Chapter: 24

7.6K 162 2
                                    


A/N: Yo! sana naman hindi umulan mamaya! -.- Here's chapter 24. Happy Reading. :)


Naglalakad ako mag-isa, hindi na ako nagpahatid kay marie nakakahiya na sa kanya, si na nga ang nagrekomenda nung sa raket dagdag kita. Ayoko ng makaabala ng tao.


Nagulat ako ng may bumusina sa may likuran ko, "Halika na, Ihahatid na kita sa inyo." si sir Lance? anong ginagawa niya dito?


"Huh? ah, eh hindi na, may pupuntahan kapa at eh, maglalakad na lang ako." Pagtatanggi ko sa kanya.


"Hindi pwede, wala na akong pupuntahan, sakay na ihahatid na kita." Tumango nalang ako dito tyaka pumasok sa loob sa likod ng kotse niya.


"Hep, hep! dito ka sa passenger seat umupo, hindi moko driver." Bumaba ako ulet tyka sumakay sa loob ng kotse, this time sa passenger seat na ako nakaupo.



Tahimik lang kami sa byahe, nakadating naman agad kami sa bahay, "S-sir lance, salamat po." sabi ko bago bumaba sa kotse.


"Sir? hindi mo naman ako boss ah? Cut the sir, Call me lance." Nakangiting sambit niya.


"Ate, andito kana pala" Sabat ni AJ sa usapan nila.


"Oo, Bat nasa labas ka?" Tanong ko sa kanya.


"Ate, tinulungan ko lang si mang ador na ayusin yung hardin dito, sino yang ang kasama mo?"


"Si si--- Lance Anderson."


"Yung model? ate kilala ko siya, model siya ng ACJ's COMPANY" Napatango tango na lang ako dito, san naman kaya yun nalaman ng kapatid ko?


"Kung nagtataka ka ate, may magazine sa kwarto, nabasa ko dun pagnababagot ako." Tumango tango ulet ako sa kanya.


"Una na ako CJ. takecare!" Paalam ni lance, tumango lang ako tyaka sumagot. "Ingat sa pagddrive, salamat ulet." Nakangiting sambit ko sa kanya.


"Ate, ano mo siya?" Nagtaka ako sa tanong ni AJ.


"Anong ano mo siya?" Takang tanong ko sa kanya.


"Boyfriend mo yun ano?" Nanunuyong sambit niya.


"Anong boyfriend ka diyan? kakakilala ko lang sa kanya kamakailan, boyfriend agad?"


"Kunwari kapa ate eh boyfriend mo naman talaga yun."


"Hindi nga, ang kulit mo AJ, tara na nga sa loob, Oo nga pala andiyan na ba si ate lei?" Tanong ko pa, antagal ko na din kase siyang hindi nakikita eh, hindi ko alam kung san siya nagpunta basta ang sabi niya lang aalis muna daw siya pero babalik siya, Sana nga. kasi nangako siya eh, nagpromise siya, haaaay! miss na miss ko na si ate lei. Napabuntong hininga na lang ako.


"Wala pa siya ate, Wag kang mag-alala andito pa ako ate, babantayan kita aalagaan at mamahalin, katulad ng pagbabantay na ginagawa ni ate lei sayo at alagaan kita at mamahalin katulad ng ginagawa niya. Wag kana malungkot ate."


"Asus naman, ang sweet naman ng kapatid ko, si ate din. Andito lang ako para sayo, kaya kung may kailangan ka sasabihin mo sakin okay?"


"Opo ate!"


Pumasok na ako sa kwarto si AJ bumalik ulit sa garden, hindi pa daw sila tapos. Naglinis muna ako ng katawan tyaka umupo sa sofa na nasa loob ng kwarto namin.


Ang swerte ng pala namin ni AJ, mas komportable kami ngayon dito kesa sa bahay namin, Laking pasasalamat ko kay ate lei dahil dito niya kami pinatuloy. Kung wala siya pano na lang kami ni AJ? Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil biniyayaan niya ako ng sweet na kapatid at maalaga na mga kaibigan.









The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now