Chapter 2: Mr. Engot as a gentleman???

283 23 17
                                    

"Bakit nandito ka ha, Mr. Engot?" tanong ko

He just smiled to me and said,"Siguradong magiging masaya na naman ang high school ko ngayon ...hahaha!"

"Hindi yan ang sagot sa tinatanong ko..hmp! buwisit talaga!" sabi ko

Naku! kung wala lang mga tao dito at kung hindi lang bawal manapak ng school mate N-Naku babanatan ko na yang mayabang, engot na lalaki na yun! Relax, relax lang Althea...Inhale, exhale,inhale,exhale.....

"Jellyfish! Jellyfish! Je-lly-fish!....." asar niya sa akin.

Anu ba yan may tumatawag pa sa akin ng ganyan....ahhh..siguro..s-s-siya na naman ! Kahit na kailan talaga pinapakulo niya ang dugo ko..Grrrrr (sa halip na huminahon ako lalo pa yata akong nagalit kaya paglingon ko sa taong kumakalabit sa akin...)

"Bakit ba ha...? Ano na naman ba ang kailangan mo ha?" tanong ko.

"A-Althea, I'm sorry...I-I just want to ask if you had problems."sabi ni Shin.

Aaaa... si SHIN!!!

Ano ba yan ang engot-engot, tanga-tanga ko talaga...T___T Akalain mo ba naman si Shin pa ung napagbuntungan ko ng galit ko..

"W-wala ...Hahahaha with matching fake smile." sabi ko.

"Are you sure? Para kasing galit ka eh..?" tanong niya

"Hahaha..What are you talking about..? ok lng talaga ako.."(.Huhuhuhu..I'msorry Shin T___T )sabi ko.

"Aa..a..cge mauna na ako kasi.."(Anu ba yan wala akong maisip na dahilan para umalis sa kinatatayuan ko..!Hay naku baka matulala na naman ako kasi kahit saang anggulo mo tignan ang gwapo talaga ni Shin..teka lang parang may nakakalimutan ako.)

Think...Think..Think....Aaaa...si Haruna..hinihintay nga pala niya ako.!

"Aa..a..cge mauna na ako, Shin hinihintay na kasi ako ni Haruna eh!" sabi ko.

He noddded to me but he suddenly grab my arm.

"Ok ...!aa..teka" sabi niya.

*GRAB*

"An-ano.. yun ..Shin?"tanong ko >___< (Kyaaa...hawak niya yung braso ko..)

"Congratulations ....!" bati niya

*BOINK*

(Yun lang yun wala man lang hug or kiss...Di mo ba alam kung gaano kahirap mag-aral. Mula kindergarden hanggang middle school nasa lower section ako pero dahil gusto kong mapansin mo ako pinagsikapan kong maging higher section tulad mo yun nga lang sumobra..hayyy...ang langdi ko talaga! Hug at kiss agad wish ko di pa nga kami. Pero pwede na rin yung congratulations kasi kahit papaano napapansin na ako ni Shin..)

"T-thank you.." sabi ko kay Shin sabay yuko ng aking mukha.

Grabe yung pamumula ng pisngi ko nung umalis ako dun pero napansin ko rin na grabe ang sama ng tingin ng mga Fans niya sa akin.Buti na lang meron akong bestfriend na maaasahan---hehehe ..kaya kahit na anong tingin nila sa akin hindi pa rin ako magpapatalo! Hinanap ng mga mata ko si Haruna at ayun nakita ko na siya.Nakaupo sa may gilid ng puno.

"Ha-Ru-Na...!" sigaw ko.

Patakbo na ako sa kinauupuan ng aking bestfriend nang bigla akong nadapa..

*Doink*

"A-aray!..ang sakit ng tuhod ko!" sabi ko sabay hawak sa may nasugatan na parte ng binti ko.

Narinig niya ang boses ko kaya agad siyang pumunta sa akin pero may sumunod sa kanyang lalaki. Tapos pinagtawanan pa ko ng lalaking yun.

"Heeeee...hindi ko alam na super lampa din pala nitong si Ms. Jellyfish..hahaha." sabi ni Mr. Engot sa akin.

Teka ang boses na yun si-si RIO!

Hmp! Ano ba naman yan pati ba ang inosente kong bestfriend na si Haruna idadamay niya!

"A-Anong ang ginagawa mo kay Haruna ha, Mr. Engot?B-bakit mo siya sinusundan..A-ano?" tanong ko

Tumingin sa akin ang bestfriend ko ng may halong pagtataka samantalang tinawanan na naman ako ni Mr. Engot!!!

"Haha-hahaha..Nakakatawa ka talaga Ms. J-jellyfish....at saka kanina pa kami nag-uusap dito ni Haruna at wala akong ginagawa sa kanya noh..Oh! I see..kaya ganyan ang reaksiyon mo kasi NAGSESELOS ka noh! kasi nga may gusto ka na sa akin!" sabi ni Mr. Engot sa akin.

Ang kapal talaga ng mukha nito. Akalain mo bang ma-reach niya yung conclusion na may gusto ako sa kanya.

"Hindi kaya noh! Ang kapal ng mukha mo! KAHIT NA KAILAN HINDING-HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA YO!!!" sigaw ko kay Mr. Engot

Inawat ako ni Haruna tapos nagpaliwanag siya sa akin.

"Don't worry Althea, He's not doing anything mean to me at tama rin siya kasi kanina pa talaga kami nag-uusap. Siguro hindi mo lang siya napansin kasi nakaharang yung bag ko---siya kasi ang tumulong sa akin magdala nito eh." pigil ni Haruna sa akin.

*Ouch* "ganun ba???" hmmm..hindi pa rin ako naniniwala na mapagkakatiwalaan itong lalaki na to.

Inalalayan ako ni Haruna papunta sa Nurse's Room para gamutin yung sugat ko samantalang dala-dala naman ni Mr. Engot yung bag namin.

Habang ginagamot ng nurse yung sugat ko nakita ko sila na nag-uusap ni Mr. Engot. Napag-isip-isip ko na hindi iyan yung tipong lalaki ng bestfriend ko  kaya alam kong ma-handle niya ang kanyang sarili at isa pa matalino kaya yun. Paglabas ko ay wala na si Mr. Engot at nakaupo na si Haruna sa waiting shed kasama yung mga bag namin.

"Ok na ako, Haruna at salamat sa tulong mo ah ...Pasensya ka na kanina kasi....nadapa ako at saka bago ko malimutan, ang room mo pala ay Room B."sabi ko.

Ngumiti sa akin siya tapos sabay abot ng bag ko.

"Ay! oo nga pala yung bag ..salamat din sa pagdadala ng bag ko." sabi ko sabay kuha ko ng bag ko sa kanya.

*Smirks*

"Ok lng yun. Ikaw pa eh bestfriend kita eh at saka si Rio naman ang nagdala ng bag mo eh" sabi ni Haruna

"A-ano si Mr. Engot ang may dala nito??" tanong ko

She nodded.

"Kahit na dalhin pa niya ang isang libong bag o ang bag na ginagawa sa buong mundo hinding-hindi ako maniniwala na mapagkakatiwalaan at maasahan yang si Mr. Engot at isa pa s- si Shin ang gusto ko. Simula pa lang bata kami ...siya na talaga..Hayyy....Bakit kasi hindi niya ako napapansin?" sabi ko

Ngumiti siya ulit sa akin pero this time may kakaibang spark sa mata niya pero buti na lang tumunog na yung bell--->meaning start na yung klase.

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now