Chapter 31: Only Knight I

56 6 2
                                    

Shin Pov

Ang sarap ng feeling habang hawak ko ang kamay niya. Alam ko na dapat ay mahiya ako at bitawan ko iyon dahil marami ang nakakakita sa amin ngunit hindi ko maiwasan na hindi iyon alisin lalo na at nandyan si Rio sa paligid at dumagdag pa si Kinosuki, ang bagong kilala kong classmate na iyon.

Base sa mukha niya ay interesado siya kay Althea but I do smell a bad feeling about it. I don't know why but I really tend to worry if its about her. She's the only one I love, the most precious person I must protect.Kahit na magkaiba kami ngayon ng room, sisiguraduhin ko na next time ay parehas na kami para mas malapit na ako para protektahan siya.

Kasalukuyan akong nakasakay sa aking kotse at papauwi na ng makita ko si Althea sa may fountain.

Anong ginagawa niya dun? Akala ko ba ay isasabay siya ni Haruna....bakit mag-isa siya ngayon?

(A/N: Ganito ang nakita ni Shin habang nakasakay siya sa kanyang kotse, naglalakad mag-isa si Althea,wala itong kasama kahit na si Haruna ay wala. )---------------------------------->

"Althea anong ginagawa mo dito? Di ba dapat kasabay mo ngayon si Haruna?" tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya naisipan ko na ako na lang ang maghahatid sa kanya pauwi kung kaya't kinuha ko ang bag niya.

"Di bale na nga...Halika, ihahatid na kita."

"S-salamat Shin pero pwede bang dito muna tayo kasi... " she paused.

Huh? bakit siya huminto? May problema ba...or di kaya mayroon siyang hinihintay...baka si...No way!

"kasi...gusto kong mag-wish dito sa fountain..kasama ka." sabay titig sa aking mukha.

Nabigla ako kaya pagkatapos kong kunin ang bag niya ay nahawakan ko pati kamay niya. Medyo namula din ako kasi nagulat ako sa sinabi niya... -gusto niya ako makasama.

"Ganun ba...Hmm, sige." sabi ko.

Magkahawak kami ng kamay papunta sa fountain nang biglang dumating si Rio. Inistima niya kaming dalawa at tinanong, "Are the both of you dating?"

Katulad kanina nagulat din ako ngayon kasi nandito si Rio. Sa harap naming dalawa pa ang entrance niya! Medyo nalungkot ako kasi mukhang tama ang hinala ko kanina...naghihintay nga siya para kay Rio pero kung ganun nga dapat ay hindi sinabi ni Althea na gusto niya akong makasama hindi kaya...eto na yung chance na hinihintay ko para ma-prove ko kay Althea na ako ang kanyang only knight. Tama ito na nga iyon! Hindi ko na ito papalagpasin.

Tinakpan ko muna ang bibig ni Althea para hindi siya makasagot. Maya-maya ay ako na ang kusang sumagot sa tanong ni Rio para sa aming dalawa.

"Rio, I think it's none of your business." sabay hila sa kanya papunta sa aking sasakyan.

Sorry Althea sa ngayon ay hindi ka muna makakapag-wish sa fountain kasama ako pero I'm sure that soon we will get into this place again and then you can have your wish.

Humingi siya ng sorry sa akin nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan.

"S-shin...sorry napa-away ka pa ng dahil sa akin." sabi niya.

No. Hindi ka dapat mag-sorry kasi kahit na sino pa iyon ay ipagtatanggol kita kahit saan pa tayo mapunta.

Ngumiti ako para mawala ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Huwag kang mag-alala sa akin, I can protect myself. See this..." pagkatapos ay nag-pose ako tulad ng mga body builders para matawa siya.

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now