Chapter 4: Room A

205 21 13
                                    

Sinundan ko si Sir Ryuu papunta sa Room A at laking gulat ko ng makita ko si-si Mr. Engot sa loob!!!

"W-what are you doing here, Mr. Engot?" sabi ko nang makita ko siya.

He just laughed and said,

"Sorry to say, but this is also my room and to be correct ...my name is Takeshima Rio and not MR. ENGOT...Nakakasira sa image ko ang tawag mong yun and besides it is not suited for my character, right classmates?" sagot niya sa akin.

All of them nodded then bigla akong nakaramdam ng chill of darkness sa loob ng classroom at hindi lang yun halos lahat ng babae ay nakatingin sa akin ng mga matang kulang na lang ay patayin ako sa sindak (Sorry sila, hindi yan tatalab sa akin kumbaga wala yang effect noh! kasi nga hindi ako si Barbara!!!! ) pero ang nakakapagtaka ay may mga lalaking nakangiti sa akin dun sa loob ng classroom. Kahit pag-upo ko ay hindi man lang sila nag-blink ng mata...Ano ang mga ito nasasapian ..? Ngiti ng ngiti kahit na walang dahilan. Ang dami namang may sapi pala dito sa room na ito! Hayyy..sana sa room B na lang ako  para kahit papaano gagaan ang loob ko kasi nandun si bestfriend, Haruna at nandun pa ang fated one ko na si Shin at saka para walang masyadong pressure kasi pagpasok ko palang nakaramdam na agad ako ng aura of being MODEL STUDENT. Grabe ang bigat ng dating nun parang isang hero na may great responsibility sa kanyang nasasakupan.  

Nang mag start yung klase namin sa unang teacher, ayan na kaagad yung pressure.. Hindi siya nagsalita pero sa halip binigyan niya kami ng problems na kailangang i-solve agad...

Ang nakasulat sa white board ay:

1. 3x - [5x-2y-(x-7y)] + (3x-9)

2. 3x - 5x + 2y + x -7y + 3x - 9

3. -[-(3m + n - p) - 11p + 3m] + (-8m - 10n + 5p)

Ano to??? Problem agad..Wala ba man lang magpapaliwanag kung papaano ito sasagutan? Nami-miss ko tuloy nung nasa lower section ako kasi paliwanag muna dun bago sasagutan..Hayyy!

*BLINK*

*Inhale -Exhale*

Pumikit muna ako tapos huminga ng malalim... Magsasagot na sana ako sa papel ng bigla lumapit sa akin yung teacher namin.

"Is there something wrong Ms. Althea...?" sabi sa akin ng aming teacher.

(Ha? Ako..? Bakit ako..? Nananahimik nga ako dito para hindi ninyo ako mapansin o matawag eh.)

"W-wala po Mam..." sagot ko.

"Ok... since wala naman pala, why don't you try answering the first problem..?" sabi niya sa akin

"A-ako po ???"tanong ko sa kanya.

"Yes, you!!!" sabi niya.

*OUCH* Sakit naman nun...! Ano to bullying? o favoritism? Ayoko nga ng math o kahit ano pa mang numbers eh. Patay ako nito...Hay! No choice kundi i-try sagutin yung nasa board.

1. 3x - [5x-2y-(x-7y)] + (3x-9)

Solution:

3x -5x+2y + x + 7y + 3x-9

= 2x-5y-9

Sana tama yung sagot ko...Ayon kasi sa memory ko kailangan i-distribute yung signs kapag may parenthesis. mukha namang nai-distribute ko namang maayos eh tapos simplfy na lang yung variables....kaya ganyan yung sagot....

Ngumiti sa akin yung teacher tapos pumalakpak siya at sabay sabi rin niya na,"Very good, Ms. Althea... that answer is correct as I expected you are reliable. Class continue answering those problems...ok? I presume that there is no need for further explanations right?"

All of us nodded.

o__O

"Ano yun..?Napilitan lang naman akong tumungo kasi ginawa nilang lahat iyon eh..Ayos lang sa kanila kahit na walang paliwanag....Kaya siguro ako tinawag ng teacher namin kasi gusto niyang alamin kung alam ko kung paano sagutin iyon." In short , inaalam niya kung kaya ko ba i-solve ang complex variables na yun at kung makakasabay ba ako sa mga kapwa ko classmate...?Hmmm....kung ganun nga, napaka- bait niya pero kung hindi...e di napaka-sadist niya kasi unang araw pa lang magpapahiya na kaagad siya ng isang estudyante, Ay...mali --magpapahiya siya ng isang future role model student from Room A...A-aano ba tong pressure na to!!! Nakakainis na nakaka-challenge at the same time!

Aaaaarrrrgggh... Hindi ako magpapatalo kung ganun kababa ang tingin nila sa akin!!!!

*Scribble* *Scribble* *Scribble*

.......

*Next Lesson*

*Scribble* *Scribble* *Scribble*

.......

*Next Lesson*

*Scribble* *Scribble* *Scribble*

.......

*Next Lesson*

*Scribble* *Scribble* *Scribble*

.......

*Last Lesson*

 *Scribble* *Scribble* *Scribble*

 .......

 ......

.....

Hayyyss... sa wakas last teacher na ng morning class at ang susunod na ay REFILING OF ENERGY----->meaning Break time na!!!! Krrrgg!!! Hindi na ako makapaghintay.. >__________<

Dahil maaga naming natapos yung lesson para sa araw na ito, syempre maaga rin kaming mag-break time! Okay na sana ang lahat kaya lang hindi kami makakalabas ng room agad-agad eh.. Kasi " BAWAL " !!! Di pa daw break time...kaya eto ako ngayon...Feeling outcast sa kanilang lahat at ang pinakamasama pa ay may naririnig akong mga gossips na walang kawenta-kwenta...Hindi kasi nila nagawang mag-tsismisan kanina kaya ngayon sila bumabawi...

Girl1: Sino ba siya sa akala niya para bigyan ng ganun kapangit na nickname si Rio-sama?

Girl2: Tama ka dyan, girl!

Girl3: I agree..

Boy1: Hayyy, ang pangit naman ng babaeng nalipat sa atin.

Boy2: Hwag mo na lang pansin, pare..hindi naman kagandahan eh..ang yabang-yabang pa!

Boy3: Hmp! maswerte siya kasi nasagutan niya yung tanong na yun.

Boy4: Swerte...??? hahaha..Simpleng tanong lang naman yun eh..

All of them agree...(Yeah!)

Tumigil silang lahat ng magsalita si Mr. Engot a.k.a. Rio...

Ano ba yan ang ingay naman dito...! Ganun nyo ba siya kagusto ha...para gawin ninyo siyang topic...?hindi naman siya maganda at saka may pagka-engot pa. Kung ako sa inyo, pag-iisipan ko muna ang mga pinagsasabi ko kasi alam nyo na ---- iba tayo sa kanila pero parang hindi ata...o  mali ba ako..?

~SILENCE~

O___O

"Wow...tumahimik ata...!!!Hahahaha..buti nga sa inyo kung anu-ano kasi ang mga pinagsasabi ninyo eh pero ang galing ahhh..parang...ay hindi parang! Talagang napahiya silang lahat sa sinabi ni Mr. Engot kahit na puro pangit ang description niya sa akin at least totoo naman lahat, wait, Anu daw???"

Jellyfish Confession (On-going)Where stories live. Discover now