24

108K 2K 522
                                    


Chapter Twenty Four

"Best ever!"

            "You always say that," natatawang sagot ko habang ibinubutones pabalik ang damit. Ginawaran niya ako ng isang masuyong tingin bago ibinagsak ang sarili sa kama.

            "Totoo naman. I never lie to you."

            "I know, William."

            William can be so possessive sometimes. Minsan ay nasasakal ako, pero hinahayaan ko na lang dahil asawa ko siya at alam kong gusto niya lang akong mapabuti. He was very patient with me and he never left my side. Kaya kahit hindi ko pa siya mahal ngayon ay alam kong darating din ako doon. Hinihintay ko na lang talaga ang mga memorya ko. So, I can love him with the whole of me.  With every secret, every detail and every fiber of my being.

            "I'm so sleepy." I yawned and stretched. Nanlalagkit ako. Gusto kong maligo agad pero pagod ang buo kong katawan ko kaya napagdesisyunan kong ipagpabukas na lang ito. "Goodnight, William."

            Sinakop niya ang labi ko at gumati ako ng halik.

            "Goodnight, babe. Every night I keep on wishing for you to have your memories back. I want you to remember me," he mumbled before caressing my shoulders. Hindi na ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

            ***

           

            "Rise and shine. I prepared breakfast!" masayang sabi ni William bago niya pinindot-pindot ang braso ko. Umungol ako bago nagtakip ng unan sa mukha pero inagaw niya ito.

            "William, I'm tired," inaantok kong wika bago muling pumikit. Nainis ako nang hilain niya pati ang kumot ko. Hinaklit ko ito pabalik at ibinalot sa sarili ko.

            "Get up. Lalamig ang pagkain."

            "But... I want to sleep some more. Napuyat ako kagabi sa'yo."

            "Come on..."

            Sinimangutan ko siya bago ako pumasok sa banyo pero tinawanan niya lang ako.

            Nang lumabas ako ay bagong ligo na ako. I was already wearing clothes and I was done with my morning routine. Humarap ako sa tokador sa loob ng kuwarto namin at kahit sanay na ako sa nakikita ko ay hindi ko pa rin mapigilang mapabutonghininga nang titigan ko ang mahabang hiwa ng kutsilyo sa gilid ng mukha ko.

            The scar ran from my left cheekbone to my jawline.

            It was horrifying to look at.

            I ran my finger on it and I felt fear immediately overcoming my system.

            Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot pero sa tuwing hahawakan ko ito ay gano'n ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may gustong manakit sa akin, pakiramdam ko ay hindi ako ligtas. Sa tuwing sasabihin ko naman ito kay William ay yayakapin niya lang ako at bubulungan na kahit kailan ay hindi niya ako iiwan kaya napapanatag rin naman kahit papaano ang loob ko.

            "Kanina pa kita hinihintay sa kusina." Sumilip ang asawa ko sa kuwarto at nahuli niya akong dinadama ang peklat ko.

            "You're doing it again."

            Ibinaba ko ang kamay ko at pilit na ngumiti. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "I can't help it, Will. Ang pangit ko na dahil sa peklat na ito."

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now