Chapter 11: Uwian Time ~

206 4 0
                                    

Dingggg...Dongggg~

At last uwian na rin, grabe hirap mag-aral kapag may nakatingin ng masama sa yo lalo na yung kulang na lang ay ipagsigawan nila na *UMALIS AKO DITO*!!!. Nakakatunaw din yung mga tingin nilang punong-puno ng galit..Pero ngayong araw tapos na ang paghihirap kong ito kasi uwian na...mas masaya pa ako sa bahay kaysa sa school pwera na lang kung kasama ko si bestfriend, Haruna o kaya ay si Shin..kyaaa~ hanggang ngayon kilig much pa rin ako sa kanya.

Inililigpit ko na yung mga gamit sa bag ko nang dumaan sa gilid ko si Mr. Engot sabay hulog sa pencil case ko..

*Fall*

Tinignan lang niya tapos umalis na palabas ng classroom namin.

Buwisit talaga ang lalaking iyon. Siya nga itong nakahulog dapat siya rin ang pumulot. hmp!! walang manners~

Pupulutin ko na sana yung pencil case ko kaya lang nakuha na ito ni Tomoe.

"Eto oh~"

Wow ha, ang bait niya kahit na may pagka-weird siya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------->

A/N: eto yung dalawang expression ng mukha ni Tomoe (Left side: nung tinanggihan siya ni Althea at Right Side: nung pumayag si Althea na sumabay sa kanila.)

"T-Thank you."

Kinuha ko yung pencil case ko sa kamay niya tapos nilagay ko na ito sa bag. Papaalis na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko ng may napakalakas niyang boses.

"ALTHEA!!!!"

May sira ba to sa ulo...Hindi pa nga ako nakakalabas ng room pero ang lakas na ng ginamit niyang boses para tawagin ako. Lumapit ako sa kanya at nagtanong.

"Hinaan mo nga yang boses mo...! Ano bang kailangan mo ha?"

Ngumiti siya tapos kinuha niya yung kamay ko.

*Smile*

"Sabay tayo uwi..ok?"

A-ano daw??? Ang kapal din ng face nito para yayain ako ah..ano ako cheap? at saka bakit naman ako sasabay sa kanya...?Mas gugustuhin ko pang mag-isa na lang ang umuwi kaysa sumabay ako sa taong ngayon ko lang nakilala..sayang nga lang kasi hindi ko ngayon makakasabay si Haruna dahil sa nangyari sa kanya kanina bago mag-lunch... :(

"A-ayoko nga at saka bakit naman ako sasabay sa yo ha?"

"Ayaw mo?? Wag kang mag-alala hindi kita type kaya walang ibig sabihin sa akin itong ginagawa ko sa iyo at saka gusto ko lang naman maging close tayo since ikaw lang ang hindi namin kilala sa group. Don't worry makakasabay mo rin si Yuzuki..Ano, deal or no deal??"

Aba-aba anong akala niya sa akin..nagpapakipot ako sa kanya. Asa siya!!! Si Shin ang gusto ko hindi siya. At saka wala rin akong gusto sa kaibigan niyang judgemental nasi Yuzuki....

"No deal."

.............

*Puppy eyes*

"Ah..ayaw mo talaga?"

Kakainis naman itong lalaking ito sinabi ko na ngang ayoko eh. Tatanggihan ko na sana siya nang may marinig ako mula sa mga classmates ko.

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now