Chapter 24: Inside the Clinic

66 4 0
                                    

Nang magising si Althea ay nagulat siya. Kahit na medyo masama ang katawan niya ay bumangon siya at pinagmasdan si Rio habang natutulog ito sa kanyang side of bed.

Bakit dito natutulog ang Mr. Engot na ito? Sa pagkakaalam ko ay ang huling kasama ko ay si Shin pero bakit itong lalaking ito ang nasa tabi ko...a-anong nangyari? wait magising nga ito.

"Hoy! Gumising ka nga!" sabay alog sa kanyang balikat.

"...Hmmm.." ungol nito.

Aba ang Engot na ito, ayaw magising ha teka ano ba yung ginagawa ni jigglypuff ng pokemon sa mga ayaw magising....wait, may pentel pen kaya dito...?

Dahan- dahang bumangon si Althea. Tip toe walk ang ginawa niya para hindi magising si Rio. Malapit na siya sa drawer ng biglang nagsalita ito.

"Ummm...Jellyfish..Alam mo ba na..." sabay ngiti.

Napakunot noo siya. Ano kaya ang panaginip ng Mr. Engot na ito! Parang pati sa dream niya ay sinasama ako ah...sige lang Engot asarin mo lang ako ng asarin kasi mamaya humanda ka sa akin.

--------------------------------------------------------------------------->

(A/N: Ganito po yung mukha ni Rio nang bigla idinilat ang kanyang mga mata habang hawak ni Althea sa likod yung pentel pen.)

Marahan niyang binuksan ang malapit na drawer sa may kaliwang side ng bed niya.

*Creak*

-Open-

Kapag sinuswerte ka nga naman. Yes! May Pentel pen dito. Hahaha, sa wakas mahihinto na rin iyang maliligayang araw mo, Engot~

-Close-

Pagkatapos niyang makuha ang kailangan niyang pentel pen ay tahimik niyang sinarado ang drawer.

Unti- unti siyang humakbang pabalik sa kama niya.  Nang muli niyang nasilayan ang mukha ni Rio ay napansin niya na pogi pala ito sa malapitan kaso nga lang napag-isip-isip niya na torpe ito dahil sa confession nito sa best friend niyang si Haruna.

"Ew~ Kahit na may itsura ito ayaw ko pa rin sa kanya. Alam ko kasi na kapag tulog o gising ito ay Engot pa rin. Lalo na at epal ito sa lovelife namin ng Shin ko! " bulong niya sa sarili.

Pero hindi maipagkakaila na may itsura talaga si Rio. Kahit na todo ang hate ni Althea, maraming girls ang tumitili at nangangarap na maging boyfriend siya kasi nga nasa kanya na ang 'MMH' short for Mayaman, Matalino at Handsome! San ka pa diba?

Binuksan na ni Althea yung pentel pen at unti- unti na niyang nilalapit ang dulo nito sa mukha ni Rio nang bigla itong gumalaw.

"Yikes!" sabay tago sa hawak niyang pentel pen.

"...J-jellyfish.." sabay dilat ng mata nito. "Alam mo ba na crush....." then tulog na naman.

Bigla siyang nag-blush ng marinig niya sa bibig ni Mr. Engot ang mga salitang, "....J-jellyfish...Alam mo ba na crush-"

Parang nawala siya sa kawalan ng mag-flash back yung mga sinabi ni Mr. Engot sa kanyang tenga.

Ugh! Ano ba itong Mr. Engot na ito...ano ba talaga ang gusto nitong palabasin...? Teka ano kaya yung kasunod ng mga words na iyon..crush niya ba ako ?wait alam ko kay Haruna siya may gusto pero kasi.....kakainis ka talaga!

Jellyfish Confession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon