32

122K 2.7K 286
                                    


Chapter Thirty Two

Maria Samantha

            How do you pull your shits together when they are suffocating you?

            My face contorted in pain as I watched Zade turn his back on me. Napasapo ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Bakit ganito? Bakit kahit ineexpect ko na ay sobra pa rin ang kirot na nararamdaman ko? Bakit para akong sinasakal? Bakit parang kinakapos ako ng hininga?

            Ibinagsak niya pasara ang pinto at napaluha na lang ako habang binabalot ng kumot ang sarili ko para habulin siya. I caught him halfway to the elevator and he looked horrified when he saw me wrapped only in the hotel blanket.

            "Sam, what the hell?"

            I cringed.

            "Zade, sorry. Hindi ko—"

            "Please just go inside!"

            "Pero -" Agad niya akong binuhat at ipinasok muli sa kwarto. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil natatakot ako sa mga susunod pa niyang mga reaksyon.

            "What were you thinking? What the actual fuck were you thinking, Maria Samantha? Bakit ka lumabas ng nakatapi lang ng kumot? Paano kapag may nakakakita sa'yo at pagsamantalahan ka pa?" Kulang na lang ay pumutok ang mga ugat niya sa leeg sa sobrang pagsigaw niya. Pulang pula siya sa galit.

"I'm sorry."

            "Please stop saying sorry!" Lalong tumaas ang boses niya at kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata niya. Marahas niyang pinunasan ang mga luhang nagbabadya sa mga ito at para akong pinupunit habang nakatingin sa ekspresyon niya.

            "Sam, bakit? B-bakit?" His voice cracked as he asked me repeatedly. "Bakit ka pumayag? Bakit... Bakit hinayaan mo?"

            He should've just stabbed me with a knife, because that would be easier than seeing him like this, than hearing him become more unreasonable every passing minute.

            Umiling ako. "Hindi ko ginusto, maniwala ka sana sa akin. Hindi ko ginusto, kung alam ko lang... Kung alam ko lang na nagsisinungaling siya sa akin, hindi sana ako pumayag."

            Inihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya. "Didn't you feel anything? Gut feel, gano'n? Instincts? Wala ka man lang bang naramdamang mali sa sitwasyon ha? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo ang isang pakiramdam? A faint feeling about me? A faint memory? Wala man lang bang kahit na ano, Sam? Ha?"

            Napalunok ako. His eyes were pleading. I know somewhere deep inside him, he was still waiting for me to take back my confession. Pero hindi ko gagawin. Dahil iyon ang totoo, at kailangan niyang malaman iyon.

            "Wala, Zade. W-wala..." Sagot ko.

            Napasabunot siya sa buhok niya at napaatras ako nang biglaan siyang magtaas ng boses. "Bullshit! There has to be something! Anything! Hindi puwedeng wala kang biglaang naalala bago niyo gawin! Iyong pakiramdam na may mali! Na hindi dapat 'yon mangyari! Dapat may naramdaman kang gano'n!"

            "Wala! Wala nga, Zade!" I exploded. Basang-basa na ang mukha ko dahil sa likidong umaagos mula sa mga mata ko pero hindi ito ang prayoridad ko ngayon. "I had amnesia, what do you expect? Hindi kita maalala! Wala akong ibang maalala! Hindi ko kilala ultimo ang sarili ko! How would I know  who to trust and which feelings to listen to? How would I know if my gut feels were correct? I was manipulated to, I was lied on!"

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now