Chapter 19: D.on't K.now Y.ou

135 5 0
                                    

"Ano to?" tanong ko.

"Hayss...Hindi mo ba nakikita na ito - e di malamang libro alangan naman na iba di ba?" sagot niya

Iba talaga ang ugali ng lalaking ito. Tatanungin mo nga maayos tapos sasagutin ka pabalang. Tsk. Kainis.

"Alam ko na libro yan. Ano tingin mo sa akin bulag...?Ang gusto ko lang naman sabihin ay bakit mo ibinibigay sa akin ang libro na yan?" tanong ko.

"Simple lang naman...P-para..Basta! Huwag ka na ngang magtanong. Tatanggapin mo ba o hindi?" tanong niya.

Ibang klase talaga toh...Mahirap na basahin, mahirap pa intindihin.

Tinignan ko siya ng maigi tapos kinuha ko yung libro. "Sige, kukunin ko na.Salamat." sabi ko.

"You're welcome pero dapat maibalik mo na sa akin yan sa 'Friday' ha kasi yung library card 'ko' yung gamit ko para mahiram yang libro na yan. Kapag hindi mo maibabalik sa akin yan kakailanganin kong magbayad para sa penalty so make sure na matatapos mo na yan basahin before Friday?At saka kung pagod ka na....ako na lang ang kukuha ng stamp ni Mr. Yori. Hintayin mo na lang ako dito. Maliwanag ba?" sabi niya habang nakaupo si Althea sa may hagdan.

"A-e...oo, sige ikaw bahala." sagot ko.

Althea Pov:

Grabe speechless ako kasi planado na niya ang lahat ng gagawin niya pati pagsasalita ay hindi ako makasingit pwera na lang kapag tapos na siya magsalita...Napaisip tuloy ako, paano kaya naging magkaibigan si Tomoe at Yuzuki? Ang wierd talaga kasi total opposite yung ugali nila pero magkasundo sila...

Habang humahakbang pataas si Yuzuki ay nakatingin pa rin si sa nakaupong si Althea.

Yuzuki Pov:

Alam ko na nagulat ko siya sa ginawa ko kanina. Hindi ako ganun. Alam ko yun pero tao lang di naman ako na nakakaramdam. I know that my first impression was bad because of the ruckus over the bulletin board. Hindi ko naman talaga yun sinasadya eh. Hindi lang kasi ako sanay na may kasamang iba bukod kay Tomoe. Tapos nagkita pa kami sa library then nakuha ko yung libro na gusto niyang basahin and worst is my brother is plotting a revenge on her because of her best friend's fault. Nakaka-guilty talaga.Lalo na ngayon kasi kahit gusto kong humingi ng simpleng 'sorry' pero hindi ko magawa sa halip baka masamain pa niya yung sasabihin ko lalo na kaya yung ginawa kong pagpapahiram ko sa kanya ng libro. Ano ba yan ang hirap naman ng sitwasyon ko.

Nakapasok na ng faculty room si Yuzuki nang lumabas ang kakambal nitong si Kinosuki mula sa kanilang room para sunduin yung teacher nila kasi wala pa ito.

"Bakit kaya wala pa si mam hanggang ngayon?" tanong niya sa sarili habang naglalakad at nang patungo na siya sa hagdanan ay nagulat siya dahil nakita niya si Althea.

Kinosuki Pov

Aba, aba, aba, sa hindi inaasahang pagkakataon ang taong mailap lapitan ay heto - mag-isa. Ang swerte ko talaga ngayon! Ito na ang chance ko para makagawa na  ng 'first move' para sa aking pinakaaasam na paghihiganti dahil sa ginawa sa akin ng best friend niya. Pero bakit kaya ganyan ang best friend ni Haruna...parang princess and the tomboy ang dating nilang dalawa. Masyado siyang boyish lalo na sa outfits though tama naman ang coordination niya ng accessories.Hmm, malapitan nga...

"What a coincidence, nagkita ulit tayo!" sabi niya ng may halong ngiti sa kanyang mukha.

Althea Pov

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now