part 32: Hindi ko alam

9.7K 281 7
                                    


"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Trixie. Tuluyan ng dumami ang tao papasok ng auditorium. Iniisip ko pa din kung bakit pinalayo sa akin ni Glen si Trixie. Kailan pa?

Ngumisi si Trixie. Yung ngisi niya na parang ang saya-saya niya. "Pumasok na tayo, Julia.." nakangiting sabi niya.

Nagtataka man ako ay pumasok nalang ako sa loob kasama siya. Nilibot ko pa nga ang paningin ko para hanapin kung nasan si Glen. Medyo kumalma kasi ako kaya parang nagsisisi ako na sabihin ko na hate ko siya. Yes, I hate him. Pero mas mahal ko siya. Nasasaktan lang kasi ako sa nangyayari ngaun.

Wala naman kasi akong maintindihan. Bigla bigla nalang diba? Puro pasaring ang nangyayari sa akin. Bakit hindi nalang kasi ako diretsuhin para maintindiham ko.
Mahirap ba iyon?

Umupo kami sa pinaka unang row sa auditorium. Bahagya pa akong napayakap sa sarili dahil sa sobrang lamig.

Nag-dim ang ilaw sa loob kaya kumalma ako ng ka onti. Hinahanap pa din ng mata ko si Glen pero hindi ko makita kung nasaan siya.

"Magsisimula na." Trixie said excitedly. Lalo akong nagtaka sa kinikilos niya. Bakit parang ala lang sa kanya yung nangyari kanina?

"Oh--- excited na ako.." Napatalon ako ng nagdatingan sila Kristele. Oh- geez! Naupo sila sa kabilang side na Trixie at pare parehong tutok sa harap. Uncomfortable ang feeling ko ngaun. Basta, may iba akong kutob na nadadama.

Umakyat sa stage si Mrs. Catindig kaya nagpalakpakan ang mga tao sa loob. Nakaayos na ang set ng Westbound sa gitna ng stage.

"Goodafter noon, students.." Bungad ni Mrs. Catindig. Lahat ng studyante ay nagsigawan kaya napatakip ako ng tainga. "To start the program, Let us all welcome our dear President to give us the opening remarks.. Mr. Glen Aviel Silverio.."

May kung anong nagtambulan sa puso ko ng marinig ko ang pangalan niya. Pangalan palang niya ang naririnig ng sistema ko ay halos maghurumentado na ako. Parang ang bagal ng oras habang umaakyat si Glen sa itaas ng stage. I'm so proud of him. Sa batang edad niya ay nabigyan siya ng mabigat na tungkulin pero kinakaya niya. Matipuno at makisig siya habang naglalakad paakyat ng stage. Very intimadating talaga ang awra ni Glen.

Sinusundan ko lang ang bawat hakbang niya hanggang makalapit na siya sa mic. I smiled bitterly when I realized the big differences between us. Naisip ko tuloy kung paano ako minahal ng kagaya niya. Bigla akong nakaramdam ng tabang sa sarili ko. Hindi ako ang tao na puno ng insecurities. Pero nung nakilala ko si Glen? Lunod na lunod ako sa dami ng insecurities na nadadama ko.

"Goodafter noon, everyone.." Malamig ang boses niya at nag uumapaw sa otoridad kaya napapikit ako. How I missed his voice. Tahimik lang ang lahat. Para bang takot na gumawa ng kahit na anong ingay. Napatingin pa ako kay Kristele na mahinang natawa habang may binubulong kay Trixie.

"To start the program. I would like to share the people behind the success of this university.. My ancestors.."

Dumilim ang paligid. May ilaw na bumukas galing sa taas. It's like a huge projector. Yung parang nanonood ka ng sine. Tahimik kaming lahat ng biglang napasinghap ang mga tao sa lumabas sa screen. Ako naman ay biglang nanlamig. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

Panay na ang bulungan ng tao. Si Glen naman ay tulala at gulat na gulat sa nangyari.

"OMG! You fucking whore!" Dumagundong ang boses ni Kristele sa buong auditorium. Isa isa nang nagpatakan ang luha ko.

Video iyon nung gabi na nakilala ko si Simon bilang Mr.A. at putol ang video! The only thing na nakita ay nagsalita ako ng mahal na mahal at tsaka ako hinalikan ni Simon sa noo.

The Perfect Badboy (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant