Chapter 10: Group Mates ^^

114 7 1
                                    

Pagkatapos mag-lunch nila Althea at Haruna ay tumungo na sila sa kanilang respective rooms. Ang saya-saya talaga ni Althea dahil sa hindi niya makalimutan yung ginawa ni Shin dun sa cafeteria. Hindi niya na halos napansin si Mr. Engot dahil sa ganda ng mood niya kasama na rin dun yung mga salbahe niyang classmates. Kaya lang nagbago ang lahat nung dumating ang ang isang professor nila...

"Good Afternoon class. I am Naru Yori and I will be your Art teacher for today. Before we start I would like to group you into four. I already divide you so here's the list. Please arrange your seats according to your group and I would to inform you that I will grade you by group and NOT as an individual so try to cooperate with one another."

What the..heck???

Kailangan kong makipag-cooperate sa kanila??? Sana naman hindi ko ako kasali sa group ni Mr. Engot.~

Tinignan muna ni Rio then pinasa sa iba niyang classmate at maya-maya ay napunta na kay Althea yung papel.

Bago tinignan ni Althea ay nagdasal siya na sana ay nasa maayos na grupo siya at hindi kasali si Mr. Engot dun.

Lord, please lang sana ilayo nyo ako sa mga taong ayaw ko. Sana mapunta ako dun sa mga taong may mabubuting loob!!!!

*Peeks*

   ----Group 1----

Takeshima Rio

Yamamoto Yuzuki

Misaki Tomoe

Minoru Althea

A-ano ba naman yan ~ T__T Akala ko okay na.... :( pero hindi pa pala. Wa-epek yung pag-pray ko...huhuhu.      --------------------------------------------------------------------------------------------------------->

(A/N: Ganito yung itsura ni Rio nung nakita niya yung papel mula kay Mr. Yori. Kahit na ganyan ang itsura niya..Pogi pa rin db? ^___^)

Halos parang maiiyak si Althea sa nakita niya samantalang si Rio ay sobrang nakasimangot. Pareho silang bad trip sa nakita nila. Pero no choice sila, sila ang magka- group eh.

Pinigilan ni Althea na umiyak at pinanatili niya yung good vibes na nareceive niya kanina mula kay Shin. Binasa niya ulit iyong nakasulat.

*Reads*

   ----Group 1----

Takeshima Rio

Yamamoto Yuzuki

Misaki Tomoe

Minoru Althea

Hay...! talaga ngang magka-grupo kami...Hmm, sino kaya itong dalawang kasali sa group namin???

Nang mabasa na ng lahat kung ano ang group nila ay agad na silang lumipat ng mga upuan at nagsimula ng magturo si Mr. Yori. Habang nagtuturo ang kanilang guro ay kinalabit siya ng isang lalaki.

*Lingon*

"Hello~ nice to meet you Althea-chan. "*Smiles*

*Kunot - noo*

Sino ba tong lalaking ito ? teka pamilyar yung mukha niya sa akin...Hmm, AHA! Isa siya sa mga lalaking ngi-ngiti sa akin nung una akong nagpunta sa room A....Ano bang balak nito sa akin?

Huminga ng malalim si Althea sabay alis ng tingin sa kanya.

"W-wait.. Chill lang, gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo kaya kita kinakausap. Promise, No Bad Intentions...~"

Tinignang mabuti ni Althea yung lalaki tapos nagpakilala ito.

"I am Misaki Tomoe..you can call me Tomoe..~ so friends...?"

Sabay abot ng kamay sa kanya.

*Hinga ng malalim*

"Ok~ nice to meet you Tomoe."

Wala talaga siyang ganang makipag-usap ngayon kasi nga bad trip siya pero kahit na hindi niya inabot yung kamay niya ay napilitan siyang makipag-shake hands kasi kinuha nito mismo yung kamay niya.

Habang nakikipagkamay siya rito ay bigla siyang nangilabot...Nanginig sa mga tingin ng classmates niyang babae sa kanya...

*Evil glare* (from her classmates)

Ano ba naman yan wala naman akong ginagawang mali eh..bakit ang sama na naman ng tingin nila sa akin? May ginawa na naman ba akong masama??? At saka siya naman ang kumuha ng kamay ko eh...Hmp! Bahala nga sila!

"Ah! Bago ko makalimutan eto pala si Yamamoto Yuzuki. Kasama siya sa group natin. :)"

Pagkatapos magpakilala ni Tomoe ay ipinakilala naman nito ang kanyang kaibigan na si Yuzuki kay Althea. Seryoso ito at kung tumingin ay parang hinuhusgahan siya agad  mula sa tingin pa lang sa kanya.

Bakit kaya ganito ito makatingin sa akin ang lalaking ito? Grabe makatitig sa akin...daig pa niya yung mga babae sa paligid namin. Hindi  ko naman talaga kasalanan kung hawakan at kausapin ako ng kaibigan niyang iyon eh. Kung ayaw niya akong kausapin at maging kaibigan pwes hindi ko rin siya kakausapin at lalong ayoko siyang maging kaibigan (Hindi sila deserving noh! at hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin!!!) ...nakakainis naman, halos lahat ng ka-group ko mga mapanghusga at weird~ at kung hindi weird o mapanghusga, mayabang naman kagaya ni Mr. Engot! Ako lang ba matino dito? Paano yung group project ko???Buti pa si Tomoe may kaibigan dito unlike me..T_T walang friend pero enemies ang dami, kahit na judgemental pa yung kaibigan niyang iyon at least meron siyang isang kakilala na nakakasundo niya.Samantalang yung sa akin puro kaaway na lang...Kakainggit :(

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now