part11: Goodluck

13.4K 361 3
                                    


Hindi ako nakatulog pagkatapos nang nangyari kagabi. Mag damag tumatakbo sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Glen. Hindi ko mawari kung lasing lang ba siya or pinag titripan niya lang ako. Pero hindi iyon ang nakita ko sa mga mata niya. Masyadong seryoso at puno nang sinseridad ito. Pinilig ko ang ulo ko. Baket ba masyado kong dinidibdib iyon?

"Ate, kaen na." hinilot ko ang aking sentido dahil sa kirot na nararamdaman ko. Agad akong dumiretso sa aming kusina upang saluhan si Kimmy.

"Si nanay?" tanong ko kay Kimmy habang nagtitimpla ako nang kape.

"Maaga siya ngaun ate, huebes diba?araw nang palengke ngaun." Oo nga pala sa sobrang aligaga ko pati araw ay nakakalimutan ko na.

"Kimmy, nasaan yung bill nang kuryente?"tanong ko habang humihigop nang kape. Plano ko kase mag CA kay Dom para bayaran iyon.

"Naku ate, wala, bayad na."sagot niya kaya napakunot ang noo ko.

"Sino nagbayad?"

"Si Mr. A, ate." Nagulat ako sa sinabi ni Kimmy. Ano ba meron sa Mr.A na yan at parang sobra sobra na ang pagtulong niya sa amin? Masyado na akong nahihiwagaan sa kanya eh.

"Kimmy, sa susunod wag kana pumayag ah? nakakahiya na masyado. At wag mo muna siya paalisin sa susunod na pumunta dito para naman makilala ko."sabi ko. Tumango lang si Kimmy. Ako naman ay nagagayak na para pumasok sa skwela. Medyo nagmamadali pa ako dahil may exam kame sa algebra. Sucks! I love to study except math.

Papasok na ako nang unibersidad nang bigla akong napahinto. Namataan ko kase ang sasakyan ni Dom. Agad siyang lumabas para buksan ang kabilang door nang sasakyan niya. Tumambad sa akin ang malaking ngiti ni Athena. Napakunot agad ako nang noo dahil sa pagtataka. Nag aaral sa unibersidad na ito si Athena?

"Julia!" Malaki ang ngiti niya na lumapit sa akin. Nakasuot siya ngaun nang isang pulang dress na hapit na hapit sa katawan niya. Kumurba ang magandang katawan niya. Don't get me wrong, Athena looks classy not trashy, at the same time hot. Napatingin ako sa simpleng pantalon na suot ko ngaun at Tee-shirt na pang itaas. I hate wash day! Paulet ulet nalang ako nang sinusuot. Baket ba na-insecure ako bigla?dati naman ayos lang sa akin kahit ano ang suot ko. Baket ba? Napailing ako sa naiisip ko. Ayoko nito. Hindi ako ito.

"Athena!"tipid ang ngiting binigay ko. Kitang kita ko ang pagbabago nang expression niya. Bahagya pang tumaas ang kilay niya habang ako ay titig na titig sa kanya.

"What?"tanong niya. Natawa ako nang bahagya dahil sa reaction niya.

"Wala. Nag-aaral ka pala dito?" Sagot ko at nag simulang mag lakad. Bahagya naman siyang humagikgik sa tanong ko. "Oo, sorry ah, hindi ko nasabi. Fine arts ang course ko." biglang humina ang boses niya. Nagtataka ako pero nawala ang ningning nang mata niya. Hindi na ako nagtanong baka sabihin niya ay pakeelamera ako. Kakakilala lang namen kahapon tapos mag fefeeling close ako.

"Sige Julia, kita nalang tayo maya sa shop." tumango ako at siya naman ay nagsimula nang maglakad papunta sa department nila. Lumihis ako pakaliwa at nagmadaling maglakad papunta sa building nang klase ko ngaun. Mabilis akong tumakbo paakyat nang fourth floor. Grabe ang hingal ko pagtapat ko sa room.

Pagtapat ko nang pinto ay habol hininga ko itong binuksan. Agad akong natigilan nang nahinto si Mrs. Catindig sa kung ano man ang sinasabi niya.

"Good morning, Ms.Trinidad."alam kong sarcastic ang bati niya kaya napayuko ako.

"Sorry ma'am." yun lang ang nasabi ko at luminga linga ako para maghanap nang mauupuan. Nagsimula akong maglakad at nagpatuloy si Mrs. Catindig sa kung ano man ang sinasabi niya. Naging magulo ang klase. Nagawi ako sa dulo kung saan prenteng naka-upo si Glen habang diretso ang mata sa akin. Ilang saglit din akong napatitig sa kanya.

The Perfect Badboy (Completed)Where stories live. Discover now