Chapter: Two

11.9K 247 9
                                    

"Halika na Cj, sumabay ka na samin ni Kuya Kristoff mo, nandiyan na siya sa labas oh!"Lintaya ng ate Lei niya tyaka tinuro ang pintuan kung saan nakapwesto si Kuya Kristoff niya.

"Sige po Ate Lei, pero idadaan ko muna 'to sa faculty" Pagpayag niya saka itinaas ang mga gamit ng teacher na pinadadala sa kanya.

"Okay. Gusto mo samahan kana namin?" Nangangambang alok nito sa kaniya, baka kasi makita na naman siya ng grupo nila Kristine, eh insecure na insecure pa naman ang grupong iyon kay Cj.

"Hindi na Ate Lei, kaya ko naman na po 'to saka susunod nalang ako, pabili nalang ako ng pagkain Ate." She said and chuckled

"Sigurado ka ba talaga na okay lang na wala kang kasama?" Punong puno pa rin na may pangamba na lintaya ng Ate Lei niya.

"Oo naman Ate, matagal na po ako dito, hindi na ako maliligaw katulang ng dati kaya sige na po Ate Lei and Kuya Kristoff pakihintay niyo nalang po ako sa kubo, babalik din po ako ka agad." Paalam niya sa mga ito saka tinalikuran at tinahak ang daan papuntang faculty.

"CJ, MAG-IINGAT KA OKAY?!" Pahabol na sigaw ng ate Lei niya. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang labis na pag-aalala nito sa kaniya.

Habang naglalakad siya papuntang faculty, agad na may humila ng buhok niya, nagulat siya dahil hindi niya naman inaasahan iyong ganung pangyayari.

"B-bakit? N-nasasaktan ako bitawan niyo ako." Natatakot na tanong niya sa mga ito, she wasn't even surprised when she saw Kristine holding her hair.

"Tinatanong mo pa talaga kung bakit? HA-HA-HA! nakakatawa ka nga naman! Pasikat ka din e ano?" Galit na sambit ni Kristine dito saka mas lalong hinigpitan ang pagsabunot sa buhok niya.

"Y-yung buhok ko, m-masakit" Naiiyak na lintaya niya dito, nagtawanan naman ang mga kasamahan nito.

"Masakit? dapat lang sayo yan masyado ka na kasing pabida e."

"W-wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah!" Sagot niya pabalik dito. Hinawakan siya sa kamay ng dalawang babae, bale kaharap niya ngayon si Kristine at Bea.

"Wala kang ginagawang masama? Talaga lang huh?" Hinila ulet niyo ang buhok niya, this time napaluha na siya, para kase siyang mapapaknot sa pagkakahila nito.

"Wala naman talaga eh!" Napapahikbing sagot niya ulet.

"Wala? Dahil sayo nagbreak kami ng boyfriend ko!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya, bumakat ang kamay nito sa mukha ni Cj, dahil maputi ito halatang halata, dahil namumula na ito at medyo namamaga na, dahil sa sobrang lakas ng infact ng pagkakasampal sa kaniya.

"Hindi ko naman alam iyon!" Mahinang tugon niya, habang umiiyak.

"Hindi mo alam? Haha! Epal ka kase eh, epal ka sa buhay namin" Sigaw niya tyaka siya pinagsasabunutan. Wala siyang nagawa, pinagtutulungan na siya, Nakakahakot nadin sila ng atensyon.

Hanggang sa dumating si Lei, nakita niya ang ginawa ng mga ito sa kaibigan niya,

"STOP!" Maowtridad na utos niya sa apat, nagulat naman ang mga ito. At akmang tatakbo ng sumigaw siya, "Harangan niyo!" Malamig na wika niya. Agad naman na nahawakan ng mga ang apat.

"Why did you do that to her?" Malamig na tanong niya sa mga ito, ayaw niyang nasasaktan at nakikita itong nahihirapan dahil, itinuring na rin niya itong parang isang kapatid.

"Nothing! We just bored, R-right girls?" Nagmamatapang na sagot niya.

"Y-yeah" Pagsang ayon naman ng tatlo sa kaniya.

"Kristine, napagsabihan na kita. Alam kong alam niyo yang apat! Winarningan ko na kayo diba? Sinabi ko na sa inyo, PERO PAULIT ULIT NIYO PARING GINAGAWA!" Malakas na sigaw niya, Lahat natatakot sa tono ng boses siya, Kilalang kilala nila si lei, at kung paano ito magalit, tanging si CJ na lang ata ang hindi nakakaalam na isang gangster leader si Lei.

Kababae niyang tao pero naging basagulera siya, natutong uminom ng alak, nakipaglaban.

FLASHBACK:

"Ganyan kana ba talaga huh? Lei?" Sigaw sa kaniya ng daddy niya.

"Tsk. What do you think?" Sagot niya dito, Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

"Hindi kana ba talaga magbabago? PINALAKI KITA NG MAAYOS LEI! UMAYOS KA NAMAN!" Singhal nito sa kaniya.

"UMAYOS? SIGE NGA DAD, SABIHIN MO SAKEN KUNG PANO KO MAGIGING MAAYOS? KUNG YUNG PAMILYA NATIN HINDI MAAYOS AT KUNG SARILI MO HINDI RIN MAAYOS!" Balik na sigaw niya dito.

"What do you mean?"

"Ngayon magmamaang maangan kapa? Nakakatawa ka naman Dad! Haha, Grabe! Gusto mo bang sabihin ko sa kanila na may ka---"

"Shut up! Don't you dare! Lumayas kana! Wala akong anak na katulad mong basagulera! Wag na wag ka ng babalik dito, at kalimutan mo nadin na may daddy ka, dahil mag mula ngayon, apilyedo nalang ang hihiramin mo saken!"

"Then fine! Gusto mong umalis ako? Pinapalayas moko! Then i'll go! Wala rin akong ama na katulad mo! Kalalaki mong tao ang landi landi mo. I HATE YOUUUUUU!" Sigaw niya tyaka umakyat sa taas, sa kwarto niya para iempake ang mga damit niya.

"Baby, what's going on? Anong nangyayari? Bakit ka aalis?"

"Mom, I can't tell! But i promised, babalik po ako, babalikan kita." Naluluhang sambit niya sa mommy niya.

"B-baby." Hindi niya magawang tumingin sa mga mata ng mommy niya, mas lalo lang siyang masasaktan.

"Im sorry mom!" Aniya niya, tyaka lumabas dala ang mga maleta niya.

"I'll be back soon! Wait for me mom!" Kasabay ng pagpatak ng luha niya ang pagpatak ng malakas na ulan.

END OF FLASHBACK:

"Wag na wag niyo na ulet siyang ibubully. Tandaan niyo yan, Isa pa Kristine, Last warning nalang to, RUN BEFORE I'LL DO SOMETHING BAD!" Agad namang binitawan ng mga may hawak sa mga ito at, nagmadaling tumakbo ang apat palayo.

~
A/N: Wala akong pasok. So :) Pwedeng maghapon ako mag-update. Wala naman akong gagawin eh. :3 hihi. Okay! Happy reading. :*

The Long Lost Heirsess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon