Chapter 22: His Evil Plan Part II

58 5 0
                                    

Pagkapasok ni Yuzuki ay agad siyang sinalubong ng tanong ng kanyang guro at ng kanyang matalik na kaibigan na si Tomoe.

"Did you get it?" tanong ng kanyang guro.

"Ah, opo. Here it is." sabay abot nito sa kanya.

"Wait, where is Althea? Is'nt she with you?" tanong ni Tomoe sa kanya na may kakaibang titig.

"Ha? Wala pa siya dito...kasi...ang alam ko dapat nandito na siya." sagot niya.

"Eh...pero wala pa siya.... di kaya may pinuntahan siya?" bulong ko sa kaibigan.

"H-hindi ko alam kung ganoon nga...pero...mas mabuti pa ay hintayin na lang natin siya dito." sagot niya na hindi makatingin sa kanyang kaibigan.

Napatingin si Rio sa dalawang magkaibigan dahil tila may kulang sa mga ito....wait si Althea, asan siya?

Rio Pov

Bakit hindi kasama ni Yuzuki si Althea? Ang jellyfish na iyon talaga...Grrr, nasaan na naman kaya ang babaeng iyon. Kahit na kailan talaga! Kahit na sino siguro ang kasama niya malamang na mawawala siya..Haist, gusto ko pa naman siyang makausap ngayon tungkol sa pinag-usapan namin...Hmp! Ang mabuti pa ay hanapin ko na nga siya para hindi na masayang ang oras ko at makapaghiganti na rin ako sa kanya...

Agad na tumayo si Rio at ipinasa sa kanyang guro ang sketch na nagawa niya at nagpaalam.

"Teacher, can I go out?"  tanong ko.

"Yes, you may." sagot niya.

Pagkalabas ni Rio ay ngumiti si Tomoe sa kaibigan at sinabi na....... "Yuzuki, baka gusto mong hanapin DIN si Althea?"

Nagulat siya at sumagot "S-siguro nga...."

Tomoe Pov

Kakaiba nga ba talaga si Althea? Matagal ko nang kaibigan si Yuzuki at ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang ganito...umiibig kaya siya? Kung ganoon dapat ay bigyan ko siya ng suporta pero paano kaya...?Ang hirap naman kasi ng kalaban niya. Sa lahat pa kasi ng tao ay si "Rio" pa ang magiging karibal niya pero ano kaya yung nagustuhan niya sa babaeng iyon....mukha naman siyang simple at parang ordinaryo nga lang siya eh. Wait, yung kapatid din niyang si Kinosuki ay interesado din sa babaeng iyon..ano bang mayroon ang Althea na iyon at parang halos lahat ng pinakamatalino at pinaka gwapong lalaki sa school ay gusto siyang makuha?

--Room B--

Pagpasok ni Kinosuki ay agad niyang sinabi ang pagliban ng kanilang guro ngayong araw.

"Classmates, Ms. Miranda was absent for today so we will have no class." sabi niya.

"Yehey" ang sigaw ng lahat maliban na lang kay Haruna na tahimik lang na nagbabasa sa kanyang upuan.

"Um, Kinosuki-sama have you seen Shin?" tanong ng isa niyang kaklase sa kanya.

"Shin...why?" tanong niya.

--In the Nurse's Room--

"Althea...are you...alright?" tanong ni Shin

Parang gulay na matamlay si Althea habang kinakausap siya ni Shin kaya hindi niya naintindihan ang mga tanong at nais sabihin nito para sa kanya.

"S...shin...anong sa..bi....mo?" tanong niya

"Althea...I think you need a rest..so please have a sleep for a while." sagot nito sabay hawak sa kamay niya.

Shin Pov

Pasesya na Althea kung minamadali kita. Actually, natatakot lang kasi ako na baka makuha ka sa akin...nakakainggit nga at nakakainis dahil magkaklase kayo ni Rio  Sana tayo rin ay ganun pero aasa pa rin ako na hindi ka mawawala sa akin dahil sisimulan ko nang suyuin ka mula sa mga simpleng bagay hanggang sa tuluyan mo na akong mamahalin. Sa ngayon ang maibibigay ko lang sa iyo ay ang.....bantayan ka dito sa tabi mo.

P.S.

Pasensya na po dahil lagi na lang huli ang update ko...Sa lahat ng readers nito maraming salamat sa supporta :)))* Votes and comments are highly appreciated. Sana huwag kayong magsawa sa paghihintay. *

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now