Chapter: 25

7.6K 163 1
                                    



Maghapon lang ako nakatambay sa kwarto, mas gusto ko pa ang may trabaho kesa ang wala, Nakakainip rin pala, mas nasanay lang siguro ako na may ginagawa.


"Ate, halika pinapatawag ka sa baba!" Biglang bukas ng pinto sa kwarto namin, Iniluwa nun si AJ.


"Huh? sino namang magpapatawag saken?" Takang tanong ko sa kanya, tumingin ako sa wallclock na nasa loob ng kwarto. 4:00 na ng hapon, Antagal ko rin palang nasa loob ng kwarto.


"Basta ate, madami ang tao sa baba. yung kasama mo na lalaki kanina ay nandito din." Sabi niya pa. "Eh bakit naman raw?"


"Hindi ko din alam ate, Lumabas kana lang kung gusto mong malaman, pinababa ka nila eh, yung Jaydee ata ang pangalan nun? nandito din siya." Si sir jaydee? ano naman ang ginagawa nila dito? Baka naman may pupuntahan o napadaan lang or may itatanong lang sila diba?



Bumaba na lang din ako sa huli, ang kulit kasi ng kapatid ko eh, masyado siyang excited, mas excited pa ata siya sa akin eh, Hindi ko nga alam kung bakit nila ako pinapatawag.


"Ayan na si hija, CJ, AJ halina kayo, may kaunti kaming salo salo, sumama kayo sa amin." Bungad ni tita pagkadating ko sa baba, si Tita Jade, tito James at sir Jaydee, nakakailang silang tumingin. Feeling ko tuloy matagal na nila akong kilala. Siguro ay nahalata na nila ang pagkailag ko kaya umiwas na sila ng tingin, bakas ang excitement, saya, at lungkot sa mga mukha nila, Bakit kaya?


Nilapitan ko si tita jade, "Okay lang po ba kayo?" Tanong ko, ayoko lang talaga ng nakakakita ng mga tao na malungkot, gusto ko nakikita ko silang nakangiti, Sabi ni tatay, As long na kaya mong pangitiin ang isang tao pangitiin mo.


Tumango siya at agad akong niyakap, Ang sarap sa pakiramdam, Pakiramdam ko yakap ako ni nanay, na andiyan pa siya, Nararamdaman ko na rin na nababasa na ang balikat ko, umiiyak ba siya?


"Umiiyak po ba kayo?" Tanong ko, umiling iling naman siya, napangiti ako ng lihim, Magkatulad pala kami ni tita jade. Ayoko ng nalalaman nila na umiiyak ako, Pakiramdam ko kasi ang hina hina ko para sa kanila, kaya lahat ng lungkot at sakit idinadaan ko na lang sa pag ngiti.


"Wag na po kayong malungkot, kapag po may problema kayo andito lang po ako, I'll be your crying shoulder." Tyaka ko kinanta yung last part, napatawa naman siya yung iba napatingin amin. Napangiti nalang rin ako.


"Okay na po ba kayo?" Tanong ko, mas lalo niya tuloy hinigpitan ang yakap saken. May problema ba talaga siya?


"Honey, tama na yan. kumain kana muna okay?" Awat ni tito James sa kanya, Napatango naman siya tyaka kinalas ang pagkakayakap sa akin.


Pagkatapos ng yakapan portion namin dumiretso na ako sa kung saan ang pwesto ni AJ.


"Ate bat kapa pumunta dito? dapat doon kana lang sa tabi nila." Mahinang sambit niya.


"Ayaw mo ba akong makatabi?" Tanong ko. Umiling siya tyaka ngumiti ng malapad, "Hindi ate, Gustong gusto. Mamimiss kita" Tyaka niya ako niyakap. Hala? Uso ba talaga ang yakapan ngayon?


"Bakit Mamimiss? diba dapat namiss? Aalis kaba? sa tono ng pananalita mo parang iiwan mo na ako." Umiwas siya ng tingin nakita ko yung pamumuo ng luha sa mga mata niya.


"Hindi ate, Promise natin diba hindi natin iiwan ang isa't isa?" Tumango ako dito, bigla naman siyang tumayo at binaling ang tingin kina tita jade.


"Pwede po bang pahiram muna sa kanya? sa labas na lang po kami kakain, susulitin ko lang po ng kaming dalawa lang." Paalam niya sa mga ito, ngayon ko lang napansin na madami pala talaga ang tao dito.



"Sige hijo, ingatan mo siya ah?"


"Opo mag-iingat po kami, salamat po!" tyaka niya ako hinila palabas. 'Bakit?'

The Long Lost Heirsess (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz