Prologue

313K 4.6K 71
                                    


Prologue

I woke up in a hospital.

Nang magmulat ako ng mga mata ay sinalubong agad ako ng nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana na katapat ng hospital bed.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero kumikirot lahat ng parte nito. Gusto kong maiyak sa sakit na nararamdaman ko. Everything throbbed. My head, my body, my chest, everything. Iniisip ko kung bakit parang sinalo ko na yata lahat ng kamalasan sa mundo.

Maya-maya ay bumukas ang pinto. Inasahan kong nurse ang papasok, pero hindi ko makumpirma dahil hindi ko maigalaw ang leeg ko. My face was covered in thick bandages, or gauzes. Hindi ko alam kung anong tawag doon.

"Sam..." Nagtubig ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Napasinghot ako nang magtama ang paningin naming dalawa. She was crying, obviously from relief. And maybe pity, too.

"Sam, mabuti naman gising ka na. You were in coma for two weeks!" Palahaw niya.

Napapikit akong muli dahil sa pagkirot ng ulo ko. The pain was sharp and intense.

"Nabundol ako ng kotse..." Saad ko nang biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga pangyayari. I was hit by a car while I was crossing the street. It only took a millisecond for the terror to register on the pit of my stomach as the realization hit me hard that moment. I was going to die. I thought I was going to die, rather.

"Hit and run," saad ng kaibigan ko. Parang gumuho ang mundo ko nang sabihin niya 'yon. Hit and run? Nakaramdam agad ako ng pangamba.

Saan ako kukuha ng pambayad dito sa ospital? Ng pambili ng gamot? Dahil dito sa kundisyon ko ay hindi naman agad ako makakapagtrabaho. Hindi sapat ang ipon ko. Mag-isa na lang ako, paano na?

"Jen, anong gagawin ko?" Nagsimula ng magsipatakan ang luha sa mga mata ko. Mabilis ngunit dahan-dahan niya itong pinunasan.

"Tutulungan naman kita, e. At si boss, siya ang nagbayad nitong pang-ospital mo. Wala ka ng poproblemahin. At saka, magkasama naman tayo ng tinutuluyan. Hindi naman kita pababayaan. Magkaibigan tayo, 'di ba?"

Lalo lang bumuhos ang mga luha ko. Si Mr. Alfonso ang boss namin sa pinagtatrabahuhan kong hotel dito sa Ilocos. Mabait siya at matulungin sa mga empleyado niya. Lubos-lubos ang pasasalamat ko sa kanya sa pagtanggap niya sa akin sa hotel kahit sa mababang posisyon lang. Tapos ngayon ay tinulungan niya naman ako sa gastusin. He has a golden heart, indeed.

"Sam, may kailangan kang malaman..." Nanginginig ang mga balikat na untag niya sa akin. Sinalakay ng matinding kaba ang puso ko. Sa tono pa lang niya ay nahimigan ko ng hindi maganda ang gusto niyang ibalita.

"A-ano?" My heart was pounding. It was like in the movies, it was the fear before the grand revelation. And then the disbelief after the deafening silence.

"Mas mabuti sigurong doktor na ang magsabi sayo. Papunta na sila rito." She bit her lip in suspense.

"Sabihin mo na sa akin! Ano iyon, Jen?!" Halos magbuhol buhol na ang bituka ko sa kaba. Pero iniwas niya lang ang tingin niya.

"I'm sorry, Sam. I'm so sorry." She cried and gave me a tight hug, bracing me for the impending doom that was about to split my life in two.

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin