28

96.8K 1.9K 203
                                    


Chapter Twenty Eight

William

            "Are you okay, Celine?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot.

            Nanatili siyang nakatingin sa palad niya na parang may inaalala. Agad akong kinabahan. Hindi pa dumadating ang mga gamot na binili ko. Natatakot ako na baka bigla na lamang bumalik ang memorya niya at iwan ako dahil sa mga kasinungalingang pinagtagni-tagni ko. I'm in this too deep to let her go.

            "Celine?" Muli kong tawag. Kagabi ko pa siya hindi makausap ng maayos. Simula nang dumating ako sa trabaho ay nanatili siyang tahimik.

            "Naranasan mo na bang lumuhod sa munggo, Will?" mahinang tanong niya sa akin. Nagtaka ako sa biglaan niyang tanong.

            "No. What's with the random question, babe?" I inquired back. "Bakit naman ako luluhod sa munggo?" I looked at her only to see the puzzled expression on her face. Umiling siya bago ako binigyan ng maliit na ngiti.

            "Nanaginip ka na naman ba?"

            "Oo. May lalaki raw na nakaluhod sa isang bilaong munggo na kumakain ng sili." She creased her forehead. "Tapos nanlabo na lahat at nagising na ako."

            "It's a scene from a movie, Celine. Pinanood na natin 'yan dati. Hindi ko naman maintindihan sa'yo kung bakit makakaalala ka na nga lang ay yung parte pa ng pelikula. Para bang ayaw mo akong maalala." Nilagyan ko ng kaunting tampo ang boses ko.

            Naalarma siya at umiling agad. "Gusto kong maalala ka, William. Gustong gusto ko. Kung papipiliin nga ako kung ano ang unang alaala na gusto kong bumalik sa akin ay ikaw ang sasabihin ko."

            "Talaga? Binobola mo lang yata ako, e."

            "Hindi, a! The memories I made with you are the ones that matter to me the most."

            Nakaramdam ako ng paghaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. She wants to remember me. She is slowly learning to love me and I can feel that. Deep inside, I know she feels for me.

            "I love you, Celine." Hinila ko siya patungo sa akin at niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik. Mahigpit.

            "Kain na tayo, Will," she said with a smile. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Wala siyang naaalala, wala siyang naaalala, wala siyang naaalala. I kept on repeating those words in my mind to push the fear away. Wala siyang naaalala tungkol sa kanya. Huminga ako ng malalim bago ginantihan ang ngiting iginawad niya sa akin.

            Tinawag namin si Aling Nenita at sabay-sabay kaming kumain.

            "Pwede ba akong sumama kay Aling Nenita sa palengke mamaya?" pukaw niya sa akin.

            "Oo nga, William. Kanina pa nangungulit ang asawa mo sa akin na isama ko raw siya. Namimiss na niya agad ang lumabas," gatong ni Aling Nenita. Nang tignan ko si Celine ay nakita kong nagsusumamo ang mga mata niya.

            "Sige na, wala kasi akong magawa dito e, mamaya iiwan mo na naman ako dahil pupunta ka sa bayan para magtrabaho. Palagi na lang akong nakatulala sa kawalan. Natapos ko na ring basahin 'yung mga librong binili mo no'ng isang linggo."

            "Celine, baka mapahamak ka lang kapag lumabas ka, 'di ba, sabi ko—"

            "Mag-iingat naman ako at kasama ko si Aling Nenita. Sige na, gusto ko lang lumabas talaga. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako rito sa bahay." Her eyes were sad as they bore on me. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko siya kayang tiisin.

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now