Chapter 9: Basted si Mr. Romantiko...?

147 10 0
                                    

Ding...Dongggggg Dinggg..Dongg

Nung marinig na ng magkaibigan ang tunog na iyon ay labis silang nagmadali dahil iyon na ang hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Ganun din ang ginawa ng ilang mga estudyanteng nakarinig ng bell...Pero bago sila magkahiwalay ay binati ni Haruna ang kanyang best friend ng good luck.

"Althea, gambatte ne "(Althea, good luck)

Nagpasalamat ito sabay thmbs up sa kanya.

"Cge at ikuwento mo na rin sa akin kung bakit ganun ang tawag ni Rio sa yo ha!!!"

Nabakas niya sa mga mata nito ang labis na kaba at pagkabagnot ng marinig niya ang pangalan ni Rio...at lumala pa ito nang sabihin niya na gusto niya itong malaman with curious eyes..

Pagkatapos ng pag-uusap nila at agad na hinanap ni Haruna ang Room B... medyo nahirapan siya sa paghahanap pero dahil sa isang lalaking estudyante ay nakarating agad siya sa room sa tamang oras.

A-asan kaya dito yung room B....?

"Excuse me Miss, pero naliligaw ka ba..?"

"A-e....oo yata,..e...hindi ako sigurado ..A-ano, alam mo ba kung saan yung room B..?"

"Ah, yun ba... ! oo alam ko yun kasi yun ang room ko ..Hmm, nice to meet you Miss--?"

"H-Haruna..yun ang pangalan ko.."

"Ok, Nice meeting you Haruna. By the way, ..Ako nga pala si Yamamoto Kinosuki... e-eto tanggapin ang isang rose para sa iyo. :D "

Sabay abot ng isang piraso ng rosas.

"Para yan sa isang magandang dilag na gaya mo, natutuwa ako at nakakilala ako ng bagong kaklase.. :)"

"Ahh, T-thank you..."(Ano bang meron sa lalaking ito..parang napapalibutan siya ng rosas kapag kinakausap ko siya...? at hindi lang iyon saan niya nakuha ang rosas na ito..?)

"Hmmm...Ang ro-rosas na ito ay...gawa sa candy??"

"Tama ka dun. Yan ang specialty ko, ang paggawa ng mga candy sculptures..da-dahil gusto kong maging isang tanyag na patissier at isang flower coordinator sa buong mundo...(Blush) Gusto kong ipakita sa lahat ng mga tao ang natatagong ganda ng mga pagkain at mga rosas.."

"A-a... ganun ba."

*SMILES*

Nakakatuwa naman pala siya. Ang akala ko naka-encounter na naman akong ng isang weird eh dahil sa mga kilos niya, mabuti pa siya may pangarap na...Ako kaya, ano kaya ang mangyayari sa future ko..?

Habang naglalakad silang dalawa sa corridor ay napansin niya si Shin na may tinitignan sa labas..Gustuhin man niyang tanungin ito ay hindi na niya nagawa dahil sa dumating na kaagad yung teacher nila para sa unang lesson..pero nagulat silang lahat ng magpaalam itong lumabas.

"Excuse me Mam but I need to go out.~"

"Okay, Mr. Takeyama. Everyone please take your sits and open your book on page 5."

Pagkalabas ni Shin ay nagfocus na ako sa lesson namin pero iniisip ko pa rin kung nasaan na kaya ang bestfriend ko na si Althea...sana naman ay hindi siya maligaw tulad ko.

*SIGH*

Haruna's POV

Habang binubuklat ko yung libro ay napapansin ko na panay ata ang tingin sa akin ni Kinosuki..Hindi ko ito masyadong pinansin dahil alam ko na wala lang iyon kaya laking gulat ko ng makatanggap ako ng sulat galing sa kanya na gusto niya akong makausap mamayang lunch break..Ano ba ito??? Hayy....istorbo naman oh! para matigil na iyong pagtingin-tingin niya sa akin ay isinulat ko na pumapayag ako sabay pasa sa kanya ng papel..

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now