Chapter 30: Gwapong Palaka

70 4 0
                                    

Nakasakay ngayon si Althea sa sasakyan  ni Shin. May saya, kilig at sobrang inis ang nararamdaman niya. Pero yung inis ay dahil sa pagiging mapapel ni Mr. Engot kanina.

Althea Pov

Ayos na sana ang lahat. Ang ambiance, location, emotions and most of all dahil sa presence ng aking knight and shining armor, Shin-sama~ Kaya lang *dung* *dung* Tsk! dumating ang engot na iyon at biruin mo pa, mismong sa harapan naming dalawa niya tinanong kung  kami na ba? Syempre sino ba naman ang hindi maiilang T__T kaso parang wala akong pag-asa para umangal! But expect the unexpected kasi pinagtanggol ako ni Shin at sinabihan niya ako na "I am more important for him." Kyaaa~ kakakilig much ito. Ganito ba ang feeling ng nasa ulap kasama ang mga ibon sa langit este angel pala *whoosh* alis pala! Ayoko pang ma-tegi kasi di pa kami nagkakatuluyan noh at isa pa ang buhay ay para sa buhay kaya kailangan ay BUHAY ako!

By the way I am reading Ghost Girl by Tonya Hurley, remember pinahiram sa akin ito ni Yuzuki at sa hindi malamang dahilan ay bumait siya pero di ko alam kung bakit maybe dahil nanghingi na ako ng sorry from my heart...Hayss, drama much naman ako. Sana nga ganun nga lang iyon kaso bakit feeling ko....may hindi magandang darating sa akin.

Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa masamang pakiramdam nang kalabitin niya ako.

*Kalabit*

"Ay palaka! este gwapong palaka pala." sabay baba sa librong hawak-hawak ko para lumingon sa mukha niya.

Tumawa siya. "Gwapong palaka pala ako ha! Nice one, Althea. >__<"

Nakakahiya naman..bakit ba kasi ganun ang nasabi ko...Pero ang gwapo niya talaga lalo na kapag naka-smile siya parang...ay hindi parang nakaka-inlove siya talaga. Smile pa lang okay na!

"S-sorry Shin, ikaw kasi eh g-ginulat mo ako." sabi ko.

"Ahahahaha. Okay lang naman sa akin. Pero alam mo ang Gwapo ko palang Palaka noh." sabay kindat sa akin.

Kyaa~ I think I'm gonna.....nosebleed dahil sa hot niya.

*nosebleed*

"Althea...." sabi niya na may halong pag-aalala.

"S-shin...bakit?" inosenteng pagtatanong ko but deep inside ay kilig na kilig na!

May kinuha siya sa bulsa niya sabay lapit -as in malapit na malapit- sa mukha ko.

"S-shin....h-hindi pa ako ready..." sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Kung hindi ka ready eh di mag-steady ka na lang muna."

Kyaa~ This is it! This is it! Eto na iyon di ba? Ito na ang K-I-S-S. Ang magiging first kiss ko!

Dahil pakipot ako tumingin ako sa may salamin pero bago pa ako makalingon ay hinawakan niya ang ulo ko.

"Hey, trust me okay?" sabi niya.

"P-pero...." nauutal kong sagot.

"No buts! Onegai (Please) look at me." sabi niya

Diyoskopo! ang pogi niya....kyaa~ Di ko na kayang kontrolin pa ang sarili ko. Malapit na siya sa aking lips at konti na lang ay parang yun na ang magaganap. OMG to the max naman ito! Cool lang Althea, Relax huwag ka nang magpakipot po. Sige Shin go na ako dyan!

Hindi na ako sumagot. Namumula man ang mukha ko ay pilit ko iyong kinalimutan. Unti-unti kong sinarado ang aking mga mata para lasapin ang memorable first kiss ko mula sa first love ko...kyaa! Gawin mo na Shin~

Jellyfish Confession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon