CHAPTER: 6

9.2K 200 5
                                    


Isang buwan ang nakaraan mula nung awayin siya ng grupo nila kristine, hindi naman na siya ginugulo nito ngayon dahil kasama niya na palagi ang mga ate lei niya, si kristoff at AJ.

"CJ, Sasama ka sa fieldtrip?" Tanong ni lei sa kanya.

"Fieldtrip? Hindi ko alam ate, hindi siguro."

"Ngek! Sama ka na."

"Oonga CJ sama na kayo ni AJ" Pag-sang ayon naman ni kristoff dito.

"Kuya kristoff, Ate lei Alam niyo naman po na wala kaming pera eh, tyaka dalawa pa kami, ang mahal mahal nun, 1,500 ang isang tao, saan naman po kami kukuha ng ganung halaga?"

"May ipon naman kayo diba?"

"Ate, para lang po yun sa emergency."

"Edi, ganito nalang! Ililibre nalang kita CJ tapos ikaw kristoff libre mo si AJ" Suhestiyon ni lei, napasinghap ang dalawa dito.

"Naku, ate hindi na. Ano kaba? Malalakihan kapa niyan eh, okay lang naman kahit na hindi kami sama ni AJ eh!"

"Pero, malapit na mga 17 si AJ diba? Edi ayun nalang yung pabirthday namin sa kaniya"

"Ate si AJ lang naman ang may birthday eh, wag nalang po."

"Cj naman eh! Sige na pumayag kana, hindi naman sasama yan ng hindi ka kasama eh."

"Pero ate, nakakahiya naman sa inyo ni kuya kristoff"

"Hindi, okay lang yan CJ." Nakangiting sabat naman ni kristoff sa mga ito.

"Ate, hindi ba pwedeng kayo na lamang ni kuya kristoff?" Tanong niya pa.

"No. Dalawa lang kami? The more the merrier" (Tama ba? XD Pakicorret ako kung hindi :3) Sabay na sagot ni kristoff at lei.

"Ate----"

"Please? Kahit hindi na sa birthday ni AJ, kahit pabirthday mo nalang sakin? Please CJ? Minsan lang ako humingi ng favor sayo!" Nangungunsensiyang suhestiyon niya, hindi naman alam ni CJ ang sasabihin dahil totoo naman ang ate lei niya na minsan lang ito humingi ng favor sa kanya, pero kase nahihiya siya rito.

"Ate lei, hindi ba nakakahiya? Ikaw kase ang magbabayad eh"

"Okay lang naman yun CJ. Please? Payag kana?"

"S-sige ate, pero babayaran ko iyan ah?" Pagsang ayon niya rito, nagtatalon naman ng parang bata si lei dahil sa narinig, gustong gusto niya kase talagang isama si CJ, para mailabas at maigala niya ito sa ibang lugar.

"Okay. pero okay lang din naman sa akin kahit hindi na" Masayang tugon niya.

"Pero ate,!"

"Oo na, oo na"

(FIELDTRIP)

"Ate, andiyan na sa labas sila kuya kristoff at ate lei"

"Oo, heto na AJ, tapos na!" Tyaka siya lumabas sa kwarto nila.

"Oh- ANAK, ANO IYANG SUOT MO?" Sigaw na naman ng tatay niya, maghhysterical na naman ito.

"Saan galing iyang mga damit mo anak?" Tanong rin naman ng nanay niya.

"Nay, pinahiram po ni ate lei" Pantalon na may butas butas ang suot niya, sando na puti, at longsleeve. Tyaka pula't itim na jacket na itinali niya sa bewang niya. Pati yung kwintas na nakasuot sa kaniya simula nung sanggol pa lamang siya.

"Ang ganda ganda mo anak!" Nakangiting sambit ng nanay niya, hindi nga maipagkakaila na.. ..

"Hindi naman po nay!"

"Naks, pahumble pa si bunso eh, ang ganda mo diyan." Sabat ng kuya kristoff niya na nakapasok na pala sa loob.

"Oo nga, kamukha mo si ... . Tara na nga malalate na tayo eh!" Nagtawanan nalang sila sa inasal ng ate lei niya, minsan talaga may pagka-isip bata ito.



~
A/N: Hi . :3 So, kamusta naman kayo? XD Wala lang eextra lang ako dito :3 Dejoko. HAHA Vote and comment guyth :3

The Long Lost Heirsess (Completed)Where stories live. Discover now