Chapter 29: Let the Game begin Part III

100 5 1
                                    

Nakasakay pa rin si Althea sa sasakyan ni Haruna ng maalala niya ang 'park' kung saan dapat siya pumunta para makita niya ang pagdaan ng sasakyan ni Shin bago pa ito makauwi.

*Fidget*

Althea Pov

"Um...H-haruna pwede bang ibaba mo ako sa may sakayan ng bus?"

Nagulat si Haruna. "Huh? Bakit naman...kaya nga kita isinabay para hindi ka na mag-bus pa eh."

"K-kasi may pupuntahan pa ako....at..." she paused.

Urgh! Ano bang palusot ang dapat kong sabihin sa kanya..? Maya-maya ay naalala niya ang sagot ni Yuzuki kanina.

Yuzuki's statement: "Um...baka mag-bus muna ako kasi may dadaanan akong bookstore."

*Idea!*

"at...kailangan ko pa kasing tignan kung nandoon na sa bookstore yung hinihintay ko na...libro?" palusot ni Althea kay Haruna habang nakatingin sa taas para hindi niya ma-meet yung eyes ni Haruna.

Tinignan siyang maigi ni Haruna. "Weh! Baka naman ayaw mo lang akong makasabay..." *pout*

Ang cute talaga ni Haruna kapag naka-pout siya~ Parang angry cute princess hehe..pero kapag hindi ko ito nalusutan siguradong...hindi ko makikita si Shin..Haist! Paano na ako nito?

"Hindi naman sa ganun...kaya lang kasi kailangan ko na kasi mabasa iyon eh.." pagpupumilit ko habang naka-surrender ang mga kamay ko sa kanya na para akong isang criminal at siya ang babaeng pulis na nakahuli sa akin.

Nakasimangot siyang sumagot sabay lapit ng anghel niyang mukha sa mukha kong...pangit. "Di nga? Bakit nga?" Then yumuko siya at tumingin sa mga kamay ko na hawak niya. "Di kaya...dahil dun sa pakikipag-usap ko kay Rio kanina kaya..."

"What!" sigaw ko na parang nagulat pa nga siya sa naging reaction ko kapag ka naririnig ko ang pangalan ng Mr. Engot na iyon. "Paanong nakapasok ang Mr. Engot na iyon sa usapan natin? Hindi yan totoo ah! Ang dahilan kung bakit gusto kong mag-bus ay dahil sa gusto kong makita si Shin bago siya m-makauwi." sabay takip ng bibig ako dahil nadulas ako.

Naku! Nadulas ako sa best friend ko...

Namula ang mga pisngi ko. "H-haruna..."

Ngumiti at tumawa ng lang siya ng mahinhin sa harap ko. "Hihi..sabi ko na nga ba eh! Denial ka pa kasi with matching palusot effect ha. Hahaha!"

Nilaro ko ang mukha ko. "Ehh, alam mo naman pala eh!" sabay pout ng lips sa harapan niya.

"Hahaha...sorry na Althea kasi naman sobra ka maka-react kapag nababanggit ko si Rio eh at saka may tinitiyak lang ako kanina.. Ang mabuti pa ay ibababa na lang kita dun sa park na iyon tapos ay hihintayin kita dito sa loob ng car ko and don't worry we will keep our distance long para kung sakaling isabay ka ni Shin ay hindi niya mapansin na nandoon ako. "sabay yakap sa akin.

"Thank you, Haruna! Haist kahit na kailan hindi talaga ako makakapagtago sa iyo.." pagkatapos ay binigyan ko rin siya ng isang malaking hug pabalik.

Haruna, I'm sorry... alam ko na masama ang maglihim sa iyo pero kailangan ko talagang ilihim sa iyo ang tungkol sa pagiging alipin ko kay Mr. Engot. Don't worry kapag naayos ko na ang lahat, I will make sure that I will personally tell you every detail of it kaya sana huwag mo munang pansinin ang mga awkward na kinikilos ko in front of Mr. Engot.

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now