Chapter 26: Mr. Romantiko's Allies

67 5 0
                                    

-Room B-

Malapit na matapos ang lunch break nang bumalik sina Haruna at Shin sa room B. Samantalang nagtataka naman si Kinosuki kung bakit sila ang magkasama nang bumalik sa kanilang classroom.

Kinosuki Pov

Bakit sila Shin at Haruna ang magkasama? Ang alam ko dapat ay....teka lang, kaya ba umalis si Haruna kanina ay para tawagin siya pero bakit naman pag-aaksayahan ng panahon ni Haruna na hanapin ito...? hindi kaya may crush si Haruna kay Shin? Dapat ay malaman ko kaagad ito.

"Shin, welcome back. Hindi kita nakita kanina, huh. Saan ka ba nagpunta?" agad na bati ni Kinosuki kay Shin nang pumasok ito ng silid nila.

Hindi siya pinansin ni Haruna. Agad itong umupo sa kanyang upuan nang pumasok ito sa kanilang silid habang si Shin ay naiwang nakikipag- usap kay Kinosuki.

"Sa totoo lang ay sumunod ako sa iyo dahil medyo natagalan ka na sa pagbalik kaya lang nang makapunta ako sa corridor ay agad kong nakasalubong ko si Sir Ryuu. Nabalitaan ko sa kanya na absent si Ms. Miranda ngayon kaya pinabalik na niya ako. Hindi ba niya nabanggit sa iyo ang tungkol doon?" paliwanag niya.

"A...e..n-nabanggit naman niya iyon sa akin but what I mean is bakit ang tagal mo atang bumalik? See, naunahan pa kita dito." pilosopong tanong ko.

----------------------------------------------------------------------------------->

(A/N: Ito po si Mr. Romantiko, I mean si Kinosuki Yamamoto in his all black casual attire. )

"Kasama ko kasi kanina si Althea at mukhang masama ang pakiramdam niya kaya inihatid ko muna siya sa clinic bago ako pumunta dito." sagot niya na may halong lungkot sa mukha.

Wait kasama niya si Althea kanina at ngayon naman ay si Haruna. Sila bang dalawa ay...?Kaya ba  mukhang malungkot ang mukha niya dahil nahuli siya si Haruna! Kung ganun ay dapat talagang maging close ako kay Althea. ASAP!

"Ganun ba...by the way how's Althea?" mausisang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya." Kilala mo siya? Paano? Kailan pa?" Halos sunud-sunod ang tanong niya sa akin.

Teka parang may mali sa mga kinikilos  at reaction niya. Kung sila talaga ni Haruna dapat ay hindi siya concern kaya Althea never the less he's falling for her.

Nagtaas ako ng noo. "I know her Shin cause I'm also her friend." then tumayo si Haruna at lumapit sa akin.

"How did you become friends?" seryoso ang tanong niya na halos hindi ko mawari na magiging ganito siya magtanong sa akin.

"It's just that we b-both like some stuffs..." maikling sagot ko sa kaniya.

"Stuffs like what?" tanong ni Shin sa akin.

Bakit ba masyadong concern ang dalawa na ito kay Althea? Ano bang meron sa babaeng iyon? Special ba siya or alien lang.

"A-anime...um, v-vocaloid." mautal-utal kong sagot kasi masyado silang nakatingin sa pogi kong mukha.

Tumungo-tungo si Shin samantalang si Haruna ay nakatitig pa rin sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig niyang sinabi ko.Halos tignan niya nga ako mula ulo hanggang paa pati yung pupil ko parang ine-examine niya kung nagsasabi ba ako ng totoo or hindi.

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now