Chapter 28: Let the Game begin Part II

74 6 1
                                    

*Grab*

Hinila ni Shin sa kamay si Althea para mailayo ito kay Kinosuki. Pagkatapos ay tumingin ito ng masama na para bang nagsasabi na huwag-mong-isali-sa-kalokohan-mo-si-Althea.

Shin Pov

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat ay hindi ko na niyaya pa na sumabay siya sa amin. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang makilala namin siya ng maayos para maayos din namin siyang makilatis subalit base na rin sa nakita kong ginawa niya kanina kay Althea...nababatid ko na may masama talaga siyang binabalak para sa aking pinakaka-iingatang babae. Hindi ko ito basta-basta na lamang palalagpasin kahit na nandito pa si Rio o si Haruna or kahit ang kapatid pa niya!

Halos nakasandal pa rin si Althea sa dibdib ni Shin ng mga sandaling iyon. Parang isang superhero ang dating ni Shin ng mga oras na iyon.- inililigtas ang taong mahal niya laban sa masama. Subalit kapansin-pansin man ang ginawa para iba, ibahin ninyo ang reaksiyon ni Rio. -__- poker face lang.

"Hoy Jellyfish ayaw mo bang umuwi?" tanong ni Rio sabay simangot pagharap kay Althea. 

"G-gusto ko..S-siyempre..U-umuwi..." sagot ni Althea habang nakatingin sa baba para maitago ang pamumula ng kanyang mga pisngi kay Shin habang lumalayo siya dito.

Bago pa man sumagot si Rio ulit ay sumabat si Yuzuki, "May LQ kayo?"

Nandilat naman ang mga mata nilang dalawa sabay tanggi sa paratang nito.

Rio and Athea: " WALA KAMING LQ NOH! ANO BANG PINAGSASABI MO DYAN!"

Nagkatinginan lamang silang dalawa ng ilang sandali dahil parehong-pareho sila ng mga salitang binitawan sabay talikod sa isa't isa. Kahit na magkahawak pa rin ng kamay sina Shin at Althea, batid ni Shin ang selos na kanyang nararamdaman dahil sa nangyari kanina sa pagitan nila Rio at Althea.

Hmmm, may gusto ba talaga si Rio kay Althea...? May pag-asa pa ba ako sa kanya...sana naman meron pa. :(

Humigpit ang pagkakahawak ni Shin sa kamay ni  Althea dahil sa pagseselos niya na siya namang nagpakilig ng husto sa dalaga. Tumingin siya at nagtanong, "Althea pwede bang sumabay muna ako sa inyo ni Haruna?"

Ngumiti ito at sumagot ng may kagalakan. "Oo naman, ikaw pa!" >____<

Habang kilig na kilig si Althea, Si Rio naman ay labis ang pagsimangot dahil sa kanyang nakikitang love development.

Rio Pov

Bakit ba ang sweet mo sa kanya Shin? Ano ba ang nakita mo at napa-ibig ka ng ganyan sa Jellyfish na yan...? Pero kahit na ganyan ang taste mo sa girl na yan mabuti ka pa nag-level up na kayo kahit ilang sandali pa lamang ang nakakaraan samantalang kaming dalawa ni Haruna...friends zone pa rin at dahil iyon sa Jellyfish na yan. Kung hindi lang kasi siya laging pa-epal sa amin siguradong naunahan pa namin ang lovelife ninyo! Kaya lang ano ang magagawa ko eh lagi na lang akong pumapalpak dahil sa kanya kaya ngayon pa lang ay magso-sorry na ako sa gagawin ko. Sisiguraduhin kong mahihirapan ang Jellyfish na iyan sa mga ipagagawa ko sa kanya habang alipin ko pa siya.

Hindi maipinta ang mukha ni Rio kaya naman lumapit si Haruna sa kanya at nagtanong, "Rio, is there something wrong?"

Sumagot siya ng mahinahon. "No...there's not. Um, tutal p-pauwi ka na...pwede naman siguro na magsabay-sabay na tayong lahat. Tapos na naman ang klase at lahat tayo ay gusto ng umuwi." sabay hinga ng malalim.

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now