CHAPTER: 14

8.1K 188 3
                                    



"Ate, for the ninth time, Ilang beses ko na bang sinabi sayo to? hinding hindi ako nagsasawang sabihin sa inyo to ni kuya kristoff ate lei, thankyou. thankyou for everything"

"Cj, hindi pa tayo dito nagtatapos. You don't have to say those words, hindi pa  ito ang huli CJ madami pa ang pwede at posibleng mangyari." Wika niya, nakaupo silang  lahat sa waiting shed, hinihintay nila yung van na susundo sa kanila.

"Tama na nga kayong dalawa, puro hugot kayo eh!" Awat ni kristoff sa kanila.

"Pero ate? naisip ko lang,  pano pag andun na kami? tayo? san kami titira ni aj?" Tanong niya.

"Sa bahay namin, nasabi ko naman na kay mommy na isasama ko kayong dalawa eh." Nagtataka niyang binalingan ito ng tingin.

"Kami? kilala po kami ng mommy mo?" Tanong niya ulit dito.

"Hindi. I mean, ang sabi ko kay mommy is, may kasama akong dalawang kaibigan, so? tinanong ko kung pwede kayong tumira dun."

"Ano pong sabi niya?"

"Yup! Pwedeng pwede. pero beware, may leon dun. Kung asan ako dun lang din kayo!" Makikita mong may galit sa mga nito, habang sinasabi niya ang mga salitang yun.

"Hindi mo parin ba siya napapatawad?" Singit ni kristoff sa kanila.

"Tawad? Haha! Don't get me wrong, ni hindi nga siya nagsosorry eh, for the 4 years past. Hinanap niya ba ako? Gumawa ba siya ng paraan para umuwi ako? No! bakit ko siya patatawarin?"

"Lei, ikaw na rin ang nagsabi hindi ba? tinuruan mo pa niyan sila CJ, na dapat tayong mga tao, nagpapatawad sa kapwa, Daddy mo yun lei."

"Hindi ko alam kristoff. hindi ko alam! ang hirap lang kase eh."

"Learn to accept, and learn to forget and forgive." Tumango na lang siya dito, kahit sa loob-loob niya'y labag talaga iyon, Wala namang magagawa si kristoff kapag si lei na ang gumawa ng desisyon, hindi na iyon mapipigilan sa gusto.

"Halika na, Andito na yung van." Pag-aaya sa kaniya ni Kristoff.

Bumaba ang mommy niya para salubungin at yakapin siya, hindi na siya nagdalawang isip na yakapin ito pabalik, dahil kusang nga kamay niya na ang gumawa nito.

"I miss you anak, kamusta kana? ang laki laki mo na."

"Im okay mom! kayo po kamusta na?" tanong rin niya, bago kumalas sa yakap ng mommy niya, miss na miss niya na rin ito, Nakikita ni CJ kung gano kasaya kapag may nanay kapa, tumalikod nalang siya. Namimiss niya ang nanay niya.

"Im fine too. by the way asan na yung mga kaibigan mo anak? Napa-renovate ko na yung closet mo, dun ang magiging kwarto nila." Masayang wika ng mommy niya, miss na miss niya na din talaga ang anak niya.

"AJ - CJ , Harap kayo, gusto kayong makilala ni mommy." Nakatalikod sila pareho, natawa naman si lei at kristoff sa buhok ni Cj, siguro'y inayos na naman ito na AJ, hilig niyang pagtripan ang buhok ng ate niya. Nakataas ang dalawang  buhok  nito, tapos nakapulupot paikot na parang sa chinese.

Pagkaharap nilang dalawa, bahagyang nagulat ang mommy ni lei sa nakita, nagsign of the cross pa siya, "Omygod! Jesus christ, Is that true? totoo ba itong nakikita ko?" Sambit ng mommy niya, bahagya rin namang nagtaka si lei at kristoff sa inasal ng mommy niya.

"Mom? what are you talking about? okay lang po ba kayo?"

"God, anak kanino silang anak?" Tanong ng mommy niya. "Mom, sa kanila mo na lang itanong." Balik na bulong niya sa mommy niya.

"Anak po kami ni Nanay belen at Tatay Juls." Sabay na sambit nila.

"Eh? asan na sila?" Nalungkot naman ang dalawang magkapatid sa narinig.

"W-wala na po sila"

"Condolence, Im sorry." Hinging paumanhin niya sa mga ito.

"Okay lang po." Nakagiting sambit ni CJ.

"By the way anong pangalan niyo?" Gusto niyang malaman, malaman ang totoo.

"Ako po si CJ,  eto naman po ang kapatid ko si AJ." Pakilala niya.

"No. I mean, yung buong pangalan niyo?" Desidido na siyang malaman. Kapag nagtugma, sila na talaga.

"Cristine Jade po. siya naman si Acee Jace." Nagulat siya sa narinig niya, isa na lang  ang kailangan  niyang  hanapin, para  malaman ang totoo.




~
A/N: Nasa manila na siya :3 Magkikita na kaya sila? Hoho. Have a bless sunday. Takecare. Hihihi. ♥♡

The Long Lost Heirsess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon