si Kristele at mabilis lumipat sa tabi ni Glen. As in Literal na nakatabi. Doon na umangat ang mukha ni Glen. Tumingin nga muna siya sa akin bago bumaling kay Kristele. Ako naman, blanko lang ang expression na pinakita ko sa kanya. Ayoko kasing mag assume kaya ganun lang. Pero ang totoo naiinis talaga ako. Napasinghap pa nga ako nang biglang nilingkis ni Kristele ang braso niya kay Glen. Si Glen naman ay kumunot ang noo tapos tinanggal niya yung kamay ni Kristele na nakakapit sa kanya.

"Would you stop flirting me, Kristele?" tapos tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. " You are not my type. Could you please get lost?" Mahinahon ngunit may diin na sabi niya. Kitang kita ko ang pagtutubig nang mata ni Kristele tapos biglang bumalik sa table nila. Si Athena naman ay abot ang tawa sa gilid ko.

"I'm sorry for that." Natigilan ako nang biglang lumapit si Glen sa akin. Mapungay ang mata niya tas magulo ang buhok kaya hindi ko maiwasan mapalunok.

"Nye, baket ka nagsosorry?" Painosente sagot ko. Alam na alam ko sa sarili ko na namumula ang pisngi ko.

"Yan ba pagpapalit mo saken? ala ka talagang taste, Silverio. She's doesn't even reach half of me."

Medyo natahimik ako dahil duon. Totoo naman kase sinasabi ni Kristele.  Lalapit sana si Glen kay Kristele pero pinigilan ko. Kilala ko si Glen, baka kahit si Kristele ay di niya patawarin. Kitang kita ko ang pag taas baba nang dibdib niya so alam ko na galit siya.

"Ang taas nang pangarap mo, Julia!" Sigaw ulet ni Kristele. Duon na ako nakaramdam nang galit. Hindi ako patola pero sobra na siya gusto ko na siyang patulan. Papalabas na si Athena dala ang frappe na inorder nila. Mabilis ko iyon inagaw kaya takang taka si Athena na tinigna ako. Nagdiretso ako sa table nila Kristele sabay bagsak nang frappe. Napasinghap ang mga kasama niya pero wala akong pake.. Lumipad na ang pake ko sa kanila dahil sa sinabi ni Kristele.

"Adik ka sa pag asa noh?"sabi ko kay Kristele.

"What?" nakita ko ang inis sa mata niya. Bahagya pa akong napa atras dahil hinawakan ni Glen ang siko ko.

"Oh ayan ang frappe mo! laklakin mo para bumalik ka naman sa realidad!walang kayo ni Glen! at hindi magiging kayo! gumising ka!" Mataray na sabi ko. Tapos si Glen kitang kita ko ang pag ngiti niya habang hinihila ako. Si Athena naman nag clap nang slow motion habang natatawa. Naiwan na nakatulala si Kristele sa loob.

"Thats my girl.. Nagseselos kana.." parang tanga si Glen na nakangiti. Sumakay muna kami sa Vios niya para ilayo ako sa luob. Mabilis pa din ang hinga ko dahil sa inis. Bumaling ako sa kanya at tinignan nang masama.

"Ano ginawa ko?" Maang sabi niya sa akin.

"Anong selos ka jan? wag ka ngang mangarap, Glen. Gusto mo din nang kape?" Masungit na sagot ko.

Nabalot kami nang katahimikan. Binuksan niya ang makina nang sasakyan. Natatawa si Glen na oarang tanga.

"Wag mong pigilan, Julia.. I can see it,  nagseselos ka. Wag kang matakot mahulog saken, Julia. I fall first, remember? take it as your advantage. Para kahit mahulog ka, nandoon na ko sa baba para saluhin ka."

Nalaglag ang panga ko. Seryoso kasi siya nung nagsalita siya kaya wala akong makapang salita. I feel like na on the spot ako sa isang game show. But it wasn't. Damang dama ko ang sincerity sa kanya. Kaya naman ang puso ko ay parang kabayong nag uunahan sa bilis nang tibok.

Lumabas ako sa sasakyan niya na tulala pa din. Siya naman ay malamlam na nakatingin pa din sa akin. Bago ako umalis sa harap niya ay nagsalita pa siya.

"Remember, Julia. I fall first.."

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya hanggang mawala sa paningin ko. Bumalik ako sa shop na hindi napapansin na malaki na ang aking ngiti.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now