29

93.2K 2.2K 369
                                    


Chapter Twenty Nine

Celine

            I was running and praying at the same time. Masakit pa rin ang ulo ko at naguguluhan pa rin ako pero isang bagay ang malinaw sa akin.

            Niloko ako ni William.

            Ni hindi ko nga alam kung 'yun talaga ang tunay niyang pangalan.

            Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ni Aling Nenita. Kahit hingal na hingal ay binilisan ko ang pagtakbo ko. Baka may humahabol sa akin. Baka hinahanap ako ng ubod ng samang William na iyon! Pinagkatiwalaan ko siya pero pinagsamantalahan niya lang ako! Nakakita ako ng isang eskinita at mabilis ko iyong pinasok.  I reached a dead end. Malayo na ako sa ospital, siguro ay wala ng makakasunod sa akin dito.

            Nagtago ako sa likod ng malaking basurahan at doon ko hinayang bumuhos ng todo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

            My tears wouldn't stop falling and I continued wiping them. Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng pader at doon umiyak ng umiyak. Binuksan ko ang telepono ni Aling Nenita at nagdasal na sana ay iyon pa rin ang numerong gamit ng nag-iisang lalaking mahal ko.

            Lalo lang bumaha ang luha sa mga mata ko nang maisip ko siya.

            Matatanggap niya pa kaya ako?

            Kamusta na kaya siya? Hinanap niya pa rin ba ako?

            Ako 'yung babaeng nasa telebisyon dati... ako si Sam.

            Those dreams, those nightmares, were real. Halos mapatid ang hininga ko dahil sa labis na paghagulgol. Parang sasabog ang puso at utak ko dahil sa napakaraming impormasyon na bumabaha rito ngayon.

            Nanginginig ang mga daliring nagtipa ako sa cellphone. I first sent him a text message kung nasaan ako. Ibinigay ko ang lokasyon ng ospital at nanalangin na ito pa rin ang gamit niyang numero. Matapos 'yon ay tinawagan ko siya nang makitang paubos na ang baterya nito.

            "Please answer, please..." I cried as it rang. I was relieved.

            It rang continuously and I was praying so hard for him to pick up.

            Pinatayan niya ako ng tawag. Iyak lang ako ng iyak bago siya tinawgan uli. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay binabaan niya ako. I tried again. I'm not giving up.

            "Please! Answer it!" Napalakas ang iyak ko. Napapasigok na ako habang yakap ang sarili ko. Para akong napigtalan ng ugat at hininga ng marinig ko ang boses niya. Malamig ito at walang emosyon, pero alam kong siya ito. Ito ang boses na nakapagpalundo sa puso ko ng paulit-ulit. Hindi ako agad nakasagot dahil parang nawalan ako ng boses.

            Bumalik sa akin ang mga alaala naming dalawa. Naalala ko kung paano niya ako niligawan noong nasa kolehiyo kami, kung paano niya ako sinorpresa noong unang taon namin, kung paano kami naghiwalay sa unang pagkakataon.

            Naalala ko lahat -- mula sa mga ngiti at ngiwi niya pati ang mga paborito niyang bagay, pagkain, at kung ano-ano pa.

            I remember everything...

            "Ano ba? Sino ba 'to?"  he shouted. "This better be good."

            And I sobbed as I called his name.

            "Zade..." May bumibikig sa lalamunan ko pero nagsalita pa rin ako. "Zade ako ito, ako 'to... si Sam. Ako 'to, 'yung fiancee mo."

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon