7

146K 3.1K 602
                                    


Chapter Seven

            "Sam? Bakit nakatumba ang saklay mo dito sa sala?"

            Napamulat ako bigla ng mga mata. Biglang nawala ang antok at kalasingan sa akin nang marinig ko ang boses ng isang babae na kumakatok sa kwarto ni Sam. Mabilis kong pinindot ang lock ng pinto bago ko marahang niyugyog ang balikat ni Sam.

            "Sam, okay ka lang ba r'yan? Bakit ka nag lock? Nag-aalala ako, bruha ka! Buksan mo nga ito!" The lady knocked frantically and thankfully, Sam shifted and finally opened her eyes. Nang marinig niya ang boses ay nanlaki ang mga mata niya. We were still both naked under the sheets. She quickly pushed me and I landed butt-first on the floor. Sinamaan ko siya ng tingin, buti na lamang ay napigilan kong mapasigaw.

            "Ano bang nangyayari, Maria Samantha? Papasukin mo nga ako!" The voice sounded mildly annoyed.

            "Jen, okay lang ako." Sam glanced at me. "Under the bed. Now."

            Wala akong nagawa. Kahit nakahubad ay dumapa ako para magkasya sa ilalim ng kama niya. Initsa niya pailalim ang mga damit ko. I cursed inwardly. Tumatagaktak na agad ang pawis ko rito sa ilalim. Ang sikip pa dahil may katabi akong isang box.

            "Pinag-aalala mo ako."

            "Jen, wait!" Malamang ay nagbibihis na siya.

            Nakita ko ang paglaylay ng mga paa ni Sam sa kama. She was sitting above the bed when she reached for the doorknob to open it. Bumukas ang pinto at nakita ko ang isa pang pares ng mga paa. Dahan-dahan kong pinunasan ang pawis ko na ayaw paawat sa pagtulo.

            "Ang saklay mo naabutan kong nakatumba sa sahig." The lady, who she referred to as Jen, said in a hard tone. "Tapos ang tagal mo pang sumagot. Akala ko tuloy kung ano na ang nangyari sa'yo. Nakakaloka."

            "Pasensya na. Okay naman ako kaya 'di ka na dapat pang mag-alala. Salamat at kinuha mo ang saklay ko... Naiwan ko kasi sa sala kagabi habang nanonood ng TV."

            Napangiwi ako sa pagdadahilan niya.

            "Ay, gano'n? Paano ka pala nakapasok sa kuwarto mo? Tinalon-talon mo?" I sensed her sarcasm and slight annoyance.

            "Jen... Um..."

            "Bakit ang gulo-gulo ng buhok mo? Tsaka kaninong kotse yung nakapark sa labas? Bakit sobrang baba ng kobrekama mo? Bakit baliktad ang suot mo ng t-shirt? Hindi naman 'yan ganyan kagabi."

            Damn it. There's no denying it now.

            Basa na talaga ng pawis ang buo kong katawan. Ngayon alam ko na ang naramdaman ni Dad nang magtago siya sa ilalim ng kama ni Mom para hindi mahuli ni Manang noon.

            "Umamin ka nga sa akin, Sam. May itinatago ka bang lalaki rito, ha?"

            Napalunok ako. Hindi ko man nakikita ngayon ang reaksyon ni Sam ay alam kong nanlalaki ang mga mata niya at namumula siya sa sobrang hiya.

            "Hoy!" agap niya sa kaibigan. "Wala kaya! Baka nagkamali lang ng park 'yung kung sino mang may-ari ng sasakyan sa labas."

            "Talaga? Maniniwala ako pero patingin muna sa ilalim ng kama mo."

            Bigla akong kinabahan. I'm not even wearing anything!

            "Hindi puwede. Jen naman! Okay lang ako, promise. Akin na nga 'yang saklay ko."

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now