19

136K 3K 300
                                    


Chapter Nineteen

            "I still can't believe that I have two baby girls now." Kuya Vane was cradling his sleeping daughter in his arms affectionately.

            He sat next to Ate Xiana on the stone bench across while Zade and I sat on the swing looking at both of them.

            "Two years old na si Versace pero ganyan pa rin ang sinasabi mo." Nakangiting sabi ni Ate Xiana habang hinahaplos ang matambok at namumulang pisngi ng anak. They looked cute while they stared at their daughter lovingly.

            Umakbay sa akin si Zade. "Someday, I will say those words to you as I look at Aramis," bulong niya sa tainga ko. Napangiti ako at pinatabi siya sa akin. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Nang magising ako kaninang umaga ay nagulat ako nang makitang may tray na ng pagkain sa bedside table. All my favorites were there: tuyo, sinangag, itlog at mainit na kape. That was one of the best mornings in my life.

            "Natatakot ako magpatherapy ulit bukas," sagot ko dahil naalalang babalik na pala kami kinabukasan.

            "'Di ba, sabi ko naman sa'yo, sa tabi mo lang ako. Hawakan mo lang ang kamay ko kapag masakit na masakit tapos sakin ka lang tumingin. Kung gusto mo i-recite ko pa sa'yo ng paulit-ulit 'yung Annabel Lee ay gagawin ko kung makakatulong 'yun na ilihis ang atensyon mo," madamdamin niyang sagot na nagpapasikdo ng puso ko.

            "Basta ipangako mo sa akin na kahit anong kahinatnan ng therapy, hindi mo ako iiwan," nangangambang sambit ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ikinulong iyon sa dalawang kamay niya.

            "I won't leave you. Aabot pa nga tayong dalawa ng seventy five 'di ba?" There was teasing in his tone and I finally smiled before nodding. Napadako ang tingin ko sa dimples niya at hindi ko mapigilan na sundutin ito. Inabot niya ang kamay ko bago nagkunot ng noo.

            "What exactly are you doing, babe?"

            "Poking your dimple."

            "Alden Richards got his charm from me."

            "Who?" tanong kong nakakunot ang noo.

            "Oh my gosh, Sam, do you not know him? Dati 'yung nanligaw kay Ate Xiana kaso binasted niya kasi hindi pa siya ready sa commitment." Biglang sumulpot si Daze sa hardin at tinabihan kami ni Zade.

            "Nanligaw sa'yo si Alden?" Nakakunot ang noo ni Kuya Vane.

            "Huwag kang masyadong maniwala kay Daze," payo ni Ate.

            "Kidding!" Daze grinned. "By the way, Kuya Z and Kuya VJ, Ian and Kuya Xander are looking for the both of you. I was asking why, but they are secretive."

            "Brat," Vane murmured. "Sinabi ko na sa'yong Vane lang. Hindi VJ. Ang pangit pakinggan parang... ah, basta. Ibabalik kita sa Amerika r'yan, e."

            "Vane... Akala ko ba ay hahabaan mo na ang pasensya mo kay Daze?" she asked in a soft voice. Kahit ang boses niya ay maganda at pang-anghel.

            "Asheng, hindi 'yon gano'n kadali. Alam mo naman kung gaano kapasmado ang bibig n'yang kapatid mo. Hindi ko nga alam kung paano 'yan natitiis ni Ian. Santo yata ang lalaking 'yon, o martir!"

            "Ganyan lang talaga sila kapag nagkikita. 'Wag mo na lang pansinin. Believe me, that happens a lot kaya hindi na ako nagugulat." Zade gave me a smile.

            "Bakit kayo hinahanap nina Kuya at Ian? May pupuntahan ba kayo?" I questioned.

            "Yes," he answered, but did not divulge any more information.

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now