CHAPTER: 5

9.4K 211 5
                                    


Kinaumagahan, naghanda na silang dalawang magkapatid para sa school.

"Ate, mauna kanang maligo!" Tumango nalang siya sa kapatid niya, magaling naman na yung pisngi niya, nababaran niya na kagabi ito ng yelo, yung nga pasa nalang  niya ang medyo halata.

After 20minutes, nakatapos narin siyang maligo, nagbihis narin siya, hindi narin naman makikita yung mga pasa niya, longsleeve naman yung uniform nila, nakaP.E uniform siya kahapon kaya ayun, nagkakalmot siya.

Nagkapagayos na silang dalawa, naghahanda nalang sila para sa pagpasok. "AJ Bilisan mo na diyan, nagpapagwapo kapa eh!" Biro ng ate niya sa kanya.

"May nililigawan kana ano?" Tanong niya sa kapatid na si Aj na kalalabas lang.

"Wala no ate, hindi ako mag-gigirlfriend muna, mag-aaral pako, tyaka na ang pagi-pag-ibig na yan pag nakapagtapos na ako, at pag naiahon ko na ang pamilya natin sa hirap!" Mahabang lintaya niya.

"Ayan, mabuti iyan, mag-aral ka muna para hindi sayang ang pinaaaral satin nila nanay at tatay!"

"Oo naman ate, hindi ko lang talaga kaya na maging top 1 eh." Malungkot na tukoy niya sa ate niya.

"Lahat ng bagay pinagsisikapan AJ, kaya mo iyan, sabi nga nila diba? Kung gugustuhin mo? Makukuha mo, kung magttyaka ka, at kung mag-sisikap ka! Wag ka ng malungkot AJ" Malamim na sagot niya rito.

"Ate? San mo napulot yan? Haha! Grabe ka naman makahugot eh. Opo, mag-aaral akong mabuti."

"Anong ibig mong sabihing hugot?" Naguguluhang tanong niya rito.

"Grabe ka ate, hindi mo ba iyon naririnig? Nakapainosente mo talaga"

"Eh, hindi ko naman kase iyon alam AJ, Halika na nga, baka malate na tayo!"

(FASTFORWARD)

Nang makarating sila sa school ay, inihatid muna nila si AJ sa classroom nito, nadatnan na nila si Kristoff at Lei doon, kaya't sabay sabay na silang pumasok ng matapos ihatid si AJ.

"Ano? Hindi na ba masakit  yang pinsgi mo? yung nga pasa mo kamusta na?" Agad na tanong ng ate lei niya pagkaupo nila sa upuan, Madami naman ang nagsilapitan para tanungin kung okay lang ba siya.

"Okay kana ba CJ?"

"Oo nga CJ, kamusta kana? Yung mga pasa at kalmot mo?"

"Ayos kana ba?" Sari sari pang tanong ang itinanong nila sa kaniya, nagokay sign naman siya na ayos lang siya, "Wag na kayong mag-alala guys, okay naman na ako eh, salamat sa concern niyo!" Nakangiti niyang tugon sa mga ito. Maswerte siya dahil madami ang nagmamalasakit at nag-aalala para sa kanya, Kaya inggit na inggit ang iba sa kanya, bukod na sa maganda at matalino siya, marami rin ang humahanga sa kaniya.

"Ikaw na talaga CJ, ang haba ng buhok mo, ang daming may concern sayo oh, ang ganda ganda mo talaga."

"Grabe ka naman ate lei, tyka opo mahaba ang buhok ko, pero hindi ako maganda."

"Asus, oo na! Haha tong batang to talaga, pahumble pa eh." Natawa nalang silang dalawa dito.








~
A/N: Yow~ XD  Isiningit ko lamang ito. HIHI :3 By the  way, palike naman po ng page ni CJ sa Facebook. Azalea Cristine Jade -CJ Scott. Salamat. :)

The Long Lost Heirsess (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu