Chapter 25: Valentines Nightmare!

96 4 0
                                    

Nang makaalis na ng nurse's room sina Haruna at Shin agad na nagtungo si Rio sa higaan ni Althea.

Niyugyog niya ito para magising. "Hoy, Jellyfish gumising ka nga dyan kasi may sa-" Naputol ang pagsasalita niya ng mapansin niyang medyo nilalagnat ito.

Rio Pov

Naku nagkakasakit din pala ang Jellyfish na ito. Teka asan na ba yung gamot at saka yung nurse dapat nandito iyon eh! Aist, kung wala lang kaming usapan malamang pababayaan ko na ito eh.

Tumayo ito at tinungo ang isang kulay green na cabinet na malapit sa kaliwa. Ang mga ito ay:

-Paracetamol Biogesic

-Phenlephrine Chlorphenamine Parcetamol

-Vitamin B1+B6+B12

-d Alpha Tooopheherol (Vitamin E)

-Mefenamic Acid

-Carbocisteine Solmux

Naku naman kapag minamalas ka nga, kung ano pa yung hinahanap mo siyang wala. Hayss, paano na ito teka baka maabutan ko pa sina Haruna.

Bubuksan sana niya ang pinto kaya lang ay narinig niya ang pag-uusap ng mga ito kaya naman mas minabuti na lang muna niya ang makinig sa usapan.

Haruna: " Dapat lumaban ka ng patas Shin."

Shin: "Lumaban ng patas...you mean kay Rio?"

Haruna: "Secret!"

Parang may mali sa mga narinig ko ah~ Labis ang gulat at pagtataka ni Rio nang mga oras na iyon kasi hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon kay Haruna.

"Ang akala ba ni Haruna ay may gusto ako sa Jellyfish na ito? Kaya ba....lagi na lang niya ako nilalapit sa kanya. Grrr, kasalanan mo ito Althea kaya naging ganito ang paniniwala ng Haruna a.k.a. My Angel ko sa akin. Magbabayad ka talaga ng malaki at sisiguraduhin ko na ang pagiging isang buwan mong alipin sa akin ang pinaka-impyerno mong mga araw!" bulong niya sa sarili.

Pero kahit na masama ang nararamdaman niya para kay Jellyfish ay tinulungan pa rin niya ito sa pamamagitan ng pagtulong niya ngayon.

"Asan na ba kasi yung gamot dito!"

Dahil sa walang gamot, pumunta siya sa CR. Kumuha siya ng tabo at marahan niyang binasa ang kanyang blue pottered na panyo.

"Naku, malalagot kang Jellyfish ka sa akin! Sisiguraduhin ko na sisingilin ko ang bawat tulong na ibinigay ko sa iyo ng double. Ay hindi triple pala!"

Ang CR sa nurse's clinic ay mayroong hot or cold na tubig kailangan nga lang ay marunong kang mag-setup.

Iniayos muna niya yung setup bago niya pinindot niya yung 'hot' tapos ay isinahod niya ang tabong dala-dala niya.

Matapos niya gawin iyon ay agad siyang pumunta sa tabi ni Jellyfish at marahan niyang pinunasan ang noo nito.

*Punas*

*Punas*

*Punas*

Napansin niya na kahawig ito ng batang kapatid ni Kei.

"Kahawig pala ni Jellyfish si Yuuki..." bulong niya.

Patuloy pa rin siya sa pagpupunas hanggang sa bumaba na ng kaunti ang lagnat nito.

Jellyfish Confession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon