Chapter 7: Wrong Timing.. >__< (Part One)

144 12 4
                                    

Hehehe.... *Devil Grin* Ito na ang pagkakataon ko para gantihan ang Jellyfish na yon. Hmp, Mr. Engot pala ha..ngayon matitikman mo na ang galit ko sa yo!!

Papaalis na sana si Rio ng marinig niyang nagtaas ng boses si Jellyfish kay Haruna.

 Althea: "Ouch! Hindi mo naman kailangang sumigaw sa tenga ko..naririnig kita at saka bakit ka ba sumisigaw?"

Ang kapal talaga ng babaeng iyon...Pagtaasan ba naman niya ng boses ang angel kong si Haruna...! Buti nga sa kanya...dahil sa ginawa niya ay mapapahiya siya sa harap ng lahat at higit sa lahat kay Shin..Akala mo kung sino makasigaw eh... hmmm, papaano kaya siya makakaalis sa sitwasyong iyon??

Tinignang mabuti ni Rio ang bawat galaw ni Jellyfish bago siya umalis...

*Scene*

Pagharap ni Jellyfish ay halos lahat ay nakatingin sa kaniya pati na rin si Shin.Tumalikod ito sabay signal ng H-E-L-P sa bestfriend niyang si Haruna then may narinig silang lahat including Rio na malakas na tunog ng cellphone call... Halos lahat ay nag-panic at hinanap kung saan iyon galing. Nung hindi na sila nakatingin kay Jellyfish, hinila niya ng mabilis ang bestfriend niyang si Haruna so nakatakas na silang dalawa sa mata ng marami...

Pahiya na sana, hmp..nakatakas pa! at grabe ang kapal-kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon pagkatapos niya pagtaasan ng boses si Angel Haruna ko,nagawa niya pang humingi dito ng tulong..at kung hilahin siya nito parang gamit lang..Bakit kasi ang bait-bait mo Angel Haruna..? Oh well, isa din naman iyon sa mga good points mo kaya nagusuhan kita eh.. hehe..! makaalis na nga dito..

Pagkatapos ng commotion na nangyari sa gate ay dumiretso na si Rio sa bulletin board para alamin ang room niya. Kahit na crowded place iyon, madali lamang siyang nakapasok dahil sa halos lahat ng mga esudyante dun ay ginagalang siya. Pagtingin niya sa board hinanap niya agad yung magiging room ni Haruna then yung room naman niya.

Kobayashi Haruna-----Room B

Yamamoto Kinosuki--Room B

Hazuki Kei---Room B

Takeyama Shin------Room B

Ang malas naman hindi kami  nailagay sa same room at kasama niya pa dun yung crush ni Jellyfish..Matignan nga yung room ko..

*Shock*

Takeshima Rio------Room A

Misaki Tomoe-----Room A

Yamamoto Yuzuki----Room A

......

.......

Minoru Althea-----Room A

Aba, aba, aba.. mukhang nagpapa- impress masyado si Jellyfish this time ah..at TUMATALINO PA..Interesting to!!!! Speaking of the devil, she's here...maasar nga ito ng konti para kasing hindi ako nakikita eh...

"Heh.. Ang galing ah... nakasama ka na ngayon sa mga matatalino...Ms. Jellyfish."

Althea was shocked and angry at the same time.

Althea: "Bakit nandito ka ha, Mr. Engot?"

Ngumiti ako sabay sabi ng:

"Siguradong magiging masaya na naman ang high school ko ngayon....hahaha!"

Althea: "Hindi iyan ang sagot sa tinatanong ko..hmp! buwisit talaga!"

Hahaha, grabe nakakatawa talaga yung expression niya sa mukha...parang nakakita ng multo. Hahaha, ang sakit tuloy ng tiyan ko kakatawa..!!! buti nga sa kanya..Asarin ko pa nga ulit pero this time, through a song...

"Jellyfish! Jellyfish! Je-lly-fish !..."

Mukhang lumalabas na yung usok sa mukha niya kahit na pinapakalma niya ang kanyang sarili sigurado isang salita lang sa kanya ng kahit na sinong tao ay pagbubuntungan niya ito agad ng galit...teka nakakapagtaka, bakit wala siyang dalang bag eh nung pagpasok niya meron...NAKU!!..Ma-Malamang na dala-dala yun ni Haruna...Kailangan ko ng makaalis dito para matulungan ko na agad si Angel Haruna ko.

Nang makaalis siya ay agad niyang hinanap si Haruna at tinulungan ito sa mga gamit na dala niya.

"Haruna~ Let me help you in your baggage."

"Ah..R-Rio, long time no see. Salamat sa tulong ha. Hmm..paki dala na lang itong bag ni Althea medyo mabigat kasi eh."

What? Dadalhin ko ang pangit na bag ng Jellyfish na iyon...Sinuswerte ata sya ngayon ah! Di bale makakaganti din ako sa kanya mamaya..

"W-why is her bag with you...?"

"K-Kasi..pumunta siya sa bulletin board para tignan yung room naming dalawa. Sana nga magkaklase kami eh. ^___^"

Ang bait mo talaga, Haruna a.k.a. My Angel...

Althea: "A-aray!... ang sakit ng tuhod ko!"

"S-si Althea ata yun, halika Rio tulungan natin siya.."

Hayss...hmp! dapat hindi mo na lang yan pinapansin My angel Haruna kasi epal lang yan sa buhay mo.!

"Cge...you t-take c-care of h-her. I-I will just c-carry both of your bags."

Tinulungan ni Haruna si Althea maglakad papuntang Nurse's Room then habang ginagamot ito ay nasa waiting shed naman silang dalawa ni Haruna.

"H-how is she...?"

Ano ba tong tanong na lumabas sa bibig ko..?mukha atang nag-aalala ako sa Jellyfish na iyon ah.. pero anong magagawa ko, nakakahiya kasing kamustahin siya parang hindi bagay sa image ko...hayss..

'Wrong Timing' naman yung pagkakadapa ni Ms. Jellyfish!! Naman oh, lagi na lang agaw eksena sa aming dalawa ni Angel Haruna ko..! 

 ----------------------------------------------------------------------->

A/N: Ganito ang mukha ni Haruna sa paningin ni Rio.. pero hindi mo naman  mapagkakailang tama naman ito kasi mukha nga itong isang angel na hulog ng langit..

I dedicate this chapter to Ms. MegumiMeggy kasi siya ang number 1 reader ko sa Jellyfish Confession at bilang pasasalamat sa lagi niyang pagsuporta dito ...Sana ipakalat ninyo ito sa iba pang mga readers at sana dumami rin ang bumoto ...

--Angelin21---

Jellyfish Confession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon