Chapter: 26

7.5K 151 1
                                    



“Ate, pagkatapos natin kumain pupunta naman tayo sa amusement park.” Nakangiting sambit niya, nasa mamahaling restaurant kami, Hindi ko alam kung bakit naaafford niya dito, hindi na lang ako nagtanong.


“Bakit tayo pupunta dun?” Tanong ko.


“Wala, eh diba ate? pangarap mong nakapunta tayo dun? tayong apat nila nanay? kaso nga lang wala na sila ngayon, kaya tayong dalawa na lang.” Paliwanag niya, tama nga siya.


“Oo nga, namimiss ko na sila AJ.”


“Ako rin naman eh ate, Bilisan mo na para matapos na tayo agad, may pupuntahan pa tayo.” Andaming pakulo ng kapatid ko, ano na naman kayang meron?



“Tara na AJ, tapos na ako.” Tumango lang siya.


*

Nakarating din naman kami agad, bumili na siya ng dalawang ticket na ride all you can, Ang galante ng kapatid ko.


“San ka kumukuha ng pera AJ?” Tanong ko sa kanya, sa pagkakaalam ko naubos na yung ipon niya eh.


“Basta ate! wag mo na lang itanong, sa ngayon mag-enjoy muna tayo!” Nakangiting sambit niya, halata namang may problema siya, sa tagal naming magkasama ni AJ, halatang halata na siya.


“Saan tayo unang sasakay?” Excited na tanong ko, medyo madami rin ang tao dito, Noong nagfieldtrip kasi hindi ko nasakyan lahat ng rides sa dami ng tao at sa haba ng pila, siguro naman ngayon masasakyan ko na siya.


Nakita ko yung rollercoaster, Waaaah! nakakatakot naman doon, pero sa tingin ko ay masaya. “AJ, alam ko na kung saan tayo unang sasakay” Napalingon agad siya sa akin.


“Naiisip mo ba ang naiisip ko?” Nakangising tanong niya.


“HAHA, Oo naman! magkapatid ata tayo noh!” Nalungkot naman ang mga mata niya. “Bakit?” Tanong ko pa.


“Ah, wala yun ate! ano kaba? Haha. tara na nga” Nauna na siyang maglakad, haaaaay! ang swerte ko talaga sa kapatid ko. Ang bait bait, ang gwapo gwapo pa niya, medyo magkahawig sila ni lance. haha


Nakasakay na kami, Hinihintay na lang namin na umandar ang sinasakyan namin, tapos eto, eto na, eto na nga... Waaaaah!
“AAAAAAAAAAAHHH! AYOKO NA ATE, IBABA MO NA AKO!”


“PARANG HINUHUKAY ANG CHAN KO, IBABA MO NA AKOOO! AYAW KO NA!” Sumisigaw na natatawa ako sa inaasal ni AJ, ang lakas ng loob niyang mag-aya dito tapos siya itong parang bakla na sumisigaw-sigaw.


Pagkababa namin agad siyang nagsalita “Ate, nasusuka ako!” Tinap ko yung likod niya, “CR lang ako ate.” Paalam niya.


“Sasamahan na kita.” Alok ko sa kanya, “Hindi na ate, hintayin mo nalang ako dito.” Tumango na lang ako dito bilang sagot tyaka umupo sa isa sa mga bench.


Biglang may lumapit na matanda sa akin, “Hija? pwede ko bang basahin ang kapalaran mo?” Ano daw? paano? saan niya babasahin? Hinawakan niya ang kamay ko, Bigla naman itong nagulat at tumingin sa akin.


“May kapatid ka hija diba?” Tanong niya, paano nalaman ni lola yun? “O-opo, meron po.” Sagot ko.


“May malalaman ka, may malaking pagbabago ang mababago sa buhay mo, Lahat ng pinapangarap mo ay matutupad, may dadating na isang tao sa buhay mo, Makakamtan mo ang saya na inaasam-asam mo, Hija, maging matatag ka, masasaktan ka sa bandang huli.” Bigla kong hinila ang kamay ko.


“Hindi po, hindi po totoo yan.” Sabi ko na lang dito.


“Basta hija, mag-iingat ka, may isang malaking sikreto ang mabubunyag, magkakahiwalay kayong dalawa ng minamahal at pinapahalagahan mo, maging matatag ka.” Tumalikod na ako sa kanya at bumulong, “Hindi totoo yun CJ. wag kang maniniwala.”


“Basta maging matatag ka hija, wag kang susuko.” Muli ko itong nilingon pero wala na ito sa kinatatayuan niya, Bigla naman akong kinilabutan. Totoo ba lahat iyon?


“Ate anyare sayo? bat ganya itsura mo?” Tanong ni AJ pagkadating niya.


“AJ, uwi na tayo!” Aya ko sa kanya, naalala ko na naman lahat ng sinabi ni lola kanina.


“Bakit ate? hindi pa natin nasasakyan lahat ng rides ah? May problema ba?” Tanong niya pa.


“Sumama kasi ang pakiramdam ko AJ.” Pagdadahilan ko, sorry AJ.


“Sige ate.”

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now