Chapter 27: Let the Game begin Part I

75 4 0
                                    

-Room A-

Nang pumasok si Rio sa loob halos lahat ay nagre-ready na para umuwi kahit na may last lesson pa sila bago ang uwian.

Rio Pov

Asan na kaya ang Jellyfish na iyon?Lagot siya sa akin! Dapat ay masingil ko na siya ngayon din at baka makawala pa ang babaeng iyon.

I asked my classmate near the door...."Hey, do you know where is Althea?"

"Hmm, Rio-sama I think she went to CR." sagot niya sa akin sabay pa-cute.

"Ah, is that so?" reply ko sa kanya sabay punta sa aking upuan na saktong dating ng aming last teacher. Halos kasabay nga niya ng pagpasok si Jellyfish.

Lagot ka sa akin! Sisiguraduhin ko na wala kang takas sa pagkakataong ito! Gagantihan talaga kita.

Nagsimula na ang last lesson namin nang magsulat si Ma'am sa white board...habang si Jellyfish ay papunta sa upuan niya para umupo na at makinig sa lesson ni Ma'am.

*scribble* *scribble*

*scribble* *scribble*

*scribble* *scribble*

Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa upuan niya at bumulong sa kanyang tenga pagkatapos kong ilapat ang aking kamay sa kanyang lamesa. "Hoy, Jellyfish kailangan natin mag-usap tungkol sa deal natin. Ngayon na!" sabay pandidilat ng aking mga mata sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa halip na matakot sa ginawa ko. "Hindi pwede kasi sabay kami ni Haruna ngayon..kung gusto mo bukas na lang kasi-"

Naputol ang pagdadahilan niya nang sumabat si Tomoe sa usapan namin. "Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa? Sali naman kami..." sabi niya sa amin.

Nagkatinginan kami. Hindi ko alam ang sasabihin kasi nabigla ako. Alam ko na ayaw na ayaw ni Jellyfish na may makaalam sa kasunduan namin bukod sa aming dalawa. Sh*t! Napaka- wrong timing niya.

Minata ko muna si Jellyfish para hindi siya sumagot. "Wala naman iyon Tomoe kaya wala kang dapat salihan lalo na at walang kwenta iyon. It's just about some stuff... By the way, do you have business with her?" tanong ko para maiba ko ang atensyon niya sa ibang topic.

Tumingin naman siya sa akin at nagsalita, "Actually meron but it wasn't only me kasama si Yuzuki dito...Hmmm, here's the thing, gusto kasi namin na sumabay siya sa aming dalawa eh. Okay lang ba iyon, Rio?"

"......................A-" sabi ni Althea.

"Ayos lang sa akin pero according sa kanya ay may kasabay na siya." sabat ko kay Tomoe bago pa makasagot si Jellyfish.

"I already expect that Rio but it won't stop us. Pwede naman siguro kaming sumabay kahit na ikaw pa ang kasama niya eh." giit niya sabay smirk sa akin.

Yuck! Ako sasabay kay Jellyfish. No way. Not in my dreams ...pero I admit ang bilis ni Tomoe makatunog sa mga bagay-bagay. Dapat na i-note ko kay Jellyfish ito or else baka mabuking kami ng wala sa oras. Ang mabuti pa ay sumabay muna ako sa agos nila para hindi siya makahalata kahit na nakasalalay ang aking image. Iisipin ko na lang ang good side kapag kasabay ko si Althea, siyempre ano pa...Yes! Makakasabay ko rin ang aking Angel Haruna.

"Um, Oo. Ako nga ang kasabay niya ngayon eh." pagkakaila ko kay Tomoe sabay tingin kay Jellyfish para hindi siya agad mag-over react sa sinabi ko.

Jellyfish Confession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon