Chapter 20: Encounter >.<

94 7 1
                                    

---Inside the Room B---

Shin Pov

Parang ang tagal naman ni Kinosuki...Sundan ko na kaya siya?

Tumayo si Shin sa kanyang upuan.

"Classmates, I think I better check Kinosuki..." sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ni Haruna

"Don't you think it's a little bit odd for him to be this late?" sabi niya kay Haruna.

Tumungo si Haruna ganun din ang iba pa nilang classmates but some girls giggle.

Ngumiti si Shin at lumabas na ng kanilang room.Pagkatapos nun ay nagkumpulan na ang mga girls na kasali sa Fan Club ni Shin.

Girl 1: "Ang thoughtful talaga ni Shin-sama~"

Girl 2: "Kyaaa..you're so right~"

Girl 3: "I agree!!!"

Girl 4: "Shin-sama~"

Haruna Pov

Tama sila ang bait nga talaga ni Shin. Siguro ito ang dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Althea kaya lang paano na lang si Rio. Parang medyo complicated ata ang sitwasyon para sa kanya...Parehas ko silang kaibigan kaya dapat matulungan ko sila. Hindi naman sa ayaw ko kay Shin pero I think it is better if she will get the good side of Rio too. Masyado naman na lamang si Shin kaya tutulungan ko si Rio para mapalapit siya kay Althea.

Habang naglalakad si Shin sa may corridor ay nakasalubong niya ang teacher nila Althea na si Mr. Hanazono Ryuu nang malapit na siya sa may hagdan.

"Good Afternoon Mr. Hanazono." bati ni Shin.

"Good Afternoon din sa iyo Mr. Takeyama. Why are you outside your class?" tanong ni Sir. Ryuu

"Susunduin ko po sana yung classmate ko na pumunta sa faculty room para sunduin si Ms. Miranda." sagot niya.

"Ah ganun ba. Mabuti pa ay hintayin mo na lang siya sa classroom ninyo kasi absent si Ms. Miranda for today." sabi ni Sir Ryuu.

"Ganun po ba. Sige po mauna na po ako." sabi ni Shin.

"Sige mabuti pa nga. Dadaan din naman ako dun kaya kung sakali makita ko siya sasabihin ko na bumalik na lang siya. A-ano nga palang pangalan ng classmate mo na iyon?" tanong niya.

"Kinosuki Yamamoto po." sagot ni Shin.

"Ok. I get it." sabi niya.

Habang nagpapaalam si Shin sa adviser ng Room A ay nakita nila na palakad-lakad si Althea.

"What are you doing here, Ms. Minoru?" tanong ni Sir. Ryuu

"A...e..h-hinihintay ko po si....si Yuzuki po." sagot ko.

"Bakit naman?" tanong niya ulit kay Althea.

"Kasi po siya po ang kumuha ng stamp ni Mr. Yori. Dapat po kaming dalawa kaya lang sabi niya hintayin ko na lang siya dito."sagot ko.

"I see. Mabuti pa ay bumalik na kayong dalawa sa classroom nyo at ako na lang ang magsasabi sa kanilang dalawa na pinabalik ko na kayo." sabi niya.

"A...ok po." sagot ko.

Humakbang na pataas ng hagdan si Mr. Hanazono at naiwan silang dalawa.

Althea Pov

Si Shin nandito...Kyaa~ nakakakilig much naman ito tapos perfect timing pa ito para kausapin ko siya kasi kaming dalawa lang kaya ang nandito kaya lang kapag umalis ako baka magalit sa akin si Yuzuki but I better obey kasi sabi ni Sir Ryuu sasabihin naman daw niya iyon kapag nakita niya si Yuzuki. Sana magkita nga sila pero paano kung...hindi sila magkita..Naku malalagot naman ako kay Mr. Judgemental.Huhuhu T___T

Habang nag-papanic si Althea kung ano ang gagawin niya ay hinawakan ni Shin ang kamay niya.

"S-shin?" sabi ko.

"Relax, Althea. Magtiwala ka lang kay Mr. Ryuu. Siguradong masasabi niya iyon sa classmate mo."sabi niya.

"A...e...ok, Shin." sagot ko. *blush*

Althea Pov

Kyaa~ hawak ni Shin yun kamay ko...Naman oh. Kakakilig na to. Sana ako na lang ang mahal niya. Di bale kapag na sure ko na may nararamdaman ka para sa akin siguradong magtatapat na ako ng secret feelings ko para sa iyo. Sure na sure iyon.

Tumingin si Shin kay Althea at nakita niya ang labis na pamumula ng mukha nito.

"Althea may lagnat ka ba?" tanong niya.

"Ha? W-wala noh." sagot ko.

"Sure ka kasi...." sabi niya sabay hawak sa noo ni Althea.

"Sure talaga ako...." sabi ko.

"O sige." sabi niya sabay hawak muli sa aking kamay.

"A..e...S-shin parang hindi dito yung papunta sa classroom namin..."sabi ko.

"Alam ko. Hindi sa hindi ako naniniwala sa sinabi mo sa akin kanina pero mas mabuti na matignan ka muna ng nurse bago pabalikin kita sa classroom niyo at saka ihahatid naman kita eh kaya huwag kang mag-alala."sabi niya.

Althea Pov

Shin kung alam mo lang kung bakit ako namumula.....huhuhu T___T Bakit ba kasi hanggang friends lang nag tingin mo sa akin teka parang sumasakit na yata ang tiyan ko ah. Gutom na ba ako..?wait parang nahihilo pa ako...Ano ba ito?

Tumungo si Althea at sumunod na lang sa sinabi ni Shin.

Shin Pov

Mukhang may sakit si Althea ngayon at ayaw niya lang sabihin sa akin. Sana matutunan naman niyang maging dependable kahit minsan para ma-suportahan ko siya kapag kailangan niya ng lalaking mag-aalaga sa kanya. Simula pa lang noon ganito na siya palagi sa akin. But this time, I will make sure na magbabago na iyon.

"Althea nandito na tayo sa school clinic. Althea..Althea..wake up!" sabi niya.

P.S. Sa lahat ng readers nito maraming salamat sa supporta :)))* Votes and comments are highly appreciated or pwede rin namang pa follow na lang po ako. Guys paki share na rin po ito sa mga friends nyo if you like.*

-Angelin21

Jellyfish Confession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon