part6: I'm here

15.7K 493 16
                                    


"Bilis bilisan mo naman jan!" iritableng sabi niya habang nakasunod ako sa kanya. Apaka bilis niyang maglakad. Ano ba akala niya? May marathon.

"Bagalan mo naman kaya maglakad  Pinabuhat mo sa akin lahat nang  nang gamit mo, tas gusto mo bilisan ko? aba, eh si wonder woman ang kailangan mo, hindi ako." mahinang sabi ko. Patay kasi ako kapag narinig niya. Eh ang sama sama talaga niya.

"I heard you.. Angal pa!"mabilis niyang kinuha ang mga libro niya na dala ko kaya medyo huminto ako dahil sa hingal. "Bilis!" iretableng sabi niya ulit. Napaka antipatiko! hindi naman luluwas kung makapagmadali wagas. Eh sa hinihingal na ako eh.

Nang malapit na siya sa room namen ay huminto siya saglit. "Wag kang gagalaw. Jan ka lang." seryosong sabi niya kaya napairap ako. This is ridiculous, right? baket ba para akong tanga na sumusunod sa kanya? ano ba Julia, wake up! Glen is abusing you.

"Ayos ka lang, Juls?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Klaus, malaki ang ngiti na papalapit sa akin. Bago pa man siya makalapit ay biglang lumabas si Mr.Demon kaya naman napatigil siya saglit. Nag igting ang panga ni Mr. Demons tsaka ang sama sama niya talaga tumingin.

"Don't try to get near her, Klaus." ma authoridad na sabi niya pero may halong pagbabanta. Kumunot ang noo ni Klaus tsaka siya ngumisi kay Glen.

"You're being possessive to someone that is not yours, Silverio." may diing sabi ni Klaus. I saw Glen's jaw tightened. Bumilog ang kamao niya tanda nang pag kainis niya.

"Do you own her?"sarcastic na sagot ni Glen. Nakita ko ang pag ngisi nya nang hindi sumagot si Klaus. "See? no ones own her. Either you, she wants to be my slave. It's her choice. So lets keep it that way. Kung ayaw mong samain ka." diretsong sabi niya sabay hila sa akin. I was speechless. Ano ba problema nila? and this badboy is saying with conviction na I want to be her slave? is he idiot? it's not my choice. I don't have choice nga eh.

Pagpasok namen sa room ay maraming matang nakatingin sa amin. Wala namang bago. Feeling ko nga sa mga tingin nila patay na ako noon pa. Umupo si Glen sa pinakasulok sa dulo so sumunod ako para ibigay yung mga gamet niya. Winagwag ko pa nga yung braso ko dahil nangalay sa bigat nang dala ko. Mabilis akong tumalikod pero hinila niya yung blouse ko. Halos matanggal nga ang bitones nang damet ko eh. Kalma Julia. Huminga ako nang malalim at mahinahon humarap sa kanya. Gusto kong suntukin ang mukha niya kaya lang nagpigil ako.

"Dito ka sa tabi ko." walang emosyong sabi niya. Huminga ako nang malalim at pinagsiklop ang kamay kong kating-kati saktan siya. Agad akong naupo sa tabi niya. Habang nag aayos ako nang gamet ay tinignan ko siya gamit ang gilid namg aking mata. Agad akong napa irap nang nakita ko ang ngisi niya habang nilalaro ang ballpen na hawak niya.

Maya maya lang ay lumakas ang bulungan nang pumasok ang kapatid ni Glen na si Simon. Ibang-iba ang aura niya. Hindi katulad nang kay Glen na parang galit sa mundo't laging nakasimangot. Si Simon ay palangiti at mukahang mabaet. Luminga -linga siya na tila ba nag hahanap nang ma uupuan. Wala naman bakanteng upuan maliban sa tabi ko kaya naman tinahak niya ang direksyon papunta sa akin.  Napatakip ako nang tenga nang bigla nalang ibinagsak nang demonyong katabi ko ang mga gamit niya.

"Pulutin mo."malamig na sabi niya.

"Sira kaba? ikaw nag laglag niyan kaya ikaw ang pumulot niyan." galit na sagot ko. Kumunot ang noo niya at agad sinipa ang upuan sa harap niya. Nagmadali tumayo ang naka-upo doon at mabilis lumabas.

"Glen.."seryoso ang boses ni Simon. Natigil lahat nang nag tsitsismisan at agarang natahimik. Namulala ang mukha ni Glen at tila ba punong puno nang galit. Masama niyang tinignan si Simon. Ngumisi lang si Simon at umupo sa tabi ko.

"What are you doing here?" matigas na ingles na sabi niya sa kapatid niya. Nagkibit balikat lang si Simon. Umiwas pa nga ako ng tingin sa kanya dahil nakatitig siya.

"You're absurd, Simon." Naiiling na sabi ni Glen. Ako naman na nakapagitna sa kanila ay palipat lipat ang tingin sa kanila.

Natapos ang klase na wala akong natutunan. Hay! maloloka ako sa magkapatid na ito. Hanggang kelan ba ako magtitiis?

Mabilis akong naglakad patungo sa cafeteria upang kumaen nang tanghalian. Pakiramdam ko nga ay nalipasan ako nang gutom dahil hindi ako naka alis agad. Inutusan pa ng ako ni Glen mag notes kaya medyo natagalan ako. Mabuti nalang at mahaba ang bakante kong oras ngaun. Pagtingin ko sa orasan ko ay halos kalahating oras na pala akong huli sa usapan namen ni Trixie paniguradong magtatatalak na naman iyon.

Pagasok ko ay luming linga pa ako para hanapin si Trixie. Kumaway pa nga ako nang namataan ko siya sa bandang dulo at may kausap na isang lalake. Medyo nagtaka pa nga ako nang seryoso ang mukha ni Trixie. Dumaan ako sa gilid dahil madaming studyante sa gitna. Bigla akong natigilan na may sumipol na grupo nang kalakihan.

"Hi.. Julia." isang lalake na medyo kulot ang buhok ang lumapit sa akin. Napatingala pa nga ako dahil sa tangkad niya. Narinig ko pa ang pagtawa nang mga kasama niya. Hindi ko siya pinansin. Halos lumabas lahat nang inis ko nang hinaharangan niya ang daan ko.

"Ano poblema mo? dadaan ako." mahinahon sabi ko. Hanggat kaya ko ay pinapanatili kong kalmado ang sarili ko. Ayokong gumawa nang gulo at masyado na akong sikat dahil kay Mr. Demons.

"Magkano kaba?"nakangising sagot nang lalake. Ang inipon kong pag pipigil ay nawala dahil sa nakaka lokong ngiti nang lalake. Agad ko siyang sinuntok sa mukha. Ngumiwi pa ako sa ssakit. Gawa ba sa bakal ang mukha niya? Natigil lahat nang tao sa canteen dahil sa ginawa ko. Ang mga kasama niya naman ay isa isang nag lapitan sa akin. Napapalibutan na nila ako ngaun. Nakita ko si Trixie na na gmamadaling puntahan ako pero binalingan siya nang isa nga kasama nitong kulot na lalake.  

Halos maiyak ako nang hawakan ako nang mga kasamahan niya sa mag kabilang braso. Nag pupumiglas man ako ay masyado silang malakas. Yung kulot na lalake naman ay binuhusan ako nang shake na nadampot niya sabay tawa.

"Matapang ka ah.. I like that. Magkano ba ang binabayad seyo ni Silverio para maging alipin ka? dodoblehin ko" natatawang sabi niya. Sa mga oras na iyon ay gusto ko sila suntukin isa-isa. Pero dahil hawak nila ako ay wala akong magawa. Madami nang studyante ang nag vivideo nang ginagawa sa akin nang mga animal na ito.

Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Kahit gustong gusto na pumatak nang luha ko ay nilabanan ko. Ayokong maging mahina. Hindi ako magpapatalo.

"Sa itsura mo? kahit ibigay mo pa ang kayamanan mo sa akin hinding hindi ako papatol seyo! mukha kang kabayo!" Sabay dinuraan ko siya sa mukha. Ang mga kasama niya ay medyo nagulat at napasinghap. Ang ngisi nang lalaking kulot ay nawala at napalitan nang galit. Agad niyang hinila ang blouse ko kaya isa-isang nagtalsikan ang mga bitones nito. Doon napasinghap ang mga tao sa paligid. Hahablutin na sana niya ang paldang suot ko nang bigla nalang siyang bumagsak sa sahig. Napabitaw agad ang mga kasama niya sa pag kakahawak sa akin. Nanlulumo akong napa upo sa sahig. Nakita ko nalang na duguan na ang mukha nang lalaking kulot habang patuloy ang pagsuntok ni Glen sa kanya.

"Stop it, Glen!" sigaw ni Simon na papasok sa cafeteria kasama ang dean at ilang guards nang unibersidad. Napatigil si Glen at marahas na tumayo.

Ang mga studyante na nag vivideo ay natigilan nang tumayo si Glen sa gitna.

"I advice you all to delete your videos. If one video comes out about this matter, better be lost, coz' I will find you." kalmado ngunit may diing sabi niya. "And one more thing. If anyone tries to touch this girl again, you'll be dead. Try me."

After niyang sabihin iyon ay isa isang nawala ang mga studyante. Yung lalakeng kulot at mga kasama niya ay sinama nang dean at ni Simon. Ako naman ay nandito pa din at nakatakip sa aking lantad na katawan. Narinig ko pa ang boses ni Trixie na papalapit. Nagulat ako nang biglang isuot ni Glen ang polo niya sa akin. Hindi na ako naka angal dahil nanghihina na ako. Panay din ang tulo nang luha ko. Medyo nanigas pa ako nang bigla niya akong iangat at buhatin. Diretso ang tingin niya sa daan habang ako naman ay napasubsob sa dibdib niya at tuluyan nang bumuhos ang luha.

"Ssshh... Stop it, Julia. I'm here."

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now